TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

HINDI TINIGILAN SI MAYOR ALICE GUO

Hindi talaga tinigilan ng admin ni Marcos na maski papano ma-convict si mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, pagkatapos na halukayin ang lahat sa kanya. Nagawan pa rin ng paraan na makasuhan siya maski na papano. At nagawan ng paraan na mabigyan ng preventive suspension ng anim na buwan kahit malabo ito sa kanya dahil ang totoo ni-raid na ni Marcos noon ang nasabing lugar at walang nakuha ang team nila maliban sa naabutang team ng Pagcor na siyang in-charge sa operasyon ng POGO at siya pang nag-ooperate nito. Ngayon nagtagumpay kahit papano, nayari nila si Mayor Guo. Ano naman kaya ang malupit na susunod na hakbang laban sa alkalde ngayong nailihis na ang PDEA leaks, ika nga? Siyempre iyong pamatay na. Ang hirap niyan, baka kayo ang matimbog kasi parang basketball yan ngayon hawak mo ang bola, mamaya ka nang kaunti kalaban mo na may hawak.

*****

Malayo pa ang eleksyon pero ang mukha ng mga atat na kandidato naglalabasan at ang nilalagay nila iyong kaligtasan ng mga mananakay. Kalokohan para ligtas sa parusa ng Comelec, bulok ang mga style niyo, alam na yan, mga sira! Masyado niyo namang ginagago ang mga Filipino! Binubudol niyo nga, ginagago niyo pa. Sobra naman ang pang-iinsulto ang ginagawa ninyo. Huwag naman ninyong ginagago masyado ang kabobohan ng mga tao. Bàka dumating àng araw at magalit sila at pagsisihan ninyo ang lahat. Tingnan ninyo at nagalit ang mga mangingisda sa Palawan  at anong sabi nila sa mga congressmen natin? Nagalit siła dahil ang sabi ng mga mangingisda nagsulputan naman sila dahil malapit na ang eleksyon. Pag kailangan daw sila ng mga mangingisda, wala sila dahil malayo pa ang eleksyon. Ngayon daw na malapit ang eleksyon, nagsulputan na sila. Para ding proyekto ng DPWH – congressman ngayon nakatengga pero pagmalapit na ang eleksyon matatapos na iyon dahil gagastos na at may panggastos na. Naalaala ba ninyo ang dalawang project ng DPWH-Congressman nakatengga hanggang ngayon? Mayayari kaya yan ngayong malapit na ang eleksyon. Kung ibinigay yan sa mga taga CatSU matagal nang napapakinabangan yang mga iyan. Nakatengga siguro siguro lang pinatutubuan para pagkakitaan

*****

Mga kakandidatong congressman ayon sa mga sabi-sabi ng mga tao at mga nag-aamuki para tumakbo sila: una si Dr. Patrick Azanza, pangalawa si Samuel Laynes, pangatlo, Cesar V. Sarmiento at iba pa na hindi ko na alam kung sino sila. Pero ang sigurado ako si Patrick Azanza at si Sammy Laynes, tatakbo sila bilang congressman, ganoon din si dating Cong. Cesar V. Sarmiento. Siguro wala nang matetenggang proyekto ang DPWH – Congressman sa CatSU. Dati kasi sa CatSU yan, ngayon nasa DPWH-Congressman na naman. Sa governor, walang masyadong problema dahil saksakan ng bait ang kakandidatong gobernador sa katauhan ng Vice Governor Boss Te. Tiyak tatangkilikin siya ng mga tao. Walang masyadong problema!!

*****

Sobrang yayabang ng mga nasa gobyerno natin, puro giyera ang nasa bibig nila. Akala mo sila ang isasabak sa giyera. Puwede basta sila ang pambala sa mga missile, tutal sila naman ang hamon ng hamon. Ngayon nasa Luzon na naka-deploy ang mga missile ng Amerika at handa nang makigiyera. Grabeng pagkasipsip natin sa mga Kano, akala mo tayo ang makikipaglaban. Sarili lang naman nilang interes ang ipinakikipalaban. Sa bandang huli tayo na naman ang kawawa nito. Hindi talaga tayo natuto, kailan kaya tayo matuto??Ang totoo ang totoong nag-aaway ang USA vs China, hindi ang Pinas. Sumasabit lang tayo dahil malakas at magulang ang USA pero hindi tayo ang kalaban ng China. Super sipsip lang tayo at gagawin lang tayong pambala sa kanyon ng mga lider nating magagaling sirit ang mga iyan. Takbuhan yan tayo ang maiiwan at taiyo ang pagpapatayin ng mga kalaban. Pustahan tayo!!

*****

Bakit daw naghihirap tayo samantalang sabi nila mayaman naman daw ang bansa natin? Sabi nga ng isang mayabang na lider natin, magiging superpower daw tayo sa buong Asia. Yabang mo, hindi nga tayo maka-produce ng isang matinong barko tapos superpower na ang pinapangarap mo. Pangarapin mo ang bumaba ang presyo ng basic commodities natin. Huwag ka nang mangarap ng superpower, super engot na lang pangarapin mo baka super duper pa . Ang yabang mo diyan ka magaling!

*****

Buong mundo nalibot na yata ng ating pangulo. Alam ko ang ginagawa ng pangulo natin, itintinda niya ang ating bansa para mayroong bumili pero matumal ang benta at halos walang bumibili. Mayroon sana pero pagmag-iinvest na nagwi-withdraw sa hindi malamang dahilan. Halos buong mundo nalibot na at sa tantiya ko mas marami ang gastos sa kabibiyahe kaysa pakinabang natin. Sige, Mr. President, biyahe pa more, hindi pa nuubos budget natin. Katunayan hindi niyo pa nararating ang Bhutan at Sweden. Travel pa more hanggang maubos ang pera ng bayan.

*****

Pumutok kamakailan lang Mt. Kanlaon, isang bulkan sa parteng Bisaya. Sa mga hindi nakakaalam, ang bulkang ito ay aktibong aktibo tulad din ito ng ating bulkang Mayon na mayamaya lang madalas nagpaparamdam na siya ay gustong magbuga ng sobrang mga bagay sa kanyang lukbutan na kung anuman iyon hindi natin alam. Ang lahat ay pagbibigay babala para mag-ingat tayo at nagbibigay-babala sa mga pulitiko natin na oras na para maghanda at darating ang madudugas na mga relief goods. Paghandaan na ninyo tutal ganyan naman kayo, di ba, mga mandurugas? Pati mga relief na Amerkana, hindi ninyo pinaliligtas. Go ahead, mga dugas!!

*****

Sa mga isinasagawang kalye survey, ang maririnig mo ay nakakatuwa. Mas mabuti pa raw na mag-resign na lang si PBBM kaysa magpatuloy pa siya sa panunungkulan at hindi niya naman kayang lutasin ang problema ng mga Pinoy. Tama lang siguro ang mga taong nagsasabi nito. Kung hindi mo nga kaya ang trabaho, iwanan mo at ibigay mo sa iba. Huwag mong ipagpilitan na ang sarili mo kung hindi mo kaya ang trabaho mo. Pagbigyan mo iyong iba na mas may kakayahan kaysa saiyo !

*****

May nagsabi sa akin na umaasenso na ang Catandanes. Noon daw wala silang CR, ngayon daw wala pa rin. Noon daw puro camote ang kinakain nila, ngayon daw camote pa rin may kahoy na camoteng kahoy. Noon daw tagaan ang ginagawa ng mga magnanakaw, ngayon daw tubo na lang ang ginagamit.  Noon daw ang mga magnanakaw ang ninakaw barya-barya lang, ngayon daw bilyon at ang sangkot mga senador pa. Noon daw ang mga pangunahing pagkain mura lang lalo ang bigas beynte pesos ang isang kilo, ngayon daw ang beinte pesos ang 1/4 kilo ng bigas. Ang laki ng pagkakaiba, ano?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading