TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

PARALISADO NA ANG IRAN, KAGULUHAN SA CHINA

Nalumpo ang Iran nang kumasa sa Israel kanilang labanan. Nasira ang lahat na mahahalagang bagay na panlaban nila (Iran) sa Israel. Nangyari ang lahat ng biglaang sumalakay ang Iran sa Israel sa pag-aakala ng Iran na hindi na gaganti ang Israel. Hindi alam ng Iran na bigla ring gaganti ang Israel. Ang siste, nawasak ng husto ang mga pandigma ng Iran kaya ang magiging style nila lumaban ng ala-gerilya style. Kung kailan matatapos ang babakan ng Israel at USA vs Iran at Russia dahil humingi na ng tulong sa Russia ang Iran, tanging panahon na lang ang makapasasabi kung kailan matatapos ang kanilang sigalot. Kaya daw ginawa ng Iran ang biglaang pag-atake sa Iran ay ang pag-atake ng Israel sa Hamas, Hezbollah at mga Houthis. Sa sobrang pagmamalasakit sa mga nabanggit na grupo, tuloy ang Iran ang nalintikan. Sana tumigil na ang mga siraulong ito na nagpapagulo lang sa ating mundo.

*****

Muling binomba ng water cannon ang mga Pinoy na maghahatid kuno ng supply sa mga Pinoy sa nakaistambay nating BRP Sierra Madre. Walang magawa ang mga Pinoy kundi lumayas at umuwing mga luhaan. Nagsusumbong sa mga Kano at sinasabing na-bully na naman sila samantalang mayroon nang kasunduan ang Pilipinas at China na ang lahat sa South China Sea ay status quo, walang galawan ng maski ano. Pero ang ginawa ng mga Pinoy ay natuklasan ng mga Tsekwa na ang dala ng mga Pinoy ay mga gamit na pangrepair sa nasira nilang BRP Sierra Madre na labag sa kasunduan na dapat status quo lang sila kayat muling tinira sila ng water cannon. Iyong mga lider nating matatapang tulad ni Marcos, Gibo Teodoro at mg senador mga magagaling sa satsat ay umalagwa naman at ang isinisigaw ay giyera kung giyera. Ang yayabang kung alam lang nila kung anong paghihirap ang puwedeng abutin natin sakaling magkadigmaan. Hihinto sila sa kayabangan na digmaan kung digmaan. Ang yayabang talaga ng mga pinutukan ng lintik! Nahalata ko sa mga lider natin sa senado at kongreso parang may mga sayad sa ulo. Pag sumabog ang problema ang hamon na puro digmaan na para bang pagkadalidali ng ngalang digmaan. Puwede rin basta sila ang pambala natin sa kanyon tulad sa mambubudol na nagsabing mumura ang bilihin, bubuti ang buhay ng mga Pinoy at gaganda ang buhay ng bawat Filipino. Pwe, pambubudol pala ang mangyayari! Dapat nga magkagiyera na at gawin natin ang mga siraulong itong pambala sa kanyon.

*****

Palakasan muna tayo at iwan natin sandali ang kahambugan ng ilan sa ating mga lider na hindi mo maintindihan kung may mga saltik sa kanilang kukote. Hindi lahat mayroon namang mahuhusay magtrabaho at hindi puro kayabangan. Ang unang pag-uusapan natin ay ang PVL o ang All-Filipino Conference sa labanang babae. Huwag na munang PBA dahil medyo nakakasawa na. Semi-final ito at ang nangunguna ay Choco Mucho Flying Titans, Petrogaz Angels, Chery Tiggo Crossovers at Creamline Cool Smashers. Unang laban ng CCS at CMFT, talo ang CCS, Unang laban ng CCS vs Petrogaz Angels, talo ang Angels. Nabalian yata ng sungay ang Angel CMFT vs Chery Tiggo. Hindi ko na alam ang resulta at nakatulog na ako. Kung natalo ang Chery Tiggo, adios na sila. Pero kung manalo ang Chery, rumble pa ang bakbakan at matira ang matibay. Subaybayan natin ang ganda ng laban.

*****

Nagkaroon ng trading sa LakersS at pumasok ang malalaking pangalan na sina Trae Young at Kyrie Irving. Kaya malamang sa kampeonato, may mga bagong pangalan na sa Lakers ang papasok o sa another conference pa. Umalis na rin yata si Davis sa Lakers at mayroon nang mga kapalit. Baka ang kapalit si Dagul ng Going BuliIit, aba’y malaki iyon at si Long Mejia o di kaya si Alyssa Valdez ng CCS. Dagul pa rin ako!

*****

Deniece Cornejo at Cedric Lee nahatulang habambuhay na pagkabilanngo sa kasong illegal detention at iba pang kasama nila sa kasong isinampa ng actor na si Vhong Navarro. Matatandaan. atIng masyadong naging kontroversial ang kasong ito dahil sangkot ang nasa showbiz na si Vhong Navarro at mayayamang personalidad na sai Cedric Lee at ang magandang si Deniece Cornejo at gamit ang magandang katawan at magandang mukha.

*****

Balita na nagkakagulo sa Beijing at gusto raw si Xi Jin Ping na patalsikin sa puwesto nito. Sinasabi pa rin sa balita na mayroong curfew sa Beijing para maiwan ang pagkakagulo ng mga tao. Samantala sa Pilipinas naman sinasabing ipinahinto raw ng pangulong Marocs ang dapat malakihang rally sa Bustos, Bulacan.Pero ayaw pa ring tumigil ng mg ralliyista at ngayon lumipat ng venue ang mga rallyista at gaganapin ang rally sa Dumaguete City. Samantala ang mga bakla at tomboy, magra-rally rin daw dahil ang mga bakla gusto maging tomboy na sila at ang mga bakla gusio maging tomboy naman sila. Baliktaran kumbaga. Sinasabing ang mga lalaki ay mga galit na galit bakit daw hindi sila nagkakaroon ng buwanang pagdating tulad ng mga babae. Masyado. raw unfair ito. Bakit nga babae lang, ang sabi ng ilang mga lalaki. Sabi ng mga babae, sana all.

*****

Hangang ngayon mahal ko pa rin si Gabby Concepciom at laking pagsisi ko sa pagpapakasal kay Kiko Pangilinan. Ito ang pag-aamin niya kay Boy Abunda. Sana ay hindi na raw siya nag-asawa muli. Pero hindi inamin na hiwalay na sila ni Kiko Pangilinan. Ganoon pa man halata na ng marami na hiwalay na ang dalawa, Sharon at Pangilinanan. Kayo, ano ang masasabi niyo? Ako, wala akong pakialam sa kanila.

*****

Bakit mahirap pa rin ang Pilipinas sa kabila ng marami tayong likas na yaman? Ako, simple lang ang sagot ko diyan. Marami ang magnanakaw sa Pilipinas lalo na ang mga nagpapalakad ng ating bansa. In other words, napapalibutan tayo ng mga korap na lider. Magmula sa ibaba hangang sa itaas, mga magnanakaw ang nasa gobyerno. Hindi lahat pero ang mabuting iilan lang, pag nakatikim na nagiging masahol pa sa dati.

*****

Apat na beses palang ikinasal si Sen. Raffy Tulfo. Ito ay nangangahulugang apat na beses siyang namatay dahil bago makapakasal ang isang kasal na kailangang i-presumptive death niya muna ang unang asawa niya pero dito lang iyan sa bansang Pilipinas. Ang sa USA iba naman. Kung dito lang iyan sa Pinas, presumptive death sa ibang bansa tulad sa USA, divorce. Kaya magkaiba ang batas kahit na kasal ka sa ibang tao, puwedeng diborsiyohin mo lang, ayos na.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading