Ngayon ay lumabas din ang totoo at isang kano ang nagsalaysay mismo ng katotohanan kung ano ang talagang pakay ng mga kano sa ating lugar. Sinasabi ko na noon pa na ginagamit lang tayo ng mga kano para sa sarili nilang interes at hindi sa kung ano pang ibang rason. Ginagamit lang tayo para sa sarili nilang kabutihan, hindi sa kabubuti natin.T ingnan Ninyo, ang yayabang ng ilang mga lider natin. Puro giyera ang bukambibig nila at akala mo kayang-kaya ang mga kalaban pero ipinagmamalaki nila mga Kano lang naman at akala mo ipagtatanggol sila lahat ng oras. Ang totoo pala, ginagamit lang ang mga Pinoy ng mga Kano. Sinasabi pa na malakas daw ang militar natin pero ang totoo isang largahan lang tayo ng mga makakalaban natin. Maski wala nang balikan, ubos na tayo. Akalain mong ipapasubo tayo sa digmaan dala lang ang sobrang pagsipsip sa Kano, iyon pala ang lahat sa totoo lang interes lang nila ang hangad sa atin at hindi naman ang kabutihan natin. May isang lider pa diyan ang nagsasabing alisin ang lahat basta may tatak Tsekwa. Bakit, saan ba nabubuhay ang ilang mga Pinoy natin? Kaya bang buhayin ng mayabang na lider na ito? Kung magsalita ang yabang, nabubuhay siya sa kayabangan man lang niya. Kaya bang palamunin niya ang ilang libong Pinoy kung mawalan ng trabaho? Sa totoo lang, ano namang trabaho naibibigay sa atin ng Kano? Mayroon ba? Totoo mahinang klase mga gamit nila pero hindi naman ipinamimilit. Kung ayaw Ninyo, di huwag na ninyong bilhin. Ang problema, binibili nyo pa. Ang totoo, tayo ang mga gago, bili pa rin tayo ng bili, alam naman nating mahinang klase.
*****
Ngayon, mismong mga Kano ang nagsasabing sariling interes lang pakay ng mga Kano sa atin na sila mismo ang nagbulgar ng lahat-lahat. Sinasabi nilang hindi pa rin tayo nagigising sa katotohanan na tayo, ayon sa Kano, subject lang tayo bilang dating sakop noong araw. Ngayon daw ba magpapakatanga pa rin tayo o talagang tanga tayo at habang buhay magpapakatanga na talaga tayo? Ang masaklap pa raw ang mismong kaaway natin ay ating kapitbahay sa halip na kakampi pa natin. Oo, may pagkapasaway pero tandaan nating hindi naman habang buhay ay mananatili yan sa puwesto niya at magbabago ang lahat. Pagkakataon lang ang hinihintay natin. Tingnan natin, dati Duterte ang bida, ngayon Dayunyor na, nagbago na lahat. Dati mura ng kaunti mga bilihin, ngayon lampas leeg na. Ang laking pagbabago, di ba? Dati nawala iyong sobrang sipsip natin sa Kano, ngayon pati tuhod sinisipsip na ng mga lider natin. Susunod niyan hihimurin na pati wetpu ng Kano. Kailan nga kaya tayo matututo na kailangan tumayo tayo sa saril nating paa at manindigan ng marangal? Tama, malaki ngang gago natin, ang tagal na hindi pa tayo natututo kung papano tayo tumayo sa sarili nating paa at paano tayong maninidigan sa sarili natin. Gising, mga kababayan!
*****
Nakatsamba lang ang Alas o talagang hindi kaya ang Korea ng Alas team ng Pinas, aminin natin ang totoo. Ang totoo, ang malakas na team sa Asya ay ang Vietnam, Indonesia, Thailand at ang Korea, sa paniwalaan ninyo yan o hindi. Kaya tama ang bronze na iyon sa atin dahil talagang pang-bronze lang tayo pero mahirap pa nga iyan ang totoo at hindi natin puedeng pasubalian o pagkunwarian man lamang dahil kailangan harapin natin ang katotohanan sa gusto natin o hindi. Tingnan nyo, exhibition lang ng dalawang beses, dalawang beses rin tayong talo ng korea. Tinalo naman ng Meralco ang SMB sa PBA ang bigat ng laban pero dehado talaga ang Meralco pero bilog ang bola ika nga at napakitang gilas talaga ang Meralco at sa pamumuno ni Cris Newsome nasilat ang llamadong-llamadong SMB.
*****
Walang Uniteam dahil ayon kay Sara Duterte tapos na ang pagpapagamit niya dahil tapos na ang eleksyon. Kaya tapos na ang tungkulin niya bilang kasapi ng partido nila at tapos na ang pagpagamit niya. Kung ako si Sara, magre-resign na ako at magpokus na siya sa pangangampanya habang malayo pa at malinis pa siya, lalo na makakalaban niya mababaho na at saksakan pa ng yayabang at mga epal pa at ang tanging alam puro kayabangan at grandstanding. Malayo pa ang laban, sira na ang kartada nila.
*****
Kakasuhan na naman daw si Mayor Guo ng Bamban, Tarlac gayong wala namang kasalanan iyong tao. Hindi talaga tinigilan dahil ito raw ay nagpapatakbo ng POGO. Ang totoo, ang nagpapatakbo ng POGO ang gobyerno. Kung bawal ito, ipagbawal na sa lahat ng lugar. Bakit sa Cavite, hindi makanti man lang ito? Ano ito, palakasan? Grabe kung palakasan, magpapalakas din ako sa mayabang na si Trump. Grabe ang lakas ng bentilador doon. Lalo na siguro kung manalo pa iyan, baka ipu-ipo na naman ang dumating sa USA.
*****
Alam ba ninyong si Sen. Lito Lapid at Cong. GMA ay mga sangkot din sa sugal na POGO, paris din sa pagkakasangkot ni Mayor Guo? Bakit grabe ang galit nila kay Mayor Guo gayong mahal naman nito ng mga tao. Si Sen. Lapid porke ba’t senador malambot lang sila ganoon din kay Cong. Arroyo dahil sa kongresman din ito? Tila malalambot ang loob ng mayayabang na mga kongresman na mga ito kapag kabaro nila. Dapat parehas ang pag-iimbestiga nila sa mga tao. Iba siyempre kapag kabaro mo ang iniimbestigahan. Malambot ka siyempre ka-sindikato mo?
*****
Isang piskal na naman ang tinapos kaagad ang pagiging piskal niya. Hind malaman ang tunay na dahilan bakit pinatay ang piskal. Pero kadalasan ang dahilan ng kamatayan nila, may kaugnayan sa kasong hinahawakan nila. Ang totoo may mga piskal ding natatangay sa mga kasong hawak nila kung saan nagagalit ang mga may hawak ng kaso bakit nauuwi sa maling hatol ang kaso. Actually, hindi lang siguro nagkaintindihan kaya nangyari ang lahat. Di pagkakaintindihan, simpleng dahilan.
*****
Sabi ni Marcos Sr. ang mga senador daw noon, panay magagaling at karamihan mga abogado pa. Hindi raw katulad ngayon na karamihan mga pang-tanod lang. Hindi naman sa minamaliit natin ang mga tanod pero wala namang tanod na mag-aabogado. Ang totoo, ang mga diputado at senador ngayon sa totoo lang mga walang alam sa paggawa pa naman ng batas ang mga ginagawa nila. Magaling lang sila magyabang, magpakulong ng resource persons, mag-grandstanding at mamahiya ng mga resource persons.
*****
Ano na ang nangyayari ngayon sa Maharlika Funds? Bakit wala na tayong naririnig kahit man lang magpagibik ito? Naubos na ba o dapat na nating ilibing na lang sa limot kasi wala na, natodas na at dapat kalimutan na lang ng bawat Pinoy dahil wala na? Siguro nawaldas na sa kabibiyahe. Naabot na ang buong mundo at pati Europe. Biyahe pa more, sir, hindi pa ninyo nauubos ang ibang bansa, sir. Hindi pa nga kayo nakarating ng Ogbong, Catagbacan at saka Hilawan. Biyahe pa more, kulang na kulang pa.
*****
VP Sara, nag-resign na as DepEd secretary. Pero wala siyang ibinigay na dahilan kung bakit sya nag-resign. Maging si Marcos wala ring pahayag kong bakit nag-resign si Sara. Pero kahit hindi nagsabi kung bakit siya nag-resign, sa taong nakakaintindi ng takbo ng pulitika natin, alam na kung bakit. Hindi naman tayo ganoon kabobo, sabi nga ni. Atty Gadon. Sa mga bali-balita pamumunuan daw ni Sara ang opposition. Aywan lang, iyan ang sabi ng mga manghuhula, pero ako iba ang paniniwala ko. Kasi baka kunin siya ni Mother o di kaya ng Seiko Films kasi ang ganda niya. Sa totoo lang para siyang artista at magseselos ka talaga. Bueno kantahin na lang natin ang awiting “Selos.” At abangan natin ang pelikulang Agila at ang Mambubudol Gang.
