TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

HINDI NEGOSYANTE PERO SA ABROAD NAG-AARAL ANG MGA ANAK NG PULITIKO

Noong una ang laki ng lamang ni Trump kay Biden, lampaso talaga ika nga at kaya nga ang ginawa ni Biden iniwan na lang ang magpresidente at ibigay na lang kung sino ang nararapat na kumalaban kay Trump. At iyon nga napagpilian si Michelle Obama at marami pang iba ang kahuli-hulihan ay si VP Harris na siyang inindorso ng 25 leaders ng mga Democrats. Nagustuhan siya ng mga tao ngayon ay umaalagwa na parang sumabog na bomba. Pero huwag tayong pakasisiguro dahil ang totoo bago mag-eleksyon noon lamang si Clinton ng anim laban kay Trump pero ang nangyari ay baliktad, ang lamang pala noon ay si Trump. Sa USA kasi hindi naman by popular vote kundi electoral college ang nagdedetermina kung sino ang mananalo. Mga delegado ang magbobotohan at kung hindi ako nagkakamali ay 279 elecroral votes ang paglalabanan ng dalawang Partido, Democratic at Republican. Sa labanan sa ngayon nakakaungos ng kaunti si Harris dahil dinadala siya ng mga kabataan ang sabi nila. IyOn ay mga prediction lamang ng mga political analysts at ilang mga eksperto sa pulitika. Wala pang tiyak, hula-hula lang kumbaga. Ang basehan lang nila ay ang ika nga trend ng pulitika, hindi katulad sa atin na kung aling partido ang makuwarta nagsisiksikan sila para makapasok sa partido kahit bulok ang partidong sasamahan nila, ang importante may kuwarta ang sasamahan nila.

*****

Ang giyera sa Yemen ay nangyari dahil sa pag-uudyok ng Iran, mga Houthis at Hezbollah ng Lebanon. Sa Yemen nagkakagulo na ang mga tao dahil ang totoo ayaw nila ng digmaan ganoon din sa Lebanon. Sa Yemen Houthis, sa Lebanon Hezbollah, ayaw ng digmaan ng mga mamamayan pero sa udyok ng Iran at iba pang mga siraulong bansa, tinira nila ang Israel at gumanti ito at halos madurog ang lahat ng facilities nila na pandigma. Giyera sibil ang mangyayari sa Yemen at giyera sibil din ang mangyayari sa Lebanon kaya nga ang mga Pinoy sa Lebanon ay sapilitang pinauuwi ng ating pamahalaan pero gusto nilang manatIli doon kahit mahirap ang buhay dahil mas mahirap daw ang buhay dito. Mas malala nga pag nagkagiyera dito dahil ang giyerang inaabangan natin ay digmaang hindi atIn. Ang yayabang pa ng mga lider natin na nakikisakay lang sa mga Kano. Sa totoo lang, wala namang ibubuga, hindi nga mapababa ang presyo ng mga bilihin. Kayabangan marami tayo, number one tayo at sa ngalang kurakot sa mga proyekto natin magaling tayo. Kurakot pa more!

*****

Inalisan ng bantay na pulis si VP Sara kaya ang ginawa naman ng MNLF sila ang magse-security kay VP Sara. Anong klaseng pamunuan kaya ito, pulis ang dapat pinalayas tapos gusto namang makasiguro na ligtas ang VP ng bansa boluntaryong mga MNLF na lang ang magbabantay sa seguridad ni VP Sara? Ano bang nangyayari sa mga kapulisan natin dapat kaligtasan ng mamamayan ang siguruhin natin ngayon mga sibilyan pa ang magpapatupad ng kaayusan at kapayapaan natin? Kailangan ba talagang MNLF pa sa halip na pulis? Ano na naman ba ito kabalbalan na ito ng mga pulis natin? Napupulitika na rin ba kayo o nalalagyan o natatakot kayo sa sinabi sa inyo ng nasa taas? Grabe kayo, puro kayo kalokohan. Kalokohan pa more!

*****

Nasa quarterfinal na si Paalam sa Paris Olympics pero medyo may iniinda siya sa ginawang pag-wrestling sa kanyang nakalabang Mehikano. Ayaw talagang nagpaalam ni Carlos Paalam. Gusto niyang bago siya magpaalam, malinis ang lahat talagang walang masasabi ang iyon talagang ang panalo niya ay walang duda ang lahat walang masasabi ika nga katulad ng pabagsakin niya ang kalabang Mehikano. MalinIs ang pabagsak niya sa kalaban. Iyon ang gusto niyang mangyari bago siya magpaalam.

*****

Sa Germany, pinaalis nila ang mga Islam o mga Muslim lalo nilang niri-raid ang mga tinatawag na Blue Mosque dahil ang mga taga-Blue Mosque ay ginagawang sanktwaryo ng mga radical na Muslim. Kaya ngayon ang Muslim na immigrant namomroblema dahil sa ayaw nila sa gusto, basta Muslim ka paalisin ka nila sa suspetsang radical ka at gagawa ng kaguluhan sa lugar nila. Naalaala ba ninyo na mayroong mga supporters sa Palestinians noon at nagra-rally in support of the Palestinians and Hamas, ngayon pinagmumulta ng isang miyong dolyar at kung hindi makakapiyansa umalis na lang at umuwi sa bansa nila? Daang kasi gusto magpasikat hindi naman bansa nila yon.Marami ng ibang bansa ang gustong gawin ang ginagawa ng Germany at isa na diyan ang UK. Sige, rally pa more kayong mga pasikat!!

*****

May napupuna ba kayo sa klase ng mga kandidatong ihaharap sa atin? Halos isang pamilya na lang. Magkakapatid, mag-iina, mag-auntie at iba pa. Nawala iyong tungkol sa political dynasty. Paramihan na ngayon ng mga kamag-anak mula sa pangulo, pangalawang pangulo, mga senador, mga kongressman, puro mga kamag-anak. Darating ang araw na isang pamilya na lang ang magpapatakbo sa atin. Political dynasty pa more, pero huwag niyong iboboto ang mga mayayabang, mga grandstander, mga ginagamit lang ang mga mahihirap lalo pag nasa harap ng kamera. Pasikat pa more!

*****

Tama, banned ang POGO sa mga mahihina sa itaas pero pag malakas ka sa itaas ang ibig sabihin ng ban tuloy ang ligaya. Banned ang POGO pero ang nagre-regulate tuloy ang laro basta ni-regulate na ng Pagcor tuloy na ang ikot ng roleta ng POGO. Punta ka sa amin, sige ang bakbakan, tutal ang laban ay nire-regulate ng Pagcor at hindi naman ito pinatitigil, manapa ay inaamuki ang mga sugarol kaya bahala kayo sa buhay ninyo. Banned ang POGO pero ang Pagcor tuloy ang pag-regulate ng ano? Ano ang nire-regulate nila? Ano pa, alangan namang itlog ng manok. Siyempre itlog ng POGO.

*****

Nakausap ko ang isa sa mga kakandidatong kongresman. Sabi niya sa akin, nag-aalangan daw siya dahil hindi raw niya kayang magpaaral ng anak sa ibang bansa iyon sa kabila ng may munting negosyo naman siya. Kaya nagtataka daw siya kung papaanong ang kanyang makakalaban ay nasa abroad napapaaral ang mga anak gayong kakapirangot lang ang kinikita ng isang politiko? Ano kaya daw ang sikreto ng mga politikong ito? Wala namang mga negosyo maski tindang tuyo o banana-que wala pero mind you ang mga anak nasa ibang bansa nag-aaral? Ang gagaling sa music ng mga lintik na ito! Pero tuloy pa rin daw ang laban.

*****

Ganoon din daw si Peter “ Bos Te“ Cua, tuloy daw ang pakikibakbakan niya, wala daw atrasan ito at kapag sinabi ng Comelec na umpisa na ang laban kaagad agad ay magpa-file siya ng CoC at iyon daw mga nadsasabing questonable ang kandidatura niya magsabi na raw ngayon mientras VG pa lang siya. Baka pag gobernador na siya, lalong mahirapan sila. Sa USA nga raw si Schwarzenneger naka-gobernador, sa Pinas pa raw na base sa Konstitusyon ng USA ang ating Saligang Batas. Isa pa, hindi naman congressman o senador ang tatakbuhin niya? Anong problema, ang kapatid ngang si Joseph natapos ang termino walang problema? Laban ang may gustong lumaban, basta fair lang na laban.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading