TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MAGSASAYA ANG MGA BUWAYA; APPROVED NA ANG PAGHAHATIAN NILANG PAGKAIN

Approved na ang 2025 National Budget at nagpalakpakan ang mga buwaya at mga hayok sa salapi. lalong kumapal ang mga makakapal na balat nila. Ang binigyan nila ng malaking budget ay ang mga taga-DPWH at ang lahat na ahensya ng gobyerno tulad ng DEPED ay mababa, PHILHEALTH ay walang subsidy pero ang ibapang ahensiya ng gobyerno na magagamit sa election campaign ng mga kandidato nila ay fully loaded, may extension pati mga butse nila. Sabi nga ng isang kandidato, ito ang paka-jackpot natin, wala tayong pakialam kung mabangkarote ang gabyerno, ang mahalaga busog tayo. Busog ang mga buwaya, kumakapal ang mga pagmumukha at mga kaliskis nila.

*****

Ngayon, ang target naman nila ang ay ang PDIC. Nahuthot na nila ang Maharlika Fund at iba pang ahensiya ng pamahalaan, ngayon ang PDIC naman. IIang bilyon kaya ang malilimas ng mga demonyong ito sa huba? Sige, magpakasasa kayo, sa kalaban ang huling tawa, malakas at nakakainsulto. Tulad ng ginagawa ni Trump ng USA na hindi inimbitahan ang pangulo ng Pilipinas pero ang VP at former PRRD, imbitado sa inauguration. Iyan ang malaking insulto!! Kung ako ang pangulo ng bansang Pinas, lahat ng paninipsip ginawa mo tapos iiwanan ka na parang ebak. Nasaan iyong pagsisipsip mo? Nagpakasipsip ka, wala naman bwahaha! Nakakahiya!!!

*****

Nasa balag ng alanganin si Erwin Tulfo dahil Amboy pala ito. Nadiskubreng si Erwin Tulfo ay dalawa pala citizenship nito, isa sa Kano at isa sa Pinoy. Kumbaga dual ang citizenship niya at ayon sa balita puwede raw makulong ito ng 200 years. Matanda ka na niyan, hindi mo na magagawang magkunwari pa. Pero maraming pamamaraan ang bata baka malusutan mo pa rin at sa kanya rin ang huling tawa may kasama pang boo. Ang hirap, Kano ang kalaban mo at Pinas pa. Kung mahirap lusutan, magpakamatay ka na lang dahil nakakahiya!!!

*****

Karma is real talaga. Si Cong. Joel Cua, Benny Abante, Dan Fernandez at Cong Valeriano, ang apat na ito nangungulelat sa survey sa kanilang distrito sa lugar sa Metro Manila. Sila iyong mga pabida-bida sa Tuwadcom at ngayon tinapatan nila si Isko Moreno. Ngayon pinagtatawanan sila at kanila rin ang unang halakhak at pabida-bida pa ngayon sila pingtatawanab at may kasama pang pangiinsulto. Akala kasi nila sikat sila. Minsan. maganda rin iyong wala kang kibo, ika nga, no talk no mistake pero baka mapagkamalan kang pipi.

*****

Binisita ng European Union si VP Sara. Di ba dapat pupunthan nila ang Pangulo? Bakit ang VP pa? Tila may mali. Siguro nagagandahan sila sa VP natin. Akalain mo EUROPEAN UNION pa, ang bigat ng mga dumadalaw kay VP Sarah. Bakit hindi sa pangulo? Baka ngagba at magkalat at kung ano ang pagagawin niyan, di malaking kahihiyan nga naman pag nagkataon. Mainam nga namanang sigurado na wala tayong daranasing masyadong kahihiyan. Imbitado si VP Sara at FPRRD sa USA, dapat ang pangulo ng Pinas.

*****

Sa labanang Duterte vs, Nograles, ang layo ng mga nograles.Sa tingin ko sawsaw to the bones ang laban 1 vs 100. Isa kay Nograles, 100 kay Duterte. Ito ay base sa mga survey na ginagawa sa mga kalye. Sobrang lakas ni Duterte, halos lahat Duterte ang isinisigaw ng mga tao saan mang dako. Iyon ay sa kabila ng walang kuwarta ang mga Duterte. Ang sa kanila ang magandang pakita sa mga tao. Ang magandang pakita nila sinusuklin ng mabuting pakikitungo nila at ang sukli naman sa kanila ibinabalik ng tao sa kanila sa pamamagitan ng mabuting pagtanggap sa kanila ng mga tao kung panahon ng eleksyon.

*****

Mga kandidatong iboboto ko: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, Vice Governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad FRED GIANAN Virac,   mayor JOSEPH “BOBOY” CUA, Virac, vice mayor ROSE PANTI OLARTE Virac.

MGA SENADOR KO: VIC RODRIGUEZ, RODANTE MARCOLTE. BONG GO, BATO DL ROSA, JIMMY BONDOC, GLEN CHONG, APOLLO QUIBOLOY, DR. LORRAINE BADOY, DR. WILLIE ONG, HARRY ROQUE.

*****

Maraming papalit kay Efren Bata Reyes sa galing nito sa larong billiards, at nangunguna na dyan si Jaybee Sucal at ang babaeng si Rica Rendal. Magagaling sila sa larong billiards at hindi mo matatawaran ang husay nila at sasabihin mong ang gagaling talaga nila. Kaya walang problema mawala man sila. Kung si Pacquiao ang pinoproblema niya ang papalit sa kanya sakaling wala na siya, marami ring magagaling na boksingerong papalit sa kanya. Maging sa volleygall kung si Valdez ay pinoproblema ang papalit sa kanya, marami diyang Valdez na papalit sa kanya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading