TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

LABASAN NA NG MGA BUWAYANG MAGNANAKAW

Umpisa na ng kampanyahan sa mga senador at partylist representatives. Kumbaga ito na ang huling hirit ng mga Lacoste. Ang Marcos Team nagsimula sa Ilocos at ang PDP laban nagsimula kung hindi ako nagkakamali sa pinagmulan nila. Maganda ang simula ng PDP, walang masyadong trapo, mga baguhan sila at karamihan abogado. Sila ay binubuo nila Atty. Marcoleta, Atty. Vic Rodriguez, Atty Jayvee Hinlo, Atty. Raul Lambino, Atty. Jimmy Bondoc, Bong Go, Bato dela Rosa, at Philip Salvador

*****

Mapupuna natin na ang mga senador sa kanila (PDP) ay mga abogado at mga maaalam sa batas, hindi katulad sa kabila na bukod sa mga trapo mga pami-pamilya pa at mga walang paninindigan sa buhay. Pagkatapos sabihing kakasuhan ang mga Marcos dahil mga magnanakaw kuno ito, ayun sinamahan pa. Ginawang biru-biruan lang ang pulitika kaya sinamahan pa para siguro makarami. Halos isang pamilya lang ang grupo nila. Dalawang Cayetano, dalawang Tulfo, dalawa na ang Marcos, Kakapal ng mukha nila!! Dagdag pa more!!

*****

Kinasuhan na sa Ombudsman sina Tamba, Zaldy Co, Quimbo, Dalipe at marami pang iba kaugnay sa “filling the blanks” na ginawa sa GAA ng mga buwaya at pinirmahan ng ngagbang president ng mga wakwak. Sa kung puwede na silang hulihin at ikulong na, hindi ko pa alam dahil mayroon silang tinatawag na parliamentary immunity bagaman sa panahon ngayon hindi na sila immune dahil wala na silang session hanggang June 2, 2025. Hindi pa natin alam kung kailan puwede na silang hulihin at ikulong pansamantala tungkol sa kaso nila kaugnay sa “filling the blanks” sa GAA. Pero balita ko hindi na raw “filling the blanks” kundi “multiple choice” na raw at saka “essay” na o baka “true or false.” Sabi pa nga, baka “yes or no.” Sana gawin lang tagalog, iyon bang tama o mali.

*****

Isang congressman ang nagwala at itinapon ang microphone dahil ang mga tao sigaw ng sigaw ng mabuhay si Duterte habang ang congressman ay nagsasalita. Sa inis niya dahil panay Duterte ang isinisigaw na mga tao, ibinalibag ang naturang microphone. Ang nagsasalita po ay si Cong. Ecleo. Ang isinisigaw pa pirma pa more.

Sa Muslim area naman, isang Muslim congressman na si Congressman Adiong ang isinumpa ng  kanyang mga kababayan dahil sa ginawang pagpirma nito sa impeachment. Muslim ka pa naman, ipinagkanulo mo ang mga Muslim sa ginawa mo. Iyan ang sabi ng mga Muslim.

Samantala sa Iloilo inisnab si Marcos sa rally nila para ipakilala ang kanyang mga kandidato. Laking kahihiyan ang pangyayaring ito. Pangulo ka, inisnab ang grupo mo.

*****

Hinarang daw ni Sen. Jinggoy Estrada ang mga OFW ng Singapore nang pumunta ito sa nasabing bansa at ang sigaw ng mga OFW ay ang pangalang Duterte. Hindi kinaya ang sigaw ng mga tao sa Singapore kaya ang ginawa ng senador ay sumama na lang sa agos. Mahirap nga namang sasalungat ka pa, lalo na kung malakas ang baha. Wala kang magagawa kundi sumama ka na lang dahil kung hindi, isa ka ring masasama sa bahang malakas ang agos. Ang nangyari sa Singapore ay nangyari din sa Japan, lalo pa sa Hong kong kaya ang nangyari bibili lang ng suka ay siya ng isinusuka ng mga tao.

*****

Tinuldukan na hindi na matutuloy ang impeachment sa June 2 kundi gagawin ito pagkatapos ng SONA ng pangulo. Kung ano man ang balak ng pangulo tungkol sa SONA, nanindigan ang Senado na gagawin nila ang impeachment pagkatapos ng SONA ng pangulo. So ang panawagan ng pulahan hindi matutuloy, ang masusunod ang kagustuhan ng senado na gagawin sa June 2 ito ay gagawin sa July pagkatapos ng SONA. Impeachment pa more.

*****

Nakakatawa tayong mga Pinoy, milyon ang magaling na tao sa Pinas at mga nakapagtapos ng iba’t ibang kurso pero nandito sa ating isang lider na hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Nakakatawa tayo para tayong mga siraulo. Akalain niyo, nag-aral kuno pero wala namang katibayan na siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa isang kolehiyo katunayan na isa siyang graduate sa isang kurso. Ang alam ko hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo pero tayo namang Pinoy iniidolo natin ang isang undergrad at isa pang ngagba. Nakakahiya ang lahi natin, tunay na nakakahiya!

*****

Ano bang nangyayari? Bakit tila kinokontra ng kanyang mga kasamahan sa partido ang mga taga-BBM? Sotto hindi gusto mga banat ni BBM, Lacson ganoon din para daw sila ang kinakalaban. Dapat pag kasama mo, ipinagtatanggol mo, sa halip na kinakalaban mo. Kung mali ang kasama, ituwid mo at gawin mong tama ang pagkakamali niya. Sa klase ng mga banat ni Marcos, pinalalabas niyang magaling siya ganoong bulok naman siya bibili lang ng suka, iyon pala siya ang isinusuka. Nakakahiya na naman!!

*****

Mas magaling daw si Atty..Dante Marcoleta kaysa kay Manny Pacquiao. Talaga naman kasi nga abogado ito at super galing pa. Pero kung boksing ang pag-uusapan, super galing naman si Pacquiao. Pero sa Senado at Kongreso pa kaya super galing si Marcoleta at super walang sinabi si Pacquiao. Kaya kung ako ang tatanungin, hindi ko iboboto si Pacquiao. Kung boksing naman ang pag-uusapan, hindi ko iboboto si Marcoleta. Senado ito kaya Marcoleta ako. Kung boksing, Pacquiao pa ako basta parehong edad nila.

*****

Dakul ang nagkapirilay kaso banggi, ang iba barari ang sakon. Egua man ning makulog ang balakang, egua ning nabarian ang apat na karingkingan, egua pa ning bari ang siko pero kadaklan bari ang heels sa sobrang langkaw ning sapatos.

*****

Mga kandidato ko: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “ BOSSTE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN,

mayor virac JOSEPH “BOBOY’ CUA, vice mayor ROSIE PANTI OLARTE

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading