TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DUMAMI ANG MARITES

Tapos na ang problema sa Senado. Sabi ng isang senador, nagkaroon daw ng trayduran. Kung anong klaseng pagtatraydor, hindi  ko alam. Baka nga nagkatrayduran, hindi natin alam? Ang bagong Senate President ngayon ay isang tubong Bicol at natural isang Bicolano at oragon talaga, nakadalawang asawa na rin, baka maging tatlo pa kasi oragon nga eh. Chiz Escudero ang kanyang pangalan at malamang na sa 2028 isa ito sa tatakbong pangulo. Samantala ang grupo ng pinatalsik na si Migs Zubiri, balita ay bumubuo ng isang grupo at tatayong bilang oposisyon sa kasalukuyang administrasyon.

*****

Samantala ang daming senador ang pabida na naman sa palabang si Alice Guo, mayor ng Bamban, Tarlac, pero sa kabila ng mga patutsada sa kanya, hindi ito nagpapatinag. Kaliwa’t kanan ang batikos sa kanya at kung ano-ano ang mga bintang sa kanya pero laban pa rin siya dahil lahat ay mga pagbibintang lang  naman at walang katotohanan. Pati Birth Certificate niya kinakalkal na ng mga taong walang magawa. Pinagbintangan siyang spy ng China pero wala naman sapat na ebidensiya at puro haka-haka. Tuloy, dumami ang bilang ng mga Marites ngayon. Isa lang ang pinaniniwalaan ko ngayon ang sinabi ni Chiz Escudero, ang iba pa mga kamaganak siguro ni Marites sa puro satsat lang ang alam at puro kayabangan at pabida bida lang sa Senado. Samantala ang panig naman ni Alice Guo, sige lang ng sige tutal puro naman Marites ang sinasabi nila at hanggang salita lamang.

*****

Ang totoo ang daming Chinese dito na pareho ng kaso ng kay Alice Guo. Bakit siya lang ang tinitira ng mga Marites na ito? Nariyan sila Sy, Gokongwei, Caktiong. Uy, Tan at marami pang iba. Bakit hindi niyo nilalahat? Bakit ito lang mayor ng Bamban, Tarlac? Maganda kasing target, maraming ilalabas. Para nagbababuyan lang daw yumaman? Bakit wala bang karapatang yumaman ang magbababoy? Naalaala nyo pa ba ang naging presidente na USA  na siJimmy Carter? Yumaman siya sa agricultura at mani lang ang nagpayaman sa kanya, naging pangulo pa ng America? Tinatangkilik daw nito ang POGO. Bakit, kasalanan niya ba na gobyerno ang nagpapalakad nito sa pamamagitan ng Pagcor? Ang totoo pinayagan lang ito ng dating pangulo noon dahil hirap ang gobyerno ng PInas at may pandemic noon. Kailangan nating mag-survive sa maski ano na lang paraan para mabuhay ang mga Pilipino. Ika nga, kapit sa patalim. Kung mali at bawal ang POGO, ipatigil ng bagong admin para walang yumaman.

*****

Kung tirahin natin ang mga Chinese, ganoon na lang. Bakit ilang libo bang mga Pinoy ang nabubuhay sa mga Tsekwa halimbawa sa HongKong, Beijing, Taipei at sa mismong bayan natin? Kung pakaiisipin Ninyo, ang daming Pinoy ang nabubuhay sa mga Intsik. Ang gusto ng mga mambabatas natin palayasin lahat sila pero hindi nila iniisip na mas maraming Pnoy ang mawawalan ng trabaho at maghihirap. Papaano kung may yumaman ding Pinoy sa atin at pagbintangan din tulad ginagawa natin kay Mayor Guo? Sa USA pa naman, ang galing ng mga Pinoy, mayroong nagiging mayor, may nagiging congressman baka balang araw maging governor pa. Tapos gagawin ang ginawa natin kay Mayor Guo? Ngayon nanahimik lang ang mayor, ang masama niyan sa bandang huli siya naman ang hahalakhak hanggang lumuwa ang bituka ng mga pinagbibintangan nila ng kung anu-ano.

*****

Ang mga Intsik huwag nating itutulad sa atin na mayayabang na kumita lang ng kaunti sa negosyo mayabang na. Sila yumayaman sila dahil matiyaga at yumayaman sila dahil sa negosyo nila, tayong mga Pinoy yumayaman dahil sa pandurugas. Bakit daw mas mandurugas ang mga Intsik ngayon kaysa mga Pinoy? Natuto na sila sa pagiging mandurugas natin.

*****

Patay na ang isa sa magulo sa mundo nating saksakan ng ganda na pinapapangit ng mga taong ang pag-uugali ay hindi sa tao. Ang tinutukoy ko ay ang pangulo ng lran na hindi mo maintindihan ang pag-uugali. 300 missiles ang pinalipad laban sa lsrael, Mabuti na lang at laging handa ang lsrael at sa taas pa naharang na ng Iron Dome ang mga missile kayat hindI na umabot sa lugar na target sana ng Iran. Gumanti ang lsrael kasama ang USA, durog lahat ng nuclear facilties ng Iran pati tayo apektado dahil isa ang Iran sa pinagbibilhan natin ng gasolina. Ang karma nga naman kung umarangkada walang humpay. Sana sumunod na si Xi JInping. Sobrang pagkamanlalamang.

*****

Siguro kung nakausap ako kagad agad ni Pangulong Raisi ng lran, buhay pa siya. Dahil pasasakayin ko sIya sa sasakyang bihira ang aksidente. Mamili siya sa tricy o sa padyak. Bihira ang disgrasya diyan at malaki ang tsansang mabuhay pa. Pero pinili ng Diyos na iyon ang sasakyan niya dahil masama siya kaya ayon tinamaan siya ng karma, ang bad karma pa. Akalain mo kung lumanding ang lahat ng missile na iyon sa Israel, milyong tao ang papatayin noon at maraming pamilya na naman ang mag-iiyakan. Kaya sa susunod sumakay na kayo sa padyak o di kaya magtricy na lang kayo.

*****

Convicted na naman ang madaldal na si Gadon. Ang sigaw niya lagi, mga bobo kayo. Inalisan siya ng lisensiya sa pagiging abogado niya at ngayon may conviction na naman siya. Sobra naman ang kabobohan nito ni Atty. Kepweng, di na natuto sa kabobohan niya. Isang beses ka lang matiklo, dapat matuto ka na. Grabe kasi ang kabobohan ni Atty. Kepweng kaya ayon convicted na naman. Ang hilig kasi sa kantang di na natuto.  Ang bobo mo kasi, Atty. Kepweng.

*****

Tinalo ng Pilipinas ang Australia sa laro kagabi at ngayong gabi ang kalaban naman ng Pilipinas ang koponan ng India. Sa mga susunod na mga araw palakas ng palakas ang makalaban ng Pilipinas kaya marahil paghahandaan ng mabuti ang labang ito na kung saan ay maganda rin ang naging laban nila noon. Ang laro pong ito ay volleyball at hindI po basketball. Mas marami na ngayon ang nanonood ng vollyball kaysa basketball. Ang gate attendance ng volleyball sa Araneta Coliseum ay umabot ng 24 thousand. Hindi pa ipinapalabas sa TV.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading