Isang bagay na nakapagtataka sa ilang mga Pinoy. Talagang magtataka ka kung paanong ang isang Pinoy tulad ni Juan dela Cruz Y Borloloy na taga-Barangay Minaturaok ay yumaman ng grabe. Nag-umpisa siya sa pagiging isang konsehal ng kanilang barangay Minaturaok hanggang naging konsehal siya ng kanilang bayan ng Tukturaok at di nagtagal sa galing niyang makisama at husay magbenta ng langkoy na sila kahit konti lang ang tubo, biglang yumaman siya at di na matalo-talo ng mga kalaban. Ang sikreto ang mga proyektong panay ampaw at hanggang dalawang buwan lang ang proyekto sira-sira na at kailangang palitan na. Ngayon, kongresman na si konsehal ng barangay Minaturaok at mayamang mayaman na. Ang tanong, paano siyang naging bliyonaryo? Ang sikreto pala ni Kong. Borloloy, pag halimbawa worth 10 million ang project niya, ang ipatatakbo ay 5 million lang at ang 5 million safety para sa mga susunod na eleksyon. Remember sa isang 10 million project lang iyan at umaabot ng 100 million ang project nila kaya maraming million si Kong. Borloloy at mahirap nang talunin dahil yumaman siya sa pagiging pulitiko dahil hindi na siya nagtitinda ng langkoy. Ang tanong muli, paano siyang yumaman nang husto gayong wala naman siyang negosyo? Ang mga anak nasa ibang bansa pa na-gaaral. Bigatin na si Konsehal na ngayon ay kongresman na?
*****
Kamakailan, lumabas sa socmed ang mukha nina Gov. at VG Cua. Intsik naman talaga ang pinanggalingan nila at walang duda pero wala namang sinabi kung anong problema. Nagpapa-eklat lang ang vlogger nito dahil ang sabi basta Intsik lang. Pero Filipino citizen at wala namang problema sa Comelec. Ang problema siguro si Sen. Gatchalian, Sen. Go, Cong. Co, at ibang congressman at senador na hindi mo maintindihan kung papaanong naging congressman at senador sila. Sa USA, may mga kabayan tayong mga mayor pa at si Swarzenegger naging governor pero hindi naging senador o congressman dahil pinagbabawalan ng ating batas. Para maging congressman ka, kailangan natural-born Filipino citizen ka. Ikaw congressman, natural-born Filipino citizen ka ba? Baka balang araw magkaproblema ka? Mainit pa ang isyung yan, kayo rin?
*****
Ang may problema ngayon ang mga congressman na ang mga project mga nakatengga pa ganoong dapat matagal nang tapos? Bakit, may secong batch pa ba? Calling DPWH-Congressman, ang paliwanag niyo po bakit inumpisahan lang ninyo ang project pero hindi ninyo tinapos. Sabi ng isang pangulo ng ating bansa, work undone is worse than work badly done. Ang trabaho daw na hindi natatapos ay masahol pa sa proyekto o trabahong hindi maganda ang pagkagawa. Ngayon, muli kong tatanungin ang mga taga-DPWH-Congressman, bakit hanggang ngayon nakatengga ang dalawang proyekto ninyo? Puwede ba naming malaman? Nagtatanong lang po ang mga tao bakit hanggang ngayon hindi pa natatapos ang dalawang proyektong ito? Kung masama ang magtanong, kasuhan ninyo ako. Anyway, kuwarta ng bayan lang naman ang nakataya diyan kaya lang naman ako nagtatanong?
*****
Ang gagawin daw at ipapalit kay VP Sara bilang DepEd Secretary ay si Edgardo Angara na ngayon nagsasabing ang problema raw sa DepEd ay maghahanap siya ng maraming mga guidance counselor pero hindi binanggit ni Angara na maraming guidance counselor, marami na ring dapat dagdagan ang suweldo. Panibagong trabaho dapat taas din ang suweldo. Taas ang trabaho kasabay dapat ang pagtaas din ng suweldo. Hindi puwede na tataas ang trabaho ang suweldo steady lang. Ang tawag sa ganyang pagkilos ay scam o pambubudol. Well, sanay naman kayong nabubudol lalo kung eleksyon period.
*****
Talo ang Latvia sa Gilas-Pinas. Tulad ng dati ang nagpahirap sa mga kalaban ay si Justine Brownlee, Kai Sotto, Jun Mar Fajardo, at JC Perez. Ang ganda ng laro pero nakakaiyak sa parte ng mga Latvian siyempre. Muntik pa tayong abutan pero kinapos sila ng oras. Pinakamagaling siyempre ang laro ni Justine Brownlee.
*****
Sa mga kalye survey ang lumalabas kung sino ang magaling kay FPRRD at PBBM, kung sino ang mas magaling panunungkulan nila sa loob ng dalawang taon na panunungkulan nila, lumalabas na mas mabuti ang naging pamamalakad ng una kay sa huli dahil daw sa taas ng mga bilihin sa kasalukuyan. Sa mga senador tabla ang laban pero ako naniniwala mananalo ang mga maraming kuwarta dahil mahaba ang pisi nila.
*****
Sa friendship game ng Pinas at Vietnam, talo ang Pinas at ilang laban pa marahil bago tayo maKakapantay sa galing ng mga Vietnamese. Magagaling talaga sila at talagang kailangan pang hasain natin ng husto ang mga player natin para naman matapatan natin sila. Alalahanin natin kailan lang nabago ang bagong team natin at marami pang ika nga kanin ang kailangan para naman at least manalo tayo laban sa mga taga Vietnam. Ganunpaman ang laki ng improvement ng team natin.
*****
Natatandaan pa ninyo ang sabi noon ni Sen. Miriam Defesor Santiago.na kung palayasin natin ang mga Intsik at pauuwiin natin ang mga Pinoy, ang gusto nating mga Pinoy ay hindi pupuwede dahil hindi natin kayang pakainin ang mga kababayan nating mga Pinoy lalo’t karamihan sa mga Pinoy ay umaasa lamang sa mga Intsik billang mga OFW. Maghihirap tayo ng husto.
