TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

TALO ANG CMFT NG CCS SA VOLLEYBALL

Ang ganda ng laban ng CCS vs CMFT o ng Creamline Cool Smashers vs Choco Mucho Flying Titans sa AFC All Filipino Conference Volleyball League. Hindi man lang nakaisang panalo ang CMFT laban sa CCS gayong           tinalo na nila ang CCS sa unang sagupaan nila. Kaya lumalabas na parang pinagbigyan lang sila ng CCS. Pero maghaharap pa silang muli at ganoon din ang Cherry Tigo, muli nilang makakabangga ito at diyan malalaman na natin kung sino ang maglalaban sa kampeonato.

*****

Muling sumlkłab ang digmaan ng Israel vs. Iran nang bigla na lang atakihīń ng Iran ang Israel noong isang araw. Nabahala na naman ang USA sa sitwasyong ito dahil kaalyado ng USA ang Israel. Sa ayaw ng USA at sa gusto, muling gaganti ang Israel tulad ng ginawa nila sa Hamas pero matatandaan natin na kaya gumanti ang Iran bilang pagtatanggol nila sa ginawa ng Israel sa Hamas kaya ang nangyayari ngayon ay ganti-gantihan na lang. Titirahin ang isa, gaganti naman ang inupakan kaya ang nangyayari bakbakang umaatikabo. Paris din sa nangyayari sa Pinas at China, oras na kinanti ang China, papalag ang USA at Pinas na sunud-sunuran lang sa Amerika bilang tagahimod ng wetpu ng mga kanuto. Sa maniwala kayo o hindi, tumitiyempo lang mga Tsekwa at gagawa ng gusto nila pag panahon na at sangkot tayo bilang taga himod ng wetpu ng mga racist na Kano. Naalaala pa ba ninyo ang ginawa ng isang Negro ng pagtatadyakan ang pagkaliit-liit na isang Pinay? Pati mga baboy sa USA, nandi-discriminate na rin. Sorry sa lengguaheng ginamit ko kasi sila ang nag-uumpisa.

*****

Balik tayo sa labanang israel vs. Iran, sabi ko nga kalyado tayo ng USA kaya ang totoo niyan numero unong target tayo ng China pag nagbakbakan ang USA at China dahil number one na alalay tayo ng USA at lantaran pa.In exchange of what pagagamit ng mga pandigma ng Amerika. American interes pa rin kaya ginawa tayong kaalyado. Magaling ang style ng Kano kung titingnan mo, pinoprotektahan tayo, iyon pala sila na mga Kano ang pinoprotektahan. Ang totoo niyan ginugulangan lang tayo dahil maliit na bansa lang tayo at kayang-kayang lokohin sa pamamagitan lamang ng kaunting pabuya o tulong kuno. Kaya tama na hindi nagpauto si Duterte at sinabihan silang “you go to hell you Americans” dahil gusto naman noon gawin tayong alipin. Hindi nagpauto si Duterte, mabuti na lang hindi siya ipinapatay na dati nilang ginagawa basta linalabanan sila. Bakit maraming galit sa Amerika? Dahil sa ugali ng Amerikano na mga mapanlait. Alam ba ninyong ang baba ng tingin nila sa atin na hanggang ngayon ang tingin nila sa ating mga Pinoy ay mga UNGGOY na mga nakabahag pa kaya kung bigyan tayo ng mga bagay na galing sa Amerika ay mga bulok. Saan ka ba naman nakakita na itinuturing nila tayong kaibigan kuno pero bibigyan ng mga gamit pandigma iyong mga bulok at mga gamit na? Ngayon lang nangyari na mga bago ng kaunti ang ibinibigay sa atin bilang kaalyado.

*****

Alam ba ninyo kung saan kayo makakakuha ng mga bully? Madali lang diyan lang sa Upper Hoúse at Lower House ng Kongreso.

Basta sa pag-uusap nila, ipapahiya ka at iinsultuhin ang resource persońs at màya0maya tatawaging gago ungas o slra ulo ang resóúrće persóns at iba pang mga testigo sa hearing ng Senate at Lower House. Nandiyan sila ang nag-iimbistiga, saksakan ng yayabang, mga grandstanding lang naman na akala mo mga tapos ng college pero mga college dropout lang naman at mga nagkukunwaring marunong at magaling. Kaya sa susunod pang hahanapin nyo sila, alam niyo na kung nasaan sila. Kadalasan nakasuot sila ng amerikana pero ang mga bunganga ang sobra magtagalog pero hanggang doon lang. Pero alam niyo, wala nman silang alam gumawa ng batas, nag-eempleyo lang sila ng abogado at sasabihing sila ang author o gumawa ng batas. Mga siraulo din, ano? Pero hindi lahat dahil may mga abogado at nakakaintindi ng trabaho nila tulad ni Pia Cayetano at Allan Cayetano at iba pa na mga abogado talaga. Ang magaling pa rito, mga tsampyon daw sila ng masa at mga naaapi.

*****

Nagkalat daw ang mga estudyanteng tsekwa sa Cagayan de Oro pero hindi naman pumapasok. Imbestigahan niyo lang ng Mabuti, baka turista ang mga iyan at baka magkamali na naman kayo. Ang biglang pagdami ng mga tsekwa sa atin ay maaring may ibig sabihin ang mga iyan at maaaring mga student nga sila. Kaya ingat lang kayo sa pag-iimbgestiga dahil alalahanin ninyong marami rin ang biglang pagdami ng Pinoy sa Taipei at Hongkong, maging sa mainland China. Hindi masama ang pagdami ng mga Intsik dito sa atin, ang masama kung ang pakay nila masama. Alalahanin nating naghihikayat tayo ng mga turista at dagdag yan sa kita ng ating bayan.

*****

Dapat nating malaman na kung marami ang Intsik sa atin, marami rin ang Bumbay at Korean sa atin na kung saan ay nabubuhay ang mga kababayan natin. Ang totoo diyan, tayo pa nga ang nakakasama dahil ginagawan ng masama ng mga kababayan natin ang Bumbay na naghahanapbuhay lang sa atin sa pamamagitan ng pahulugan at pagpapautang. Tayo ang masasama, tinutulungan din nila tayo pero tayo ang nanggagago sa kanila sa halip na maging mabuti tayo sa kanila. Kaya kung puwede lang, imbestigahan ninyong mabuti ang mga dayuhang iyan. Tamang imbestigasyon, hindi iyong panggagago at pangingikil at panggigipit.

*****

Let me finish, stop ka muna, usong-uso ito ngayon kung saan isang senador ang nagmamagaling habang ang isang resource person ay nasasalita. Ipatitigil ang senador na tira ng tira na punong-puno ng kayabangan at kahambugan at ipapahiya pa at pag nagkataon ipapakulong ka pa. Grabe ang pambu-bully at pangga-grandstanding ni senador, parang akala mo isa siyang diyos pati mga batas na naipasa ng kasama niya tinatawag na batas na walang kuwenta at gawa ng bobong mamababatas. Akalain mo nanghihingi siya ng payo sa mga PAO lawyer pero mga bobo daw pala ito. Super yabang at hambog ang senador na ito pati mga pulis, abogado at piskal, mga bobo daw. Sana makakuha ka rin ng katapat balang araw.

*****

Magaling din ang ginagawa ng kasalukuyang admin, inililihis sa usapan ang problema ng bansa. Sa halip na tutukan ang problema sa napakataas na mga bilihin, ang tinututukan ang South China Sea samantalang hindi naman lahat ng Pinoy nabubuhay sa pangingisda, Anong klaseng gobyerno ito hindi marunong magprioritize kung aling problema ang uunahin? Ngayon puro South China Sea at puro pakikipagdigma ang inuuna na akala kaya ang kalaban. Kung hindi sa Amerika ay wala namang sinabi sa totoo lang. Ang layo sa problema natin kung inyong pakalilimiin. Sana  maging makatotohanan tayo pagdating sa isyu na kung saan ay apektado at hindi sa isyung ang makikinabang lang ang kapakanan ng ibang bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading