TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DURAN DURAN vs DUSTA DUSTA NI JUNIOR AT NI JEX CONCERT

“Hindi kita kapatid, isa kang impostor,” ang sabi ni Sen. Imee Marcos. How true nga kaya ang balitang ito? Ngayon sinasabi ng hindi kapatid. Noong kasikatan at hindi nagpapagamit at kasama pa si VP Sara, kapatid pa ang turing niya. Totoo nga kayang hindi siya si Marcos, Jr.? Sabi ng namatay na si Percy Lapid, matagal na raw patay ang Marcos,Jr.. Kung ganoon, sino ang nagpapanggap na iyan? Ang lahat ay haka-haka lang?

*****

Quimbo nagsimula ng kaguluhan sa HOR kung saan gusto nilang ipitin ang budget ng OVP at si VP Sara. Ang resulta, nag-boomerang sa kanila. Scripted ang lahat pero nagpalpak at sila ang tinamaan. Ang sala mong gibo, mabalik sa imo, ang sabi ng matatanda. Nabulgar ang lahat, pati national budget naungkat at kung sino ang nagpapalabas nito. Dalawang tao lang daw ang may hawak nito: si Co ng appropriations commttee at si House Speaker Martin Romualdez. Pati ang milyones na mga gamit at projects ni Congresswoman Quimbo naglabasan. Kumbaga dahil sa kapalpakan ng script, nabulgar ang lahat at buong Kongreso damay na naman. Kaya dahil tag-ulan na, ang mga kokak at buwayang tubig naglabasan na. Pati ang VP, ayaw na tuloy mag-attend ng budget hearing, tutal ang sabi ng VP, dalawang tao lang naman daw ang nasusunod, si Co at Romualdez. Bakit ka nga naman magpapakahirap, eh, luto na ang lahat? Useless nga naman!! Kaya ang pinakamaganda siguro, anang VP, bahala na kayo. Meron o walang budget, sige lang ang OVP. Dito rin sa probinsIya ng Catanduanes, dapat ang mga opisyal ng gobyerno maimbestigahan. Mayroon ditong mayor masyadong mayabang, para mayor lang ng maliit na munisipyo, ang mga anak sa ibang bansa pa nag-aaral. Ang yayabang ng mga opisyal ng gobyernong ito. Dapat dito malaman din ng mga tao kung papaanong yumaman. Hambog, sa ibang bansa nag-aaral ang mga anak!!!

*****

 

1.6 trillion na budget, hindi malaman kung saan napunta. Hinahanap na ito ng mga matitinong kongresista. Kayo naman, matitinong kongresista, hindi ba kayo nakatikim ng umba, ang dami pa sa kawali although tira na lang ang makikita niyo noong birthday ko kung saan nagpa-concert pa nga ako at kinuha ko pa ang grupong Duran Duran. Pero ayaw nila at napilitan akong kunin na lang ang grupong Dusta Dusta, sa ka-Dusta ta, 80 million lang ang bayad ko pero sorry sa panaginip lang. Kasi di ko rin nagustuhan ang mga nagsidalo, mga may buntot at kung tawagin mga buwaya daw ito. Pero may mga anak itong nag-aaral sa London, talagang mayayabang pero mga wala namang negosyo ang mga Lacoste na ito.

*****

Sabi ni Congresswoman Quimbo, wala naman daw iyong sinasabing flood control. Samakatuwid sinungaling ang pangulo tungkol sa ipinagmamaki niya sa SONA na bilyong-bilyong flood control projects. Nagmamayabang lang pala ang pangulo na may flood control projects pero ang totoo  wala naman lang pala ito. Kung totoo ito, pinagloloko lang pala tayo. Akalain mo ginagago lang pala tayo, tayo naman parang mga loko-lokong nakikinig sa mga kalokohang pinagsasabi nila. Ang laki nating mga uto-uto at mga dakilang…tanga.

*****

AKAP, pinamumudmod lang ng mga congresista, hindi kasali ang mga senador kaya masama ang loob ng mga senador. Ang laki raw ng pondo ng AKAP pero para sa mga kongresista lamang. Paano raw nangyari ito gayong ang budget nito ay para sa lahat? Kasama siyempre ang mga senador, hindi lamang mga kongresista. Pero bakit mga kongresista lang ang nagsasabing ang AKAP ay para sa kongresista lang? At saka bakit sa mga nasunugan ang tumutulong ay si VP Sara at ang sa national na tulong wala? Hindi na AKAP, papak na ngayon. Pinapapak na ngayon ng Kongreso ang lahat.

*****

PhilHealth queen na si Hontiveros binanatan ni Sen. Bong Go. Nasaan na iyong 90 billion na para sa PhilHealth? Ang daming utang, hindi ninyo mabayaran. Nagpa-birthday lang kayo, Duran Duran pa, hindi niyo nga mabayaran ang PhilHealth. Ako nga hanggang Dusta Dusta lang, ayaw ko lang doon kasi mga buwaya ang mga bisita ko. Ang kakapal ng mga mukha parang mga pader, abroad pa nag-aaral ang mga anak. Ano ka ba negosyante ka ba o waldas ng bayan na buwaya ka? Hambog ng bayan sa London pa nag-aaral ang pamilya mo? Ni walang dalawang libo sweldo mo, abroad pa nag-aaral mga anak mo? Hambog kayo, mga buwaya kayo. Kapal ng angas niyo!!!

*****

Nagulat si Sec. Bonoan nang sabihin sa kanya na DPWH ay wala ng pera o budget pa. Aba, nakapagtataka naman! Saan napunta iyong trilyon na budget ng ng bawat ahensiya ng gobyerno noon? Ngayon may budget hearing na naman sa taong 2025 tapos wala na palang budget? Ang dali namang maubos? Ang lakas talagang lumamon ni Lacoste, ubos agad ang budget? Bilyon-bilyon ba naman kung lumamon ang mga hinayupak na buwaya? Mauubos nga ang budget, Bonoan. Tibaad pigbono na?

*****

Sabi ni VP Sara, kahit kailan ay hindi niya naging kaibigan si Marcos,Jr. Ang talagang naging kaibigan niya ay si Imee lang pero kaibigan kahit kailan ay hindi niya ito naging kaibigan at hindi niya na ito magiging kaibigan magpakailan man. Grabeng kabaldian ni VP Sara. Bakit nga naman makikipagbati pa sa isang mangga…….gamit at isang waldasero.  Travel dito, travel doon kasama ang buong gabinete at buong pamilya, wala namang resultang maganda para sa kabutihan ng bansa. Kabutihan ng pamilya nila okey, masaya sila sa gastos ng mga Pilipino. Waldas pa more, may budget na naman sa year 2025.

*****

Nagsalita sandali si VP Sara sa Kongreso tapos iniwanan niya ito at wala na roon ang mayabang na congresswoman na mabuti hindi nalunod sa mga alahas niyang suot ng tira-tirahin ang pagkaganda-gandang VP natin. Sa pangalawang pagkakataon, iniwang parang mga basang sisiw ang mga buwaya ng milenyo. Wala ni isa mang pumalag sa mga mayayabang na mga Lacoste. Kahit buntot ng maski isang buwaya hindi magawang pumitik man lang. Siguro ang ilan doon may hangover pa sa concert ng Duran Duran. Mabuti pa iyong Dusta Dusta, ang hirap lang kssi ang nagsi-attend puro mga member ng Lacoste gang. At nangyari sa panaginip ko pa!!!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading