Kanino kaya papabor ang mga kalokohang iyon sa national budget o GAA? Sa kasaluyang admin o sa naniniwalang palpak ang pinirmahang national budget ni ngagba? Pag pumabor kay ngagba, happy ang administrasyon pero pag hindi todas ang mga buwayang laot. Lalo na yong buwayang mag-asawa sa Bato River. Mapipilitan silang ilabas ang nakatagong kayamanan ng mga buwayang laot, mga buwayang nabubuhay sa matabang na tubig pero mas matindi sila sa alat tubig. Ako’y naniniwalang matatalo ang mga buwaya dahil sobra na ang pambubuwaya nila at mahirap kalaban ang karma, ika nga. Pero sa panahon ngayon, wala nang karma, hindi na ito tumatalab kasi ang kapal ng kaliskis nila. Ang tumatalab na lang super karma at matatagpuan lang ito sa ilalim na Bato River, ang tawag nila Burobaybay. Saan kayang lupalop matatagpuan iyon?
*****
Akala ko pag ginigisa ginagamitan ng mantika? Puwede rin palang maski wala nang mantika, kahit pala laway puwede na rin. Tingnan Ninyo, kasalukuyang ginigisa ngayon ang AKAP sa Senado kasi wala naman daw ito sa GAA pero biglang sumulpot kaya daw sa kasalukuyan ginigisa ito. Ano kayang lasa nito? Siguro lasang linimonang buwaya na maasim at medyo mapakla. Kasi nabalitaan kong medyo mapakla daw ang lasa ng linimonang buwaya, lalo na iyong buwaya na galing Bato River?
*****
Pag nagkataon, maaring magkaroon ng tinatawag ng reenacted budget. Tiyak, iiyak ang mga buwayang laot. Dahil mawawala iyong mga iligal na dagdag o insertion sa GAA na wala naman sa budget. Pero pag nagkaroon ng reenacted budget, ito ay hindi na puwedeg dagdagan at tanging magagawa lamang ng pangulo ay manatili sa dating budget pero hindi ito puwedeng dagdagan tulad sa ginawa nila sa 2025 budget na mayroong AKAP, AICS at iba pang mga iligal sa batas na ginagawa ng kasalukuyang admin.
*****
Dati si Vilma Santos lang ang may hawak ng heavy drama sa Kongreso. Ngayon may Dan Fernandez na Philip Salvador, Lito Lapid, may pakengkoy si Willie Revillame. Buti na lang nawala si Herbert Bautista at mukhang si Yul Servo mamaalam na rin. Sa totoo lang, para sa akin mabuti sigurong mawala na mga ito. Robin Padilla number one na kengkoy, Willie Revillame,Vilma Santos heavy drama, action Lito Lapid, Dan Fernandez action at bold star, lahat sila ang gagawin magpatawa, magpakengkoy at gumawa ng kakengkoyan sa Senado. Kaya ang Senado natin, magkekengkoyan na lang tayo. Show biz balita: dumami ang mga kengkoy sa Senado natin.
*****
Ang kinakasuhan ngayon ng mga vloggers hindi ang Tuwadcom kundi ang Tricom pala na pinatawag daw ng Kongreso. Supreme Court ang pinuntahan sa paniniwala nilang tila may mali daw sa pagpapatawag sa kanila. Remember mahigit 40 lawyers ang binubuo ng mga vloggers kaya hindi basta magpapatupi ang mga iyan. Kaya, ayan sa halip magpuntahan saTricom o Kongreso, Supreme Court ang tinungo nila. Kaya ang mangyayari ngayon, bakbakang umaatikabo. Imagine mga vloggers inaakusaang nagre-report daw ng mga fake news. Mapapatunayan n’yo ba na mga fake news? Sariling bakuran ninyo ang akusahan ninyo. Magandang halimbawa ang ginawa ninyo kay Grijaldo, Celis, Lorraine Badoy at Wilson, kinulong ninyo ng walang kasalanan. Kasalanan ba ang huwag kumibo samantalang isinasaad iyan sa MIRANDA DOCTRINE at maliwanag na maliwanag ito sa ating Saligang Batas? Kung sa bagay, nandiyan ito sa Google pero hindi sapat hanggang Google ka lang talaga. Certiorari nga pala ang isinampa ng mga abogado ng mga vloggers.
*****
Sabi ng mga vlogger, ginigipit daw sila ng mga kongresista kaya sa halip na mag-attend sila sa patawag ng mga buwaya, tumuloy sila sa Supreme Court at nag-file ng certiorari. Iyong iba sa Tricom ay feeling magagaling pero wala namang alam sa paggawa ng batas. Ang tanging alam lang mag-contempt ng mga resource persons at magsa-cite ng batas according sa batas na ginawa nila na para bang nasa korte sila at kanilang ikakatuwiran na ang ginagawa nila ay in-aid of legislation ang ginagawa nilang pag-contempt sa mga resource persons na gusto nila sila lang ang nagsasalita at ayaw bigyang pagkakataon ang mga resource persons. Grabeng abuso!! Abuso pa more!!i
*****
Tiwarik ang mga kongresista at sinabing big scam ang GAA budget 2025. Tapos ang mliligayang araw ninyo sa AKAP, AICS at iba pang nasa 2025 budget. Papayat ngayon ang mga buwaya lalo iyong mag-asawa diyan sa Bato River, lilitaw sana kung natuloy ang pekeng TUPAD na lumitaw lang ngayong eleksyon. Pero ngayong tuluyan ng nawala ang AKAP at AICS, gutom ang labas ng mga buwaya sa laot. Ngayon manima kamo ning hipon boda paso asin ilid-ilid sa Honasan, mga impakto kamo. Paluwason man nindo so buwaya diyan sa salog nin Bato ta basog na kasisiba ning hilaw na tulak ni Tamba.
*****
Warrantless arrest puwede raw sa mga vloggers pag in flagrante delicto. Para namang hindi abogado ang nagsasabi nito. Ano bang klaseng demokrasya mayroon tayo? Ang libel case masalimuot na kaso. Oras na mali ang akusasyon sa iyo, anong mangyayari sa nangkakaso at kinakasuhan? Kalokohan ito at nararapat lamang ito sa batas Martial law. Gumawa naman kayo ng batas na naayon, adhikaing sinusunod natin. Masahol pa tayo sa batas ng North Korea, parang sumunod ka muna bago ka magreklamo. Sabi nga sa English, obey first before you complain.
*****
Mga kandidatong tatak MT: kongressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA,vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE
senators: ATTY. VIC RODRIGUEZ, ATTY. RODANTE MARCOLETA, ATTY.JIMMY BONDOC, DR. WILLI ONG, BONG GO,BATO DL ROSA, ATTY. JAYVEE HINLO,LAMBINO.
*****
IMPEACHED si VP SARA at ang ginawa nila itrinansmit ito sa Senate. Pinadala sa Senate pagkatapos na pirmahan ito ng 250ng mga buwaya, ay, congressmen pala. Pinadala sa senate 6:00 na gabi pero ang opisina ng Senado hanggang alas singko lang. Dumating alas sais, wala nang tao, wala nang tatanggap ng impeachment complaint kaya kinabukasan nagpasiya ang Senado na iiskedyul ang hearing ng ikalawa ng Hunyo 2025. Baka Aug.5, 2025 pa dahil adjourned na ang Senado. Purnada ngayon ang kongreso at nagkabistuhan ang mga signatories sa impeachment sa pangunguna ni Cong. Sandro Marcos at ni Tambaloslos. Ang masaklap pa, ayon sa balita, bukod sa hindi ito tinanggap sa Senado dahil ang tagal nito sa kongreso 2 buwan nilang inupuan, minamadali pa sa Senado. Hindi nangyari ang gusto ng kamara at nasayang ang 215 votes na pinangakuan ng 5 million bawat isang kongresman, ayon sa balita, ngayon ay hindi na mangyayari. Sayang ano? Ang masaklap pa invalid ab initio ang impeahment complaint dahil hindi ito sumunod sa 10-day rule na isinasaad ng saligang Batas. Sayang ang ngiti ng mga aso, panalo na sila iyon pala purnada lang naman. Huling halakhak ngayon si Sara.
