TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

KUMAKAMADA SI VP HARRIS VS. TRUMP NG USA

Noon namamayagpag si Donald Trump sa mga survey sa labanang Trump vs Biden pero ngayung si Kamala Harris ang pumalit kay Biden, ang labanan ay halos parehas na, nakakaungos pa ng kaunti si VP Harris lamang pa ng eleven points kay Trump. Pero huwag kayong pakakampante, ang laban ni Trump kay Clinton noon lamang ng 6 points si Clinton ayon sa mga poll analysts pero nang maglabanan na, ang panalo si Trump. Pero kung dito yon sa Catanduanes, Trump pa rin ang mananalo dahil maraming bilyones si Trump. Pero hindi popularity votes ang labanan sa USA, ang labanan doon ay kung sino ang makakuha ng mataas  sa electoral college votes. Halimbawa 270 ang electoral college at ang bumoto ay 260 kay Harris vs Trump ay 100 lang, puwede nang bumili ng isang truck na lemon grass si Harris. Sa ngayon lumalamang ng kaunti si Harris pero pag kumilos si Trump ng kilos hombre talaga, laglag pati panty ni Michelle? Kaya hanggang pakiramdam lang muna tayo.

*****

Grabe ang bagong expose sa ating si BBM, buong pamilya niya at mga kaibigan, miyembro ng kanyang gabinete ay gumagamit ng polvoron. Ni hindi ko alam ang polvoron pero iyong ipinagbibili alam ko pero kaunting ingat dahil pag nagkamali ka, tigok ka. Pero bakit nga ba bawal ito at lumalabas na ito pala ay bawal na gamot? Lumalabas pa rin na ang mga tumitira nito ay mga elitista at ang gamot palang ito ay pang mayaman lamang. Sinubukan kung tirahin ito iyon, muntikan na akong matigok dahil naubo akong bigla at nasamid pa. Totoong polvoron kasi tinira ko na panay asukal pala at arina ang laman nito. Kung gayon bawal na substance pala ito, bakit sabi ng nagbulgar nito buong pamilya ng  mataas na pamilya at kaalyado mga kaibigan at kasapi sa gabinete ng mataas na opisyal ng ating gobyerno tumitira din? Kung ganoon lugi tayo kung silang nasa taas, tira ng tira, sana all na lang?

*****

Umiinit na ang labanan sa pulitika sa atin at pati mga mayor na medyo malakas ng kaunti nililigawan kapalit ang pakiusap na ang dinadala nilang kapartido dalhin man lamang. Matindi gustong manatili sa puesto ng mga nasa dating puesto. Ang tawag sa mga taong ito mga suwapang sa kapangyarihan o di kaya mga ganid. Kasi sa totoo nga naman masarap ang makapangyarihan lalo ikaw ang makapangyarihan. Ang mga taong tulad nila hindi na iyan naniniwala sa karma at konsensiya, mga wala nang konsensiya ang mga iyan at lalong hindi naniniwala sa karma. Pero dadating din iyan sa kanila nang hindi nila namamalayan.

*****

Sa atin kumusta na ang mga kakandidato? Balita ko tuloy ang laban ng kaibigan at kumpareng Sammy Laynes ang mabait na alkalde ng Virac. This time lalaban siyang muli pero as congressman na dahil kailangan daw. Hindi raw kasi naipagpapatuloy ang dating proyekto ng mga naunang nakapuwesto noon. Nakakaawa daw ang Virac ang mga proyekto raw hanggang simula lang hindi na natatapos.Oo nga naman kung palaging simula nga magiging proyekto natin. Ang sarap kaya tingnan ang congressman na walang ginagawa sa Kongreso nakanganga lang pero dumadating ang allotment para sa kanya. Ayon sa kay Mr Laynes, kung sakaling palarIn daw siya, hindi raw ito mangyayari sa kanya dahil ang natutunan daw niya sa kanyang mga magulang ang ibigay ang tamang serbisyo sa tao at hindi ang magnganga lang sa kongreso at maghintay kung ano ang dadating na para sa kanya. Tama ka diyan, pare, kaya ituloy mo ang pagkandidato as congessman sa darating na halalan.

*****

Ang payo ko uli sa mga gustong kumandidato ang labanang ito ay labanang matindi at hindi puwede kung pera mo ay 14 pesos lang, baka papunta pa lang ng Bigaa wala ka nang pamasahe pabalik. Kailangan preparada ka sa lahat ng bagay. Kuwarta pinakaimportante. Mga taong mapagkakatiwalaan, huwag iyong porke’t sikat ka panalo ka na. Kung wala kang pera at mapagkakatiwalaang mga tao, tumigil ka na. Malawak ang bukuririn ninyo kaya magtanim ka na lang ng uraro, kamoteng kahoy, gabi, kamote o di kaya abokado na namumunga ng dolyar, sardinas na namumunga ng morcon o di kaya humba uso na yan ngayon.

*****

Dalawa lang ang alam kong ginto na nakuha ng Pilipinas at iyong iba puro kapos o kinapos ng kapalaran, iyan po ang alam ko sa Olympiada na sabi nagkakadayaan pa raw. Kaya pati ako nawawalan na ng ganang manood. Anong pananoorin mo, kung paanong mandaya ang China at iba pang bansa? Kaya mga opisyal natin sa anumang palaro, turuan ninyo ang mga player ninyo kung papaano mandaya. Sa gobyerno nga, puro mga magnanakaw, bilyong piso pa at ngayon naging trilyon na ang kinakana nila, mga bangag pa yan. Ano say ninyo diyan?

*****

Luging lugi sa palitan ang kapalitan ni Jalalon. Kung ako ang coach ni Jalalon, hindi ko aalisin si Jion sa team ko. Kung mayroon mang dapat palitan sa Magnolia, iyon ay walang iba kundi ang kanilang coach. Saang ka naman nakakita ng coach na 12 ang player, ang ipinapasok lang sa laban anim na player lang. Iyong iba pala dekorasyon lang at hindi nagagamit ang kanilang kakayahan. Sana all, pati iyong waterboy ipasok niyo na pati trainor kung mayroon ipasok mo na ang coach para hindi lugi ang management, pati coach laro na rin.

*****

Sa larong volleyball, ang nangunguna ngayon ang CCS na naman sa pangunguna ni Bernadette Pons kaya wala silang problema kahit wala si Jema, Tots at Alyssa Valdez. Ang problema ngayon ang coach na tila dini-discriminate ang hindi niya kursunadang player tulad na lang kay Jema Galanza na kung gustong ayaw ipasok, magtiis ka sa bangko hindi naman ikaw ang coach. Oo nga, loko ka, dapat palitan na iyan, marami namang ang kakayahan niya kaya rin ng Pinoy.

*****

Tama ang sabi ni Chiz, kailangan magtulungan ang bawat isa sa ating mga Pinoy na pag nakikita nating ang ibang Pinoy lalo na mga elitista gumagamit ng polvoron, pabayaan natin. Kung sila gumagamit ng bawal na gamot, pabayaan natin at gumamit din tayo ng ginagamit nila. Ganoon ba ang dapat, di ba, Chiz o iba pakahulugan mo? Pag sinabi ng isa na grabe na ang ginagawa ng gobyerno, panay travel na lang wala namang magandang resulta, magtulungan tayo, pabayaan natin ang gobyerno na magtravel lang ng magtravel hanggat maubos ang pera ng mamamayan sa katatravel ng ating pamunuan? Asus, bilyon ang gastos sa bawat travel kasama ang pamilya at miyembro ng gabinete at iba pang kasama sa tropa na mga b*****nga? Manganaan kaan ang mga Pinoy? Magtulungan pa rin tayo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading