TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

HIWALAYAN NAUUSO

May bago na namang kalaban ang Israel: iyon ay ang Bahrain. Kamakailan ay nagsimula nang umatake ang nasabing bansa laban sa Israel at hindi magtatagal malakihang labanan na naman ang bakbakang umaatikabo. Hindi pa nga natatapos ang laban ng Israel sa Hamas, ito na naman ang panibagong kalaban. Kung kailan matatapos ang pakikipaglaban ng Israel sa mga kalabang bansa, hindi natin alam basta ang alam ko parang mahirap talunin ang Israel. Kamakailan inupakan ng husto ang Iran ng Israel at ang resulta plakda ang Iran. Sa ngayon ang Iran ay grabe ang pagmamakaawa sa Russia para tulungan ito dahil talagang grabe ang damage nila. Iyong mga nuclear equipment at iba pang mga gamit pandigma halos mabura ng Israel sa raid na ginawa nila laban sa Iran.

*****

Ang uso ngayon ay hiwalayan. Ako raw ang nagsimula ng lahat kasi medyo matagal na akong hiwalay sa asawa. Ang sumunod na naghiwalay ang Uniteam, hindi pa kumpirmado si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, Dingdong Dantes at Marian Rivera, at iba pang mga matagal nang nagsasama tulad nila Katniel. Ang medyo matindi ang Uniteam dahil sobrang nag-iinitan ng husto at maaaring mauwi sa ibang bagay. Nagpepersonalan pa at maaaring mauwi sa samaan ng loob. Katunayan sabi ni Angara at Binay, ceasefire daw muna dahil imbes na umasenso ang bayan natin lalong nasisira. Sana naman maayos na ang gusot ng mga gobyerno natin dahil imbes na umasenso tayo lalong nagkakagulo. Sana naman ang gobyerno natin asikasuhin niya ang lahat, hindi puro West Phillippines Sea na lang.

*****

Kamakailan, kaliwa at kanan ang mga protesta at nagreresulta ng malaking pagkasira ng buhay nila, tulad na lang ng mga estudyante na pinauuwi sa sarili nilang bayan at iba pang mga tao na nasisira ang kanilang buhay dahil lamang sa prinsipyong kanilang ipinaglalaban. Ang nakakatawa, nagpoprotesta sila sa bayang hindi naman kanila. Halimbawa sa Florida, UK at mga lugar na pinamumugaran ng mga immigrants. Pati tuloy mga taong walang malay nadadamay sa kagagawan ng iba na ang prinsipyo ay baluktot. Ang mga protesta sa ibang bansa ginaganap at nagreresulta sa malaking kaguluhan sa bansang kumukupkop  sa kanila. Kaya ang sabi ng mga taga-UK, go back to your own country, you do not belong to this country. Mayroon pang nagpoprotesta na 1 milyon ang piyansa at pinauuwi na sa kanilang lugar. Parang dito sa atin na ang nagpapalayas sa atin mga Intsik. Kaya ngayon ang mga nagpoprotesta na pro-Palestine bad shot na sila at hihigpitan ang pagpasok sa mga immigrants. Pati tayo damay sa paghihigpit. Akalain mo laking hirap mo makarating lang ng UK, dahil lang sa prinsipyong ipinaglalaban mo maglalahong parang bula ang lahat na pinagsikapan mo ng mahabang panahon makapasok ka lang sa Yale University, sa Harvard at iba pang sikat na kolehiyo at unibersidad.

*****

Sports tayo, sa volleyball. Talo kagabi ang Choco Mucho Flying Titans sa napakagandang laro laban sa champion na Creamline Cool Smashers. Isang set lang ang napanalunan ng Flying Titans, the rest kuha na ng CCS. Ganito kasi ang nangyari: may pumukol ng pipit sa sanga ng isang kahoy at nahagip ang pakpak ng munting ibon, Mamang kay lupit ang puso mo’y di na nahabag pag pumanaw si sisi ko maraming taga Choco Mucho ang iiyak.

Ang 3 sets ay nakuha ng CCS, isa lang ang sa Flying Titans. Ang masaklap pa sabi ng mga taga-CCS, ang batong sinubo ni Darna ay matigas na ipot pala ng manok. Sa linggo ang pagbaba ng hatol at sesentensiyahan kung sino ang talagang champion, CCS or CCMFT?

*****

Ang isa pang hahatulan ay ang nag-iimbistga kung sino si Morales at Jinggoy Estrada. Si Morales marami raw kaso pero walang conviction o si Jinggoy na isang ex-convict? Morales marami ngang kaso pero wala ni isang conviction o si senador na convicted sa kasong bribery?

Bakit kasi ang convicted na senador sumasali pa diyan samantalang ex-convict na. Ibang klase talaga ang mga Pinoy, ang kakapal ng mga mukha!

*****

Sa kalye survey sa katanungang pinapag-resign si DepEd Secretary VP Sara, ang sabi ng mga tao ang dapat daw magresign ay si PBBM dahil sa ito ay nambudol ng mga tao. Pinaasa niya ang mga tao na bababa ang presyo ng mga bilihin pero ang bumababa lang ang mga panty ng mga babae kung ito ay magdudumi. Sinasabi ng mga tao na hindi raw dapat bumaba sa puwesto si Sara dahil wala naman itong nagagawang mali at isa pa hinalal ito ng mga tao kayat hindi dapat tanggalin sa puwesto niya. Iyan ang sabi ng mga tao.

*****

Sa kalye survey naman na nagtatanong kung kaninong administrasyon ang mahusay pamamalakad, isa lang sabi nila: magaling ang admin ni Duterte dahil nawala ang mga kawatan, nawala lalo ang zombie na ngayon ay nagbabalikan na naman mula nang mawala si Duterte. Sinasabi pa rin sa survey na lalong naghihirap ang mga tao. Sinasabing mas mabuti pa noong araw kahit dinaanan tayo ng pandemya, maganda ang buhay natin noon.

*****

Bakit pati si Maricel Soriano nababanggit o nasasabit sa balita na sabit ang Pangulong Marcos, ang saksakan ng gandang FL natin, Sara Duterte, ang PDEA, pati mga retired general at mga PMAer? First time ito nangyari kung saan ang FL parating nasasali sa gulo sa pulitika sa proyekto o sa mga affairs ng gobyerno. Daang kasi mga ambisyoso ang mga Pinoy, pag naupo sa puwesto ayaw nang umalis. Gusto nila habangbuhay kanila na ang puwesto. Ang kakapal talaga ng mukha.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading