TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DELIKADO, MAY BUWAYA SA BATO RIVER

Balita: Ibinasura ng Supreme Court ang EJK, Human Rights at iba laban sa dating pangulo PRRD na may kaugnayan sa Tuwadcom. Pinawalang sala ang dating pangulo at ayon sa balita hindi na puwedeng iapela ang kaso at ito ay final na. Kasi ba naman ang Tuwadcom ay binubuo ng mga kongressman na mga wala namang alam sa batas. Ang ilan ang alam lang mag-Google, magyabang, grandstanding at magpakitang siya ay matino kuno lalong hindi siya buwaya pero ganoon naman kahit patuwad pa. Masaklap na pangyayari ito, akalain mong ilang ulo katapat ng pangulo. Ang dami, sabi nga ni Gadon, sangkaterbang mga bobo lalo na iyong may pasimuno nito, Kung gagawa kayo ng kaso, iyong paniniwalaan ng korte, hindi iyong estudyante lang sa batas ayaw nang maniwala. Kaso pa more.

*****

Ang lagay, may isa pang kasong isinampa sa dating pangulo, this time disbarment case naman. Oh come on, hindi nga umobra iyong mga kasong mismong mga kriminal ang nasa prosecution, mga abogado at respondent ang dating pangulo. Ilang mga pulis at mga sundalo ang tinira ng mga kriminal noon, inimbestigahan ba ng Tuwadcom? Inimbestiahan iyong iyong napatay ng pulis pero iyong napatay o sadyang pinatay hindi man lang nabanggit ng Tuwadcom. Iyong mga empleyadong RCBC sa Laguna na hanggang ngayon kaso pa rin, hindi pa rin nabigyan ng linaw. Nabanggit man lang ba ito ng Tuwadcom? Abogado bang totoo ang nagfile ng disbarment sa dating pangulo o baka abo-abogado lang? Baka ibasura ang kaso ng Supreme Court na naman dahil gustong makarami ng kasong napupunta sa basurahan. Basurahan pa more!!

*****

Ousted as appropriation chairman daw itong Bicolanong Intsik na si Zaldy Co ng Ako Bicol Party list. Totoo ba ito o malaking drama lang? Sabi ng mga Duterte, isa sa humahawak ng budget ng bansa si Co? Anong nangyari sa balita na ousted as appropriation chairman ang sabi nga ni Sen. Joel Villanueva one of the most powerful men sa kamara? Nakatakda rin daw palitan si Tamba sabi sa balita; si Tamba rin ang isusunod. Tunay na iyan na drama series, puwedeng gumanap diyan ang partylist ng Tingog. Baka kamag-anak ito ng mga bagong huling buwaya sa Tawi-Tawi. Mga three hundred daw ang kamag-anak nitong buwaya. at puwedeng kamag-anak iyong magasawang buwaya na madalas lumilitaw diyan sa Bato river. Hoy, mga buwaya sana matodas na kayo. Nakabuwaya na kayo!!

*****

Disqualified na raw si Dan Fernandez bilang gobernador ng Laguna. Balita lang ito sa socmed pero hindi naman kumpirmado. Kaya abangan na lang natin kung totoo ang balita. Kung totoo man, bahala na ang mga tao sa balitang ito pero sa ganang akin kung napili niyo siya, sige lang dahil wala pa namang sinasabi ang Comelec.

*****

Balita pa rin na ousted ang assistant chairman of appropriation committee ni Zaldy Co. Balak daw palitan si Tamba ni GMA dahil pansariling kapakanan ang ginagawa, hindi para sa bayan. Mangyari kaya papaano iyong mga buwaya na umaasa sa pagkabuwaya ng kanilang Boss? Paano iyong mga palpak na proyekto kuno ni Tamba kung magkatotoo ang balak na palitan si Tamba ni GMA? Marami ang tutol sa ganyang balita at marami ang baka magpakamatay na lang dahil sa malaki ang mawawala sa kanila.

*****

Na-ratify na ang budget pero mayroon palang mga blangko? Hayop din naman sa Senado sa bicam committee? Pinirmahan na ng mga senador pero may mga blanko. Ang mga hidi pumirma ay sina Bato, Pia Cayetano, Bong Go, Loren Legarda, at iba pa dahil nag-aalinlangan sila na baka nga lutong lugaw lang ito at hindi nga sila nagkamali, lutong makaw nga pala ito kaya umasa tayong matabang ang pagkakaluto. Mismong si Escudero pala pumirma sa lutong makaw at sinabi pang na-overlook daw. Aw, buta na si Manoy?

*****

Hindi naman iyon beauty contest pero para na ring ganoon kasi nga dalawang pangalan ang tinawag: Sen. Hontiveros at si Kitty Duterte, medyo natuwa ang mga tao sa Cebu kaya nagpalakpakan ang mga tao. Maugong siyempre sa dalagang anak ng dating Presidente at sinalubong ng “booo!” ang epal na senador si Hontiveros. Ang pangyayari ay naganap po sa city of Cebu.

*****

Delikado na ngayon sa USA kapag immigrant ka dahil sa policy ngayon ng Amerika na “no to immigrants” lalo na kung ibang bansa ka. Mayroon na ngayon sa Amerika na emergency sa mga borders. Sa ibang bansa ang grabe, halimbawa sa Germany, Poland, bawal ang immigrant dahil sa mga immigrants nagmumula ang mga kaguluhan tulad sa mga ibang religion at mga paniniwala. Sa totoo lang, pati mga mosque pinagigiba na. Wala tayong magawa dahil hindi natin bansa ang USA at nakikitira lang tayo sa Amerika  o sa ibang bansa. Ang may kasalanan nito ay yong mga taga-ibang bansa na akala mo sarili nila ang Amerika at iba pang mga bansa na hindi naman kanila at magugulo pa pati tuloy iba nadadamay sa kaguluhan nila.

*****

Tagilid na ang mundo ni Tamba at BBM, pati blankong papel na dapat pirmado ng mga senador pinipirmahan na. Akalain mo GAA yon at hindi basta papel lamang na dapat mga senador nakapirma doon. Ang sabi ng iba tutol talaga sila pero ang sabi ng mga pumirma na-overlook yata o nabulag talaga siguro sa sobrang laki ng utang ng Pinas o sobrang siba ng mga buwaya. Maski pa anong sabihin Ninyo, pirmado na ng mga buwaya at iyon ay wawaldasin na lang ng mga masibang buwaya lalo na iyong dalawang buwaya sa Bato River. Ingat lang, kayo matinik ang mag-asawa sa Bato River, nag-aaral ang mga anak niyan sa London Bridge is falling down.

*****

Lagot si Abante at Dan Google Fernandez dahil kakasuhan sila ni Col. Grijaldo ng subornation of perjury sa pagmamando sa kanila na baguhin ang kanilang pinirmahan ng affidavit. Medyo mabigat ito, lalo at dalawang beses ng na-contempt ang kalaban nila. Ang kaso ay subornation of perjury at akalain mo nga namang gusto baguhin mo ang original mo ng pinirmahan na affidavit. Pag bobo at tanga ang taong kausap mo, puwede iyan pero ang isang koronel ang papipirahin mo, ingat ka dahil hindi iyan bobo at hindi tanga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading