TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

P800 BILLION+ NG PHILHEALTH NAWAWALA?

Mga kandidato: congressman SAMMY LAYNES Governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ,  pbm FRED BENEDICT GIANAN kagawad FRED GIANAN

mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA   vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE

SENATORS: ATTY RODANTE MARCOLETA,ATTY VIC RODRIGUEZ, ATTY JIMMY BONDOC, ATTY. JAYVEE LINJO, ATTY, RAUL LAMBINO,DR. WILLIE ONG, BONG GO, BATO DL ROSA

APOLLO C QUIBOLOY, PHILIP SALVADOR,ATTY. MATA

*****

Pinababalik ng Supreme Court iyong Enrolled Bill na pinirmahan ng mga kongresista at ng mga senador at ng Pangulong Marcos pero hindi na ito lumilitaw. Aywan kung bakit siguro hindi na makuha. Baka kaya lumalabas ang mga engkanto sa Malakanyang at itinatago at lalabas pag wala na ang gobyernong ito. Iba pa naman pag ang nagtago ng mga bagay-bagay ang mga engkanto, lilituhin ka talaga. Kaya dapat mag-ingat lang ang lahat dahil delikado ngayon. Ang panahon ngayon maraming buwaya, baka maisahan tayo mahirap na. Delikado pag bumira ang engkanto, pag sinabayan yan ng mga buwaya, isang pitik lang ng buntot niyan todas ang kinaban mo?

*****

Ang exciting ngayon iyong tungkol sa PhilHealth dahil sasagutin ng gobyerno sa pamamagitan ng SolGen ang mga reklamo ng mamamayan tungkol sa PhilHealth at sa mga reklamo dito. Ang magpe-preside dito sa kasong ito ay walang iba kundi si Justice Amy C. Lazaro at ang magdedepensa naman ay SolGen Menardo Guevarra. Dapat nating tandaan na ang bawat ahensiya ng gobyerno, may kanya-kanyang pondo ito, ayon sa isinasaad ng NEP o National Expenditure Program bago ito i-adopt ng GAA. Isa na ang Philhealth, DOH, DPWH, DEPED, at iba pang departament o ahensiya ng gobyerno. Ang DPWH, DOH, at iba tulad ng sinabi ko may sariling budget din yan, kaya hindi puwedeng pakialaman ng ibang ahensiya ng gobyerno. Ang gobyernong Marcos ay may proyektong tulay sa Iloilo at Guimaras, pinonduhan ng Korean Export-Import Bank pero sinasabi ng gobyerno na ang ibang pondo ng Philhealth, napunta sa tulay sa Iloilo at sa Guimaras. Puwede pala iyon, pera ng Philhealth samantalang ang Dpwh may sariling pondo at ang proyekto ng gobyerno may pondo rin galing sa Korea. Papaanong pati kuwarta ng Philhealth nayari pa?

*****

Sa totoo lang, nagisa ng husto si SolGen sa pagsagot sa mga tanong ni Justice Amy Lazaro. at balita ko tila nahihirapan ang SolGen sa pagdepensa ng gobyerno ni Marcos. Imagine, kuwarta ng  PhilHealth kunwari ipinondo sa ibang proyekto samantalang para lamang sa PhilHealth ito at kung sumobra man  ang pera ng PhilHealth, may ibang papupuntahin ito. Tanging PhilHealth lamang ang may karapatan dito at kung  sumobra. man ang kuwarta ng PhilHealth ay babawasan ang singil at ibayad sa iba pang pagkakautang nito pero hindi puwedeng pambayad sa pagkakautang sa mga doktor, mga nurses at iba pang atraso ng DOH dahil ang Department of Health may sarili ring pondo ganoon din sa DPWH at iba pang ahensiya ng gobyerno. 400 milyon ang sa tulay na pinautang ng Korea specific lamang ito sa nasabing proyekto hindi kasali ang PhilHealth pero bakit napasama sa bayaran ang PhilHealth? Tungkulin ba ng mga contributor ng PhilHealth ang bayaran ang pagpagawa ng tulay ng Iloilo? Ng Guimaras? Hindi ba gobyerno ang dapat managot sa nasabing proyektro sa pamamagitan ng DPWH? Walang subsidy ang PhilHealth at nawawala ang malaking pera ng Philhealth? Grabeng nakawan ang nangyayaring ito sa ating gobyerno?

*****

Hindi raw puwedeng bayaran ang PhilHealth dahil inilagay daw pala ang pondo ng PhilHealth  sa mga un-programmed fund tulad ng tulay na mayroon ng pondo ng Korean Export-Import Bank.Sa madaling sabi, na-double whammy tayo, mayroon na sa Korean firm, mayroon pa sa PhilHealth. Wala ang pera ng mga contributor kaya ang sabi ng isang kumakandidato sa pagkasenador, magtiis na lang daw tayo at pabayaan na nating mabundat ang mga buwaya at kakarmahin din ang mga iyan sa gawa nilang naaayon sa patakaran ng masasamang tao. Ipagdasal daw natin na ang kanilang kasamaan umabot ng hanggang diyan na lamang at maligtas ang mabubuti ang kanilang gawa.

*****

Sa tanong kung bakit mga House leaders lang ang kinasuhan at hindi kasama ang mga senador, kulang daw ang hand ng mga senador at ang tanging may kapangyarihan daw ang mga kongresman. Matatandaan natin na maging sa impeachment kay VP Sara sa House, nagmumula ang impeachment muna bago ito makapunta sa Senado. Ayon sa balita, isang pirma katumbas ay 100 million. Balita lang iyon at mga tsismosa ang may gawa at hindi ito naggaling sa akin. Siguro gawa na naman ito ng mga buwaya na masyadong malansa ang bunganga?

*****

Ilabas nyo na ang enrolled bill. Ito ang panawagan ng nag-petition na mga senador at lalo ang Supreme Court. Pero humingi yata ang gobyerno ng extension ng limang araw na palugit para daw mapag-aralan pang mabuti ang kasong isinampa sa kanila. Mahirap talaga idepensa ang ngalang masama. Makuwarta ka nga oras-oras naman kalaban mo ang budhi mo at ang totoong mga kalaban mo. Mahirap talaga gumawa ng masama lalong mahirap kinakasuhan ka pa sa pagkakaalam ko pa naman ang mga makasalanan daw sabi daw ni San Pedro delikado na raw ngayon dahil ang mga aircondtioner sa impiyerno, puro na raw for repair at ang iba raw matindi ang mga sira.

*****

Ang lider ng Tricom na si Ace Barbers ay nahaharap sa malaking kaso. Ang nagsampa ng kaso sa kanya ay ang mga vloggers at pinadalhan ito ng mga sulat sa halip ay nagsampa sila ng kaso na matatawag na class suit dahil milyon ang halaga nito at marami ang sangkot dito. Akala kasi ang mga vloggers mga basta-basta lang samantalang hindi nila kilala ang lahat. Mayroon diyang lawyer, journalist, doctor, writer sa malaking diyaryo, mga negosyante, abogada, at iba pa. Noon mga resource persons ang pinakukulong, ngayon mga taga-Tricom na. Umaabuso na kasi ang mga pinutukan ng lintik!! Bilyong pisong lawsuit, ubos iyong kita sa pagiging Tuwadcom nyo.

*****

Papaanong kikilos ang Senado on recess sila. Kung tayo bang mga estudyante, papasok ba tayo ng eskwela kung walang pasok. Kung pasukan, yes, papasok tayo pero kung hindi pasukan hindi tayo papasok. Ang pinanghahawakan nila iyong salitang forthwith na ang ibig sabihin daw ay agad-agad pero ang sabi naman ng iba-iba, hindi daw ito agad-agad sumusunod lang daw sila sa batas sabi ni Chiz. Ang hirap daw, dalawang buwan itong inupuan ng mga kongresman tapos minamadali ang Senado. Tila may mali nga naman kung ano ang batas, iyon ang dapat sundin at dapat pairalin. On recess ang kongreso, iyon ang dapat sundin.

*****

Mayroon pa palang Samar-Pacipic-Road Project at Laguna Project kung saan ang nag-iimplement nito ay DSWD pero hindi pa nasisimulan. At iyong Guimaras road project ay hanggang drawing lang at hindi pa nauumpisahan. Saan kayo nakakita ng project kung saan ang DSWD ang siyang nagpapagawa nito? Ang DSWD pala nagpapagawa na ng mga tulay at pag repair nito? Ang galing ng goyernong ito, pati pala pagrepair ng tulay, gumagawa na rito? Wonderful!! Kaya pala ang pera ng PhilHealth galing sa loan ng Korean-Import Export Bank intended para sa tulay, PhilHealth ang pinagbabayad. Wonderful!!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading