Mga kandidato ko na hindi mga magnanakaw: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE- mga kandidato kong senador- RODANTE MARCOLETA APOLLO QUIBOLOY. BATO DL ROSA, BONG GO, JIMMY BONDOC, CHAVIT SINGSON, RICHARD MATA, PHILIP SALVADOR, VIC RODRIGUEZ, RAUL LAMBINO,
*****
Ang kaso ni Erwin Tulfo ay nakakatawa at nakakainis. Ang sabi niya hindi raw siya nanloko. Tutoo ba ito o ginagago lang niya ang mga tao? Pag sinabi sa USA na TNT ka (tago ka ng tago), kaso na iyan at iyan ay mahigpit na ipinagbabawal. Tapos nag-file pa siya ng COC. At alam nyo ba ang nakalagay sa ating Saligang Batas na ang puwedeng mag-file ng COC ay iyong natural born Filipino Citizen pero papaano iyong dalawa ang citizenship at TNT ka pa? Hindi ba questionable ang uri ng pagkatao mo? Bueno, bahala na kayo tutal naman hindi ako ang kandidato? Para kayong yong kaibigan ko, naging Skailon, ngayon naman Chai, Dionson, bukas makalawa Skylab na iyan. Iyon naman, hindi niya ginagamit ang para makapanloko ng tao. Ang sa kanya para gumanda ang pangalan niya. Di ba pare ko? Ako nga rin Pepito pangalan ko, naging Jex pero nong kumandidato ako ang COC ko yong pangalan ko hindi ko binago at natural-born Filipino citizen ako. Kumusta nga pala sa kaibigan kong Marlon “SKAILAB” Suplig? Hello, friend.
*****
Saan kaya napunta iyong Trilyong Piso na pondo napunta? Bilyong piso ang pondo natin sa Flood CONTROL projects pero natunaw lang ito na walang nakita ang taong bayan. Ngayon hinahanap na iyong subway project. Tinatanong kung nasaan daw ito samantalang wala namang malaking proyekto sa kasalukuyan. Saan nga iyong ibang proyekto ng kasaslukyang admin? Ang palagay ko, palagay ko lang, naanod noong malaking baha at napasama sa malalakas na ulan pati proyekto sa flood control projects napasama sa malalakas na baha. Sabi ko na sana napasama sa malalakas na baha iyong malalaking buwaya na sobrang yayaman, nagpapaaral pa ng kanilang mga anak sa London, sa UK. Ang yaman niya ano, London pa? Saan kaya siya kumuha ng yaman? Magpapaaral din ako ng mga anak ko sa abroad sa Mislagan o di kaya sa San Vicente Ibong Sapa?
*****
Hindi imbitado si Marcos at buong pamilya sa inagurasyon ni Trump sa USA. Bakit kaya ano ba namang imbitahin lang ito although magastos talaga dahil buong pamily kasama buong gabinete tiyak kasama na naman marami pang iba? Tiyak na gagastos na naman ng bilyong bilyong piso sa walang katuturang biyahe. Mabuti gastusin nyo na lang sa FLOOD CONTROL PROJECTS o di kaya sa o di kaya sa AKAP at AICS, maraming boto makukuha ninyo busog pa iyong mga walang kabusugang mga buwaya na bukod sa walang kabusugan kung sumipsip ng dugo, sagad hanggang may natitira pang dugo sa katawan ng tao.
*****
Ang isa pang nakakahiyang kandidato na talagang hindi ko iboboto itong si Pacquiao pero pagdating sa larangang boksing number one ko siya, remember sa boksing lang. Kung nalaala pa ninyo nang kumandidato siyang pangulo, ang dami niyang sinasabi laban sa mga Marcos kesyo hahabulin niya ang ninakaw ng Marcos sa bayan, ipapakulong niya si Imelda at marami pa itong iba-ibang paratang sa mga Marcos na halos hindi makain. Pero pagdating ng eleksyon, sinamahan niya ang partdo nito. What the heck? Nakakahiya naman yang ganyan? Sinuka muna lahat-lahat tapos lalamunin mo pa. Nasaan ang uri ng pagkatao mo sa ganyang ginawa mo? Ah, siguro akala niya ang pulitika laro-laro lang, hindi totohanan. Mr. Pacquiao, sa harapan pa ng milyong tao sinasabi mo ang ganoon tapos babaguhin mo ang mga sinabi mo sa harapan din ng maraming tao ang kalokohang sinabi mo noon. Anong klaseng tao ka? May paninindigan ka ba o wala? Kaya mong kumandidato nang solo, mayaman ka at kaya mong lumaban ng solo, mapanindigan mo lang ang sinabi mo noon. Pareho ka rin ni Balimbing na si Tolentino na pagkatapos panalunin ni Duterte, umanib sa partido ng buwitre.
*****
Tatlo ang kinikilalang Juke Box Queen sa Pilipinas: sina Imelda Papin,Eva Eugenio, at Claire dela Fuente. Halos ang kasikatan nila ay pare-pareho. Pero ang pinakamagaling si Imelda na hanggang ngayon ay buhay pa at namamayagpag pa. Si Claire naman ang ganda ng boses, parang boses ng The Carpenters at ang umiiyak-iyak na si Eva Eugenio. Ang gagaling talaga nila pero ang malaking katanugan ay hindi na sila ngayon napagkikita maliban kay Claire dela Fuente na matagal nang pumanaw. Matagal na kasing hindi na nagpapakita kaya naalala natin at isa pa kabayan natin si Imelda tulad ni Victor Wood na matagal na palang namayapa pero hindi alam ng mga taong nagmamahal sa kanya.
*****
Ang tanong: ano ang mas matimbang sa puso mo ibang tao o taong may kaugayan sa iyo? Halimbawang kamag-anak mo ibang tao. Alam niyo, iba-iba ang opinyon ng ibang nilalang, may nagsasabing depende ika sa tao yan. Kasi nga may taong kamag-anak mo pero ang ugali hindi mo maintindhan at may kamag-anak namang saksakan ng bait sa iyo at saksakan ng ganda ng ugali. May tao namang saksakan ng bait at maganda pa ang ugali pero naman may kamag-anak kang ang bantot ng ugali pero wala kang magawa kasi nga kamag-anak mo. Ganyan siguro si Marcos Jr. at si Tambalos. Si Tamba isinusuka ng taumbayan pero pinsan siya ni Marcos Jr. kaya wala siyang magawa, kadugo niya yan, eh, diyan na siya magpapakamatay. Kung ang ibang tao halimbawa man ay galit sa kanya, wala siyang magagawa, sabi nga sa kasabihan, blood is thicker than water. Bihira mangyari ang water is heavier than blood.
*****
Erwin Tulfo hindi pa raw senador sinungaling na. Wala kang puwedeng ikatuwiran dito. Maging TNT ka lang, nanloloko ka na, nagfile ng CoC, panloloko na dahil sa pag-file mo nakalagay diyan kailangan natural-born Filipino Citizen ka. Papaano mangyayari iyon gayong Amerikano ka and at the same time Pinoy ka? Kahit saan mo titingnang anggulo, mandaraya ka. Kahit pa duling ka, mandaraya ka pa rin. Ang ginawa mo pandaraya pa rin, puwera lang kung sabihin mong bulag ka at sasabihin mong pinapirma ka ng hindi mo nakikita at pinirmahan mo. Hindi pa senador, nanloloko na.
*****
Sa kaso ni Pepsi Paloma, marami ng mga haka-haka dito pero ang lagay doon lang. Kung baga hanggang pag-iingay lang pero walang nabubuong istorya. Hanggang sa pumanaw ang tao, walang totoong kuwentong nabubuo sangkot ang tatlong tao na sina TVJ. Pero ngayon ay may lumabas na personalidad na nagpapatunay na ang tungkol sa alaga ni Dr. Rey dela Cruz ay hindi totoo at mayroon ding nagpapatunay na ang lahat tungkol sa kuwento ay totoo. Hindi mo na tuloy malaman kung totoo ang kuwento o hindi. Lumalabas tuloy ang lahat na tsismis lang pala. Ang masakit, dahil sa tsismis may taong makakasuhan ng cyber libel at may kaakibat na sampung milyong pisong damages. Ang laki at may mga nagpapatunay na hindi totoo ang napabalitang kuwento sa tatlong komedyante at isa nga senador pa at may anak na mayor. Ang masakit pa ang pinag-uusapan ay 39 years nang namayapa. Sabi nga, dead men tell no tales. Oo nga pala, ang taong sangkot sa kaso ay buhay na buhay pero ang pinag-uusapan ay matagal nang pumanaw. Iyong mga sinabi ng buhay pa ngayon ang patutunayan marahil na mali o hindi totoo. Baka bubuhayin si PEPSI PALOMA?
