TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

PANALO NA NAMAN ANG CREAMLINE COOL SMASHERS

Tulad ng inaasahan, panalo na naman ang CCS sa larong volleyball. Hindi ito basketball tulad ng akala ninyo. Ganito kasi iyon tulad ng sabi ko noon: May pumukol ng pipit sa sanga ng isang kahoy at nahagip ang pakpak ng kawawang ibon, mamang kay lupit ang puso mo’y di nahabag, pag napahamak si Rondina maraming taga-Choco Mucho ang iiyak. At nangyari nga, ang daming nag-iyakan. Pero hindi ang Rebisco dahil ang CCS at CCMFT, isa lang ang may-ari. Tabla kumbaga, ang panalo lang ang Araneta Coliseum at mga players ng CCS pati mga tagahanga na tulad ko. Nakakalungkot dahil si Jema Galanza at kapatid na  si Mafe ay aalis na sa CCS at magIng ang coach nila na si Meneses. Ako aalis na rin, pupunta akong Timbuktu kasama ko si Barok, mamimili kami ng kasili saka laing. Congratulations nga pala sa mga maka-CCS at better luck next time mga taga-Choco Mucho at sana huwag na kayong makinig sa kantang “Ang Pipit.” Ang nagpanalo nga pala iyong service ni Mafe Galanza at ang panalo tira at kaunaunahan niya sa CCS ay si Bea de Leon.

*****

Akala ng marami, hindi makapaglalaro ang Phenom Super Star na si Alyssa Valdez pero naroroon siya maski ika na may iniinda. Pakita ng isang professional na kahit may iniinda sa katawan, laban pa rin at the show must go on. Bagaman at sa totoo, hindi niya nagawa ang dapatm naroroon siya, nagpakita, naglaro kahit masakit sa loob. Ginawa niya ang lahat maipakita lang ang leadrship niya sa kanyang mga kasama at lalong sa may ari ng Rebisco. Kahangahanga ang pamumuno niya lalo sa kanyang mga nasasakupan. Congratulations!

*****

Nakakatakot ang sitwasyon natin ngayon. Dahil ang totoo, pag naturete ang ulo ng China, sa ayaw natin at sa gusto madadamay tayo dahil sa sobrang sipsip natin sa USA. Pag tinira ang Taiwan ng China, sigurado 100% sabit tayo. May magagawa ba tayo para umayaw at sabihin sa mga Kano na hindi puwede dahil malaya at neutral na bansa tayo? Pag umayaw tayo, iyan ang katapusan natin lalo sa pagiging sipsip natin. Kung sa bagay ang pagiging sipsip ng isang bansa sa kapuwa bansa, isanf style yan sa diplomacy masyado nga lang halata. Anyway, parte pa rin iyan sa ngalan ng pakikipagkaibigan dahil sabi no man is an island, which is totoo naman.

*****

Ang ikinatatakot ng mga Pinoy ang parteng Luzon, lalo na ang Batanes, at maari daw maging daanan ito ng mga Pinoy sakaling lusubin ito ng  mainland China. Dahil napakalapit daw nito sa Pinas, tilaok nga raw ng manok sa China dinig na dinig sa Pinas, patunay na malapit na malapit lang talaga. Pero ang totoo sa ayaw natin at sa gusto, sabit tayo dahil kaalyado natin ang USA kaya oras na inupakan ang Taiwan, ihanda na ninyo ang ipinagyayabang na puwersa natin. Sa totoo, gatuldok lang tayo sa laki ng China at hindi natin dapat na ipaghambog o ipagyabang at sasabihing kayang kaya natin sila sa salita lang pero sa real talk sabi nga wala tayong binatbat.

*****

Masyadong unfair ang nagaganap ngayon sa buong mundo. Noon nilusob ang Israel ng Hamas at libo-libong mga taga-Israel ang naghirap, nangamatay, nawalan ng tirahan at naging hostage pa hanggang ngayon. Pero walang nagpoprotesta kung bakit ginawa sa mga Israelites ang ganoon. Ang mga kaguluhan sa USA at ibang bansa ay patuloy hanggang sa ngayon. Kaya ang Amerika ay pinaimbestgahan ang mga kaguluhan at natuklasan na ang lahat na kaguluhan ay pinakikilos ng ilang mayayaman sa USA at ibang bansa. Kaya ngayon naghihigpit ang mga bansa sa pagpapasok ng mga bagong immigrants, sabit ang mga walang kinalaman sa gulo pati tuloy ako na balak mangasilyas sa Florida, p++++++ga, sabit na rin. Ito kasing mayayaman na ito hindi na lang sa akin ibigay ang pera nila.

*****

Ito pala ang mga kakandidatong congressman sa Catanduanes Lone District. Una, ayon sa balita pero hindi sure si Dr. Patrick Azansa, Sammy Laynes ang mayor ngayon ng bayan ng Virac, Cesar V. Sarmiento hindi rin sigurado at ilan pang handa makipaglaban hanggang sa huli. Pero ang sigurado ako at preparado sa laban itong si Sammy Laynes. Hindi ko alam kung anong partido niya pero alam ko lang na kakandidato siya bilang congressman. Ang ilan pang kakandidato hanggang salita lang ng ilang mga kasama nila. Basta ang sigurado ako at talagang handa daw ay si Sammy Laynes.

*****

Sa governor, wala yatang gustong tumapat kay Peter “Boss” Te Cua. Pag nagkataon walang kalaban si Boss Te, baka ngayon lang mangyayari ito na ang isang kandidato pagkagobernador ay walang kalaban. Sa tanong kung bakit ayaw ni Gob Joseph Cua na kumandidatong congressman, hindi pupuwede dahil bawal sa ating batas ang hindi natural-born Flipino citizen. Iyan po ang dahilan kung bakit hindi siya kumakandidatong congressman. Sana malinaw na ang bagay na ito sa lahat na hindi pa nakakaalam.

*****

Sa PBA basketball, tila nahirapan ang SMB sa Terrafirma. Kung bakit nangyari ang ganito, dahil marahil sa sobrang pagod na rin.Pero alam ko na makakapasok sila maliban na lang kung talagang ayaw na nila. Pero imposible dahil ang hanap ay kalaban at kampeonato lalo at sila ang defending champion sa kasalukuyan. Kung wala si Junmar, puwede nating sabihing game over na ang SMB pero ngayon maari nating sabihing natsambahan lang sila at babawi sa bandang huli.Sa maniwala kayo sa hindi, makakapasok ang SMB.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading