Nanindigan ang Senate president na hindi siya puwedeng diktahan ninuman sa kanyang tungkulin bilang pangulo ng Senado kundi ang sumunod sa kung ano ang itinatakda ng batas sa kanila. Trabaho lang ika nga at hanggang doon lang. Ito ay sa kabila ng maraming naghihikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagdinig ng impeachment case kay VP Sara sa kabila ng ang Senado ay wala nang session. Maging si Pangulong Marcos ay hinihikayat ng mga kaalyado niya na ituloy na ang impeachment kay VP Sara pero matigas ang paninindigan ng Senate president na dapat sundin ang batas. At sa pagkakataong ito, kung susunod sa batas ang susunod na session ay malamang July ng kasalukuyang taon kung saan bago na ang komposisyon nito dahil may mga bagong halal ng senador. Sa totoo lang, kung susunod talaga sa calendar ng Senado, baka abutin ng kung ilang buwan matatapos ang impeachment o baka baka matunaw na ito hanggang senado na lamang. TODAS iyong suka, baka isinuka na.
*****
Sinuspendi ng FB si convicted France Castro. Malamang na ang dahilan ng pagkasuspendi maraming galit sa nasabing tao. Kung iisipin natin, bakit maraming galit dahil ba convicted siya of illegal detention of minors? Hindi natin alam kung hanggang kailan matatapos ang suspension. Tanging FB ang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang suspension.
*****
Ang pag-usapan natin ngayon ay ang tungkol sa disqualification ng mga Tulfo family. Ang dahilan ng pagka-disqualify ng limang pamilyang mga Tulfo. Pati iyong hindi dapat madamay na pamilya, nadamay pa. Ang isyu ay tungkol sa political dynasty kasi nga ang dami na nila. Para ding pamilya Marcos, Cayetano, Dy ng Isabela, iba pang pamilya at Tulfo nga. Marcos magkakapatid, Cayetano halos buong pamilya, Dy ng Isabela halos buorng pamilya, Duterte halos buong pamilya din at marami pang iba na pati alaga nilang mga aso at pusa pinakakandidato rin. Kandidato pa more.
*****
Ang tinitira impeachment. Charge lang ang impeachment, hindi conviction. Wala pang conviction na nangyayari at isa political yan kaya hindi magandang basehan kung masama o mabuti ang isang tao. Ang dapat na isyu kung saan napunta iyong bilyon piso sa FLOOD CNTROL PROJECT, PHILHEALTH, MAHARLIKA FUNDS, LAND BANK, DBP, GINTO NG CENTRAL BANK, PDIC, at marami pang iba. Ang tinatamaan sa mga banat niya mga kasamahan ni Marcos lalo iyong mga buwaya.
*****
Pumunta sa Tagum City si Marcos. Ang malungkot na pangyayari kumakaway siya sa mga tao lalo sa mga farmers, hindi man lang siya binabalikan ng kapwa kamay kundi sa halip nagtatawanan ang mga tao. Kumakaway si Marcos sa hangin lalo na doon sa may mga tao pero hindi siya pinapansin. Puwedeng makakuha ng zero ang mga kandidato niya sa eleksyon. Kasi kung hangin ang kinakawayan mo at hindi ka man lang pinapansin, mabuti pa mamundok ka na lang. Di ba?
*****
P424 billion pesos nawawala, saan napunta at sino ang kumuha? 2024 ito nangyari at tinanong si Cong. Quimbo at ang may pinakamalaking nakukuha ay ang kongreso. Hindi raw nila malaman kung saan napunta dahil ang natitira ibinabalik daw ito sa national budget. Pagsasawalat ni Appropriations committee chairman Quimbo. Pinababalik din ng Supreme Court ang Maharlika funds, GSIS, SSS, GAA, DBP at iba pa. Tatlong araw na lang, dapat maibalik na ang mga nabanggit na mga bagay. Pero ang sabi ng isang kandidato sa pagkasenador, 65% na raw ng budget ay nakuha na. Ang sa 2025, 65% yari na at pinaghahahatihatian na
*****
Samantala, nag-file si VP Sara ng certiorari para pigilin ang paggulong ng impeachment. Ang mga nasa prosecution ay sinasabing natatakot daw ang mga Duterte pero ang hakbang ng mga Duterte ay naaayon lang sa batas at walang makakapigil. Samantala natanggap na marahil ang petition at pag-aaralan na ito ng SC pati ang sagot ng prosecution.Samantala iba iba naman ang interpretation ng mga abogado tungkol sa salitang “forthwith.” Si Justice Carpio, hindi naman daw sinabing agad-agad pero si Con-Con Rene Sarmiento agad-agad. Sino ngayon ang tama? Bakit atat na atat si Pimentel dahil ba kaa-appoint lang ni Marcos ng asawa niya bilang ambassador? Masyado namang halata na hindi ba karapatan niya, VP Sara bilang respondent ang certiorari? At saka bakit tinanggap ng SC ang petition?
*****
Iba ang finile ng Mindanawon lawyers at bukod naman ang kay VP Sara . Ang sa Mindanawon Lawyers para kay VP Sara din at parehong certiorari samantalang ang sa prosecution ay mandamus para pigilin ang certiorari filing ni VP Sara at ng Mindanawon lawyers. Ang tanong bawal ba ito? Ang sagot hindi at ang katibayan na hindi ito bawal ay tinanggap ito ng SC at ang mandamus ng prosecution ay tinanggap din SC. Ang bawal ang ginawa ng mga buwaya na sibain ang kuwarta ng taongbayan.
*****
Nasa Dumaguete ngayon ang Team Ngagba at ang sinapit nila sa Tagum City at Iloilo City ay sinapit din nila sa Dumaguete kung saan ang sigaw ng mga tao ay Duterte. Masakit pero wala tayong magagawa, si Duterte ang mahal ng mga tao lalo na mga OFW saan mang sulok ng mundo. Kaya kung hindi gagamitan ng kuwarta, titiwarik ang Ngagba Team. Kaya kung pakalilimiin nating Mabuti, konting sikwal lang ng PDP, ralamos ang Ngagba Team.
*****
Class suit isasampa sa grupo ni Ace Barbers et, al balak ng Tricom na ang mga vloggers ay ipatatawag at gagawan ng batas pabor sa kanila lamang na ayon sa isang abogado bawal daw ang ganitong batas dahil mayroon na tayong mga batas na ganito tulad ng libel, cyberlibel, perjury at marami pang iba. Ang binabalak ng Tricom ay labag sa batas at ang tawag dito ay class law, iyan po ang sabi ng isang abogado. Bilang Ganti, magdedemanda rin sila ng malaking kaso sa abogago ng Tricom. Ito ay nagkakahalaga ng milyon.
*****
Ayon kay Atty Vic Rodriguez, hindi raw verified ang impeachment na ifinile kay VP Sara dahil basta pinirmahan ito ng mga tongressman pero hindi venirefy at hindi inunawa kung ano ang pinirmahan nila kaya mali daw ito ito ay mere scrap of paper lang daw at pang toilet paper lamang at hindi nararapat para sa isang mahalagang dokumento lalo na at bise presidente ang nasangkot dito at hindi isang buwaya. Kung buwaya, babuyin niyo na, baka makakagat pa iyan!!
*****
Ang sabi ni Ralph Recto, ubos tayo rito pero kasama niya si Ngagba. Ang tinutukoy ni Recto ay ang katotohanang bankarote na ang PhilHealth at hindi malaman kung saan ito napunta sa pagkadami-daming pondo nito. Ina nyo, may pera pa ako diyan, mga buwaya kayo. Inuubos niyo ang pera ng mga tao, mga hudas kayo. Pati pinaghihirapan namin niyayari ninyo. Hayop ka, ngagba, binabawian nyo ang mga tao sa ilang taong naghirap kayo. Si Duterte umalis sa puwesto niya pero hindi siya nagnakaw katulad ng ginagawa niyo ngayon. Tama, mauubos nga kayo, pamilya niyo pakandidatuhin niyo pa pati baboy ninyo, pati pusa ninyo, pati kasambahay, pati driver ninyo, pakandidatuhin ninyo, pati mga ex, sige na, ubos na para maubos na kayo.
*****
Mga kandidato ko: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY “CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE.
Senators: Atty. RODANTE MARCOLETA, Atty. JIMMY BONDOC, Atty.VIC RODRIGUEZ, Atty JAVEE HINLO, Atty. RAUL LAMBINO, BONG GO, BATO DELA ROSA DR. WILLIE ONG, PHILIP SALVADOR, PACQUIBOLOY.
