Tila malabo ang kapanalunan ni Joe Biden laban kay Trump sa ipinakikita ng mga poll survey para sa halalan sa USA. Tila lamang na lamang ang pangit na si Trump sa lahat ng anggulo bukod sa matanda na pero magandang lalaki at hindi napapasindak sa mga kalaban lalo sa China, Russia at maging sino pa at talagang lalo sa Iran, Yemen, Houthis, at mga Hamas. Palaban siya anumang oras at kahit saan ayan si Joe Biden. Siguro dala ng katandaan niya kaya matapang na siyang masyado kaya hindi na natatakot siyang mamatay. Sa mga poll survey talagang grabe ang lamang ni Trump pero huwag tayong pakasisiguro dahil noon lamang si Hillary Clinton kay Trump, iyon pala baliktad, ang lamang pala noon si Donald Trump.
Pag nangyaring nahalal na muli si Biden, magiging maligaya si Xi Jin Ping dahil ayaw niya kay Trump para daw ibon na parrot na sobra ang daldal. At isa pa, mababago na ang hihimuran na wetpu ng mga sipsip sa Kano na mga Noypi. Ano kaya ang lasa ng kay Trump? Siguro parang tsampoy ang lasa at tla masangsang ang amoy?
*****
Gisadong-gisado si Sen. Hontiveros sa mga raliyista laban sa kanya mismo. Ang tira pa naman sa kanya walang pili, personal na personal, akalain mong wala raw moral ascendancy ang senadora. Bawal daw kumabit ang taong may-asawa na. May pagka-Marites ng kaunti ang naging NPA na ito. Ewan kung totoo ang mga sinabi niya dahil kung hindi totoo, sana kumibo na ang taong natutumbok ng akusasyon. Pero totoo man o hindi masyadong personal at iskandalosang masyado. Grabe, parang masyadong galit na galit ang nag-aakusa na tila baga hindi rin siya nagkakamali. Ano kaya, gaano ba katotoo ang mgabintang sa kanya at hindi lang iyan, isa pa iyong sa PhilHealth, grabe iyon, Malaki-laking halaga ang pera sa Philhealth at tila may sabit doon ang nasabing senadora. Tila kasi nagmamadali rin sa buhay niya ang ale?
*****
Wala raw Covid-19, nasa vaccine daw nilalalagay ang Covid at ang lahat daw ay ekspirimento, ang sabi ng isang doktor. Ito ay ayon kay Capt. Valeros ng PMA. In other words, sa buong mundo nabudol tayo. Maski USA ay nabudol din. Lumalabas na ang World Health Organization na pinakasentro ng kalusugan sa buong mundo ay nagmukhang tanga rin sa sakit ito. Hindi natin alam kung gaano katotoo ang bagay na ito at hindi pa tapos ang pag-uusap. Hintayin muna natin ang resulta sa mga pag uusap ng mga taga DOH at iba pang mga concerned agencies.
*****
Wala nang gusto magpa-imbestiga sa Kongreso at Senado, masyado kasing nababoy ang mga iniimbestiga. Karamihan mga matatanda pa at nangangailangan ng respeto pero nabababoy sila sa oras ng imbestigasyon dahil ang ginagawa ng mga kongresman at mga senador puro pabida at grandstanding kaya tuloy nabababoy ang imbestigasyon. Tuloy ayaw nang um-attend ng mga tao dahil ang nagyayari puro pabida at kayabangan ang pinaiiral ng mga senador natin at mga kongresman. Akala mo mga malinis ang mga pinutukan ng lintik kong hindi pa natin alam ang karakas nila. Nabago lang mga mukha nila pero mga buwaya pa rin at kung minsan mga buwitre at mukhang mga limatik pa rin. Parang mga hunyango pabagobago ng kulay. KaIlangan nga muna maligo daw bago magsalita. Ang ibig sabihin marumi ang pagkatao dahil kung malinis maski huwag na munang maligo dahil malinis siya.
*****
Ang sagot ni Biden sa banta ni Putin, laban ang USA sa Russia at hindi sila aatras sa nasabing banta at hindi nila iiwanan ang Ukraine. Kahit na ano ang gamitin nila, nakahanda ang USA anumang oras na harapin sila ng kalaban. Nabanggit din ng Amereika ang pagsapi sa NATO ng Sweden at Finland na lalong nagpalakas sa NATO.
*****
Sa problema naman ng China at Pilipinas, ang sabi ni Biden huwag daw magkamaling galawin ang Pilipinas or else malaking pagkakamali ang gagawin nila. Lumalabas na hindi umuurong ang China sa pag-aangkin nila ng West Philippine Sea. Mayaman ang West Philippine Sea, hindi iyan pag-iinteresan kung walang kuwenta at hindi sila makikipagpatayan kung walang kuwenta ito. At lalong hindi sila maghahabol kung wala silang hinahabol sa kanilang walang sawang paghahabol.
*****
He is committing a big mistake, iyan ang sabi ni Putin sa pagsapi ng Finland sa NATO bilang bagong kasapi ng NATO tulad ng Sweden. Matatandaan natin na sumali na rin sa digmaan ang Sweden laban sa Iran. Lalong dumami ang kasapi ng NATO at lalong lumakas ito kayat ang ginagawa ng Russia ay panay pagbabanta na lamang. Ang masama, ang pinagbabantaan mga buhay na tao at lahat ay kumikilos at gumagalaw. Sa ibang salita, buhay at nakahandang lumaban anumang oras.
*****
Isa pang bansa ang nagdeklara ng digmaan sa vs. Russia: walang iba kundi ang Norway kung saan sumama rin ito sa Ukraine kasama na rin ang mga kasapi ang NATO. Ito na ang nakakatakot na laban dahil maaaring masangkot na ang malalaking bansa na kasapi ng NATO. Kapag nagkatuluyan ang mga malalaking bansang ito sa Europe, malaking digmaan ang magaganap. Ang tanging makakapigil lamang nito ang UN kung pakikingan. Pero mahirap makipag-usap sa taong may saltik ang ulo.
*****
Sampung libong sundalo ipinadala ng India laban sa China para pangalagaan ang kanilang border. Matatandaan natin na magkaaway ang India at China. Kung aalamin natin ang kalagayan ng dalawa, may pinag-aawayan din ito ang bansang Tibet at matindi ang away mila at muntik na ngang pagmulan ng malaking gulo ng dalawang bansa. Kung hindi sa pagpasok ng ibang bansa, puwedeng nagkatuluyan ang malaking gulo sa pagitan ng China vs. India. Sa ngayon nilampasan na ng India ang China sa laki ng populasyon.
