Naibalita ko na ito sa inyo ang tungkol sa rising Pinoy star na sumikat sa larong tennis sa Miami, Florida kung saan tinalo niya ang mga nakalimang grandslam sa nasabing laro. Nakakamangha talaga at mababakas natin sa kanyang mukha ang pagiging bata pa pati na ang kanyang pagiging Pinay na Pinay na talagang palaban at walang atrasan, sabi ngani sato laban kung laban, bahala na si Tay, basta malaban kita. Ang ganda talaga ni Alexandra Eala, Alex ang katawagan sa kanya at magpapatuloy ang kanyang pamamayagpag sa kanyang larong tennis sa kanyang hinaharap. Ipanalangin natin na sana magpatuloy ang pagiging mahusay niyang manlalaro sa larangang tennis at sana ay magsilbing inspirasyon siya sa mga kabataan na ang hilig ay larong tennis. Mabuhay, Alex Eala at mabuhay ang Pilipinas. Para sa kaalaman ng lahat, nagsasanay sa tennis si Alex sa Rafael Nadal Academy sa Spain.
*****
Naglaho nang tuluyan ang Alyansa ni BBM. Si BBM naman ang 19% niyang trust rating niya bilang pangulo ay bumaba, naging 14% na lang samantalang si VP Sarah, huwag na nating ipagkalat baka lalong mamaga ang mukha ni Marcos at matuluyan sa sakit niya. Ang sabi ng mga doktor na tumitingin sa kanya, puwedeng ang pangulo daw mukhang may sakit na CKD o di kaya sa bato pero ang malamang daw sa bato at iba pang sakit. Pero ang sabi ng isang vlogger, ang totoong sakit ng pangulo na overdose sa pulvoron at wala ng iba pa. Kaya!!
*****
Samantala binura na sa mapa ang Hamas nang pagbobombahin ng USA ang kanilang lugar at nadamay pa ang ibang lugar tulad ng Yemen. Bakbakan talagang umaatikabo na ika nga, patay kung patay. Samantala ang AFP natin ay pinaghahanda na sa labanang China vs. Taiwan dahil nagdeklara ng digmaan vs. Taiwan at ang maapektuhan ng labis ay ang Northern Luzon na ipinagyayabang ang mga sundalo natin. Sa tingin ko, hindi aabot ng isang linggo ang handang pandigma natin, magdedeklara tayo ng Fall of Ilocos. Lalo na sobrang yayabang ng panggiyera natin na Amerika lang ang inaasahan. Sangkot tayo sa sobrang kayabangan. Samantala niyari naman ng Israel ang Hezbollah at halos madurog ito pero sabi ng mga Houthis, gaganti sila kaya natunugan naman ito at ang sabi ng mga Hezbollah, lintik daw ang walang ganti.
*****
Samantala, nakahanda na ang Impeachment case laban kay BBM at ang puwedeng ipalit daw si Imee Marcos. Ang dahilan ay ang nang kidnapin ang sarili nating pangulo na si Pangulong Duterte. Ang hinihintay na lang ang 20th Congress kung saan magpapalit ng Kongreso. Mismong si Panfilo Lacson ay umalis na sa Alyansa at tila pumapabor sa impeachment. Kaya ang sabi, mas makabubuti raw ang impeachment pero dapat daw pamunuan ito ni Sen. Imee Marcos.
*****
Nasaan na kaya yung pera ng PhilHealth? 16 billion pesos din yon. Nasaan na kaya ang napagbilhan ng ginto galing Bangko Sentral? Nasaan na kaya iyong pera galing sa Maharlika Funds? Nasaan na kaya iyong pera galing PDIC? Iyong pera para sa flood control projects? Iyong pera sa AKAP, AICS, TUPAD, at iyong sa Guimaras-Panay-Iloilo bridge kung saan nadale pa iyong PhilHealth na para sa mga members ng PhilHealth? At iyong iba pa na hindi pa natatapos at sabit pa doon ang pera ng GAA? Ang daming pera, napunta sa mga buwaya ang lahat ng ito. Mga buwaya kayo!!
*****
Makukulong na daw si Gen. Torre at malamang daw na pati si Gen. Fajardo kasi akala daw nila sila ang batas, samantalang ang totoo sila dapat ang magpatupad ng batas. Pero ang ginawa kay FPRRD ay isinurender sa The Hague, Netherlands o sa ICC samantalang ang dapat sa sariling korte ito nililitiis at hindi sa ibang bansa. Maliwanag naman na dapat sa sariling korte natin ito, dapat nililitis at hindi sa ibang bansa. Hindi siguro alam kung ano ang sinasabi ng batas that no person shall be deprived of life, liberty and property without due process of law. Mayroon lang diffusion pero walang red notice na nire-require ng Interpol. Sa imbestigasyon ng senado, umpisa pa lang mali ang lahat na ginawa ng ating mga pulis, lalo na ang ating gobyerno, sa ating dating pangulo. Ang imbestigasyong ginagawa ng Foreign Relations Committee ay walang katuturan, waste of time and effort at isang malaking drama at palabas ng gobyerno.
*****
Maliwanag naman na kagagawan ng mga taong may alam sa mga pangyayari at alam nila ang lahat na pangyayari pero nakakalungkot sa pangyayaring ito na wala lahat sa hearing na ito ng Foreign Relations Committee. Pag mabubuko ang mga dapat mabuko, wala sila kasi baka mabubuko nga. Ang pinakamainam nga dapat huwag nang mag pakita para ligtas ka. Ngayon lang pero sa mga darating na araw lilitaw din sila at iyan ang totoo.
*****
Mga kandidato: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE
Senators: BONG GO, MARCOLETA, BATO DELA ROSA, JIMMY BONDOC, LAMBINO, DR. MATA, JAYBEE HINLO, PHILIP SALVADOR, QUIBOLOY, CAMILLE VILLAR, VIC RODRIGUEZ
*****
Balik tayo sa rating ni PBBM na kung saan 14 % na lang ang inabot nito na noon ay napakataas nito at ngayon nga ay 14% na lang. Saan kaya napunta ito? Trust rating ba ito o trash rating? Well, isang pangulo ka at ang trust rating mo ay 14 % na lang, puwede ka nang mag-suicide niyan. Kung sa Japan yan, nag-harakiri na yan. Alam naman natin ang ugali ng mga Hapones, mahalaga sa kanila ang karangalan kaysa sa buhay nila? Trash rating daw, grabe naman!
*****
Hinarang daw ni Escudero ang dapat na isu-subpoena sa mga senador at sa mga iba pang resource persons sa susunod na hearing ng Senado dahil ikokonsulta ito sa kanyang legal team. Ang ibig sabihin daw ba ni Escudero bilang pinuno ng Senado, mas magaling ang mga adviser niya kaysa sa kanya na isang abogado at pinuno pa ng Senado at halal pa ng taong bayan?
Aba, may constitutional crisis tayo samakatuwid? Palitan ang SP, hindi kayang magdesisyon kung ano ang dapat gagawin na dapat gagawin ng isang pinuno? Maging fair ka naman, sir.
