Ang unang umatake ay ang Houthis at ito ay nagmumula sa bansang Yemen na kung inyong natatandaan ang grupo ring ito ang pumatay ng mga health workers noon sa bansang Saudi Arabia. Wala silang pinaligtas, pinatay nilang lahat at walang nagawa ang Saudi government kundi bayaran ang natodas na mga health workers. Ngayon kaalyado nila ang Iran at ang nagsu-supply pa nga ng armas ay pamahalaan ng Iran at Hezbollah ng Lebanon. Gumanti naman ang Israel at halos madurog ang bansang Yemen pero ang mga Houthis ay talagang makulit lalo’t may mga bansang kaalyado rin. Ganti kontra ganti, kaya pati USA ay sali na naman. Pero ang mga ayaw ng giyera sa bansang Yemen ay nagkaroon ng mutiny kinontra nila ang ilang lider ng Yemen kaya magulo ang bansang Yemen. Samantala nagkakagirian ngayon ang South at North Korea dahil sa hindi pagkakaunawaan sa maliit na bagay. Ang China naman ay nagbanta sa mga kasapi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na magdahan-dahan sa anumang kilos nila. Puro matatapang ang mga siraulong ito!
*****
Natapos na rin ang napakamahal na SONA kung saan inilahad ng pangulo ang kanyang mga nagawa para sa bansa. Mayroon bang nagawa? Mayroon naman kahit papaano? Ang pagta-travel madalas ng pangulo di ba ginawa niya yon? Ang pagagastos ng malaking halaga kasama ang cabinet members niya pati ang kanyang pamilya, di ba ginawa yon ng pangulo? Marami siyang ginawa, hindi lang natin alam. Tulad halmbawa ang pagbaba daw ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng sahod ng mga empleado at marami pang iba. Ang masama ang komentaryo tungkol sa mga pagkain daw na halagang 20 milyon, pang carinderia daw ang mga nilutong mga pagkain. Kawawa naman ang mga alligator, ang gagara pa naman ng mga suot nilang damit. Balita ko gawa pa raw sa London. Araray!
*****
Mas pinanood pa ng mga tao ang tungkol sa video ng pulvoron kaysa SONA na puro kasinungalingan. Wala naman daw totoo sa sinabi ng pangulo. Puro daw kasinungalingan ang totoo ay may malaking budget ang Pinas at maraming bansa na naman ang mararating ng first lady at ang gabinete ng gobyerno natin sabi ng isang nakapakinig ng sSONA. Sa totoo talaga, hindi ako nakinig o nanood ng SONA. Ang pinanood ko ang SONA ng mga adik sa isang sine ni Lito Garcia. Maganda ang pelikula at may natutunan pa ako at iyong parte pa na may nambubudol.
*****
Ang isa pa sa narinig kong pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa POGO. Ban na raw ang POGO dahil matagal nang patay si Pugak na siyang original ng pogo. Sa amin ang benta ng pogo masyadong mura lang. Naniniwala ba kayong mawawala ang pogo? Kaya naman sumige ito dahil nire-regulate ng Pagcor at hindi bawal dahil pasugal ng gobyerno. Kunwari bawal pero pag malaki na ang lagayan tuloy ang ligaya. Hindi ako naniniwala na mawawala yan dahil ang may hawak nito ay malaking tao at hawak sa leeg ang boss nito. Kaya ang totoo, pakitang tao lang naman yan, tuloy pa rin yan. Bakit kaya ba nila ang si Boss?
*****
Umatras na sa laban si Joe Biden dahil siguro sa sobrang katandaan na nito. Ang pumalit sa kanya, ang bise niya na si Kamala Harris na hindi daw gusto ni dating pangulo Obama pero inendorso rin kalaunan. Samantala pinangalanan na ang vice ni Trump at walang iba kundi J.D. Vance. Hindi siya ang basketball player ng Ginebra, kapangalan lang.
*****
Ang tinitira nila ay si Mayor Alice Guo, Kung gusto nilang tirahin ang mga Intsik, lahatin na nila. Si Gatchalian, bakit hindi iniimbestigahan kung napapaano naging senador ito at ang iba pang mga Intsik. Ganoon din.Si Lucio Tan, Gokongwei, Uy, Tancaktiong at iba pang mga Intsik. Si Alice Guo lang sine- single out dahil malaki ang makukuha nila. Mga Dy, Go, Tan, Tangkiko, Tanjuatco, iba pang Intsik, imbistigahan niyo rin para patas. Puro kayo Alice Guo na lang, mas masahol pa iyong mga kasabwat niya na taga gobyerno.
*****
Hanggang ngayon hindi pa natatapos ang isyu tungkol sa polvoron. Hind ko inintindi ito dahil hindi ko naman naiintindihan. Pero kalaunan nalaman ko kung ano talaga ang polvoron. Sabi nila katulad din daw ito sa shabu at ipinagbabawal ng batas. Naging conscious ako dahil ang pinagbibintangan ay isang malaking tao o mga tao at minsan si Coseteng ay nasama pa sa isyu. Hindi ko talaga maintindihan kasi maski sigarlyo nga di ko alam, kaya ignorante talaga ako. Pero alam ko iyong bangag dahil noon umiinom ako ng alak at nababangag ko sa kaiinom pero iyongmga polvoron, di ko alam ang tanging alam kung nakakabangag alak lang.
****
Ano na kaya ang mangyayari pag nanalo si Trump? Masyadong maangas ang taong ito, baka naman puro dakdak lang alam nito. Hindi kaya siya katulad ng ibang mga pulitiko dito sa atin na magaling lang sa puro salita at kayabangan. Sasabihin na siya raw ay isang economist porke ang natapos niya economics. Pero ang barangay niya walang asenso, puro paghihirap pa rin at panay yabang na siya ay economist daw. Ang tao pala pag graduate ng economics, kahit wala kang nagagawa sa natapusan mo, ganoon na ang tawag mo sa sarili mo. Wrong economics yata ang tawag diyan. Di ba nakakahiya sa sarili mo na tatawagin mong accountant ka wala ka namang alam sa pagiging accountant mo? Nakakahiya, economist daw siya pero ang alam lang definition ng economics, mali pa ang spelling.
***
Tuloy na tuloy daw ang pagkandidato ni amigong Sammy V. Laynes sa pagkakongresman at tiyak daw walang makakapigil na nito. Ganoon din si Patrick T. Azanza at Cesar V. Sarmiento. Ang maipapayo ko lang sa mga kakandidato, kailangan sapat ang pera nyo dahil kung hindi, puwede niyo ng tawagin ang mga tao ninyong may mga sungay sa likod dahil matatalo kayo. Ang kalaban niyo nagliliyab ang kuwarta nila na bigay sa kanila ni Taning at ni Tamba. Kung ang kuwarta ninyo ay katorse pesos lang, tumigil na kayo.
