TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

89% SA MGA PINOY PABOR SA WAR ON DRUGS NI DUTERTE

Sa ginaganap na mga survey sa katanungan kung pabor ba kayo na “ibalik ang war on drugs ni dating Pangulong Duterte,” lumalabas na karamihan or 89% pabor na ibalik ang war on drugs para bumalik ang katahimikan at kapayapaan ng ating bansa. So ngayon, nagsasalita na ang mga tao. Ang sabi nila kapayapaan at katahimikan ang kailangan ng ating bayan at hindi karahasan. Lumalabas kasi sa pag-iimbistiga ng Kongreso na one-sided at biased ito. Ang iniimbistigahan lang isang side, ang kabila lang. Iyong sa side ng gobyerno, wala. Halimbawa inambush mga pulis ang iimbistigahan, side lang ng mga terorista. Human rights abuses ang sa side ng mga pulis, alright. Masyadong unfair, parang ang may karapatan lang ang mga terorista. May iniimbistigahan ba ang Kongreso na namatay na mga pulis, sundalo kaya o pamilya ng mga pulis na nagdadala lang ng pagkain pinatay ng mga terorista? May kongresista bang ipinagtanggol ang gobyerno dahil sa war on drugs, dahil lawless elements, dahil sa gawa ng mga kriminal, mga durogista, rapist, akyat bahay, snatcher, riding in tamdem at iba pang masasamang tao? Wala, puro human rights abuses ang ipinagtatanggol nila. Biased ang Kongreso. Isa lang kilala ang nila, mga nasa gobyerno hindi nila kilala. Ang mga pulis may mga mahal din sa buhay ang mga iyan, may pinakakain din ang mga iyan pero sa libo-libong namamatay na mga pulis, sundalo inihanay ba ng Kongreso ang karahasang ginawa ng mga terorista at iba pang masamang elemento? Wala, di ba? Tanging kilala lang iyong gawa ng mga ibang masasamang grupo? Handa akong sumagot kung sinuman ang may katanungan sa pahayag ko. Everybody is free to ask questions.

*****

Sa tanong kung handa ang Pangulong Duterte na harapan ang ICC? Ang sagot niya, handa siya at pagsisisipain niya raw ito. Sa tanong kung pupunta ang ICC sa pangulo at pagsisipain silang lahat, isa lang ang ibig sabihin ng Pangulo: wala nang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC, meaning wala na tayo sa ICC, tiwalag na tayo. Matagal na ang hirap lang may mga taong ipinagpipilitan ang sarili kahit wala na at hindi na puwede. Gusto lang nilang makabawi kay Duterte hanggang doon na lang sila mangarap, mag-hallucinate at managinip na baka puwede pa. Oo, puwede pa sa lubot ogaring pero hanggang lubot na lang, mga bobo kasi kayo palibhasa isa lang ang kilala niyo? Pagsisipain ko kayo, Duterte ang may sabi niyan?

*****

Bilyong-bilyon ang nawawalang gastos sa flood control project. Isang libo bawat araw pero ang pinagtutuonan ng imbestigasyon project ng dating Pangulong Duterte. Nakakatawa! Ang bagyo sa Luzon, namimigay ng ayuda sa Davao? Nasisiraan na ba ng ulo ang gobyerno natin? Flood control projects ang problema ng bansa, ang pinag-uusapan sa kongreso si Duterte. Bakit, namomroblema ba sila kay Duterte, ang tanda na noon? Ang problemahin Ninyo, bankarote na ang gobyerno natin at ubos na ng Kongreso ang pera natin, inubos ng mga buwayang mga masiba. Ang gusto pag-usapan iba para malihis sa totoong isyu. Sistema nyo bulok at nakakahiya, mga buwayang-buwaya talaga kayo, may halong limatik pa, tunay na buwaya, buwitre, at halos purong limatik. buwaya pa rin, pure baby!!!

*****

Ano ka taga-COA magtatanong ka sa akin tungkol sa Confidential Funds? Kung taga-COA ka, puwede dahil mahigpit na ipinagbabawal ng batas yan na isiwalat kahit kanino ang tngkol sa COA. Kung taga-COA ka, sasagutin kita, ganyan ang pahayag ni FPRRD sa NPA na kongresista. Ang hirap sa atin nagkakandidato tayo, gastos ang kuwarta ng bayan tapos magtatanong kayo kung saan napupunta ang kuwarta ng bayan? Nakakainsulto kang unggoy ka, saan gagastusin iyan kundi laban sa inyong mga ulol kayong mga pasaway sa gobyerno?

*****

Binulsa ang pondo at hindi malaman saan napupunta at kung bakit nawawala? Saan nga napupunta ang mga pondo gayong ang daming ipinamumudmud ang ayuda hindi dahil sa bagyo kundi kailangan ito ng typhoon victims? Iba ang pinamumudmud ng mga lider natin, para sa mga botante ito para manalo sa mga senatorial, congressional, gubernatroial at iba pa. Ibinili siguro ng congressman ng private jet at private chopper. Ang yaman ng buwayang ito, sana bumagsak ang jet at chopper na iyan.

*****

Umarte na naman si Trillanes na akala mo senador pa. Kasi siya wala naman siyang kinalaman sa quadcom na ginaganap sa Kongreso. Sa sobrang angas, sinaway siya ni Cong. Acop at sinabihan si Triillanes na huwag siyang umarte sa kanyang kaangasan dahil wala siyang karapatan dahil wala siyang personalidad dahil hindi naman siya kongresman.Pinag-usapan muli ang tungkol sa ICC pero tinapos ito dahil hindi dapat pag-usapan dahil wala ito sa agenda at wala sa jurisdiction, gumagana ang ating korte sa bansa. Ang ICC ay tapos na kaya ang daldal ni Colmenares hanggang daldal na lang. Nagpupumlit lang ang mga walang kuwentang buwaya.

*****

Dadaan daw ang bagyong Pepito sa ating bansa pero kamakailang pinagsabihan ko na ito na kako maawa naman siya sa atin dahil parati na lang tayong dinadaanan ng bagyo. pero nagmakaawa pa rin ako dahil ubos na ang pera ng bansa, ninakaw na ng mga buwaya. sana nga, ikako, sana inanod na lahat ng magnanakaw na mga buwaya para tahimik na tayo. Pero sa halip ianod ang mga kawatan, lalong lumaki ang tiyan ng mga dambuhang buwaya at lalong nangabusog dahil sa dami ng bulating nalamon ng mga masibang buwaya

*****

Ito ang mga kandidato ko na hindi tatak mga buwaya: mayor ng VIRAC – JOSEPH “BOBOY” CUA; VICE MAYOR – ROSIE PANTI OLARTE, CONGRESSMAN – SAMMY LAYNES, GOVERNOR – PETER “BOSS TE” CUA, VICE GOVERNOR – OBET FERNANDEZ, SP WEST – FRED BENEDICT GIANAN, VORAC SB – FRED GIANAN, TGP PARTYLIST REP – BONG JOSON TEVES. Iyan ang mga kandidato, wala diyang may tatak buwaya.

*****

Ang mga kandidato ko sa pagka-senador: BONG GO, BATO DELA ROSA, SAL PANELO, HARRY ROQUE, VIC RODRIGUEZ, JIMMY BONDOC, TRIXIE ANGELES CRUZ, GLEN CHONG, DOC WILLIE ONG, DOC LORRAINE BADOY. Sila ang mga kandidato ko sa pagkasenador, wala silang tatak o lahi ng pagkabuwaya. Mabubuti ang lahi nila, walang maipipintas sa kanila. Tiyak walang lahing mambubudol kaya hindi kayo mabubudol at hindi kayo mababangag magpakailan man.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading