TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

NAGALIT ANG MGA OBISPO SA BALAK NA P.I. NI TAMBA

Grabe ang labanan ng USA-UK vs Iran, Yemen at iba pang Arab countries na kaalyado nito tulad ng mga Houthis, Hezbollah at Lebanon, Irag, Afghanistan at iba pang mga bansa. Ipinalasap ng USA-UK ang lupit nila. Ipinakita nila kung gaano sila katapang at kung gaano sila kalupit sa larangan ng digmaan. Ipinakita nila na hindi sila basta-basta sa larangan ng pakikipagdima anumang uri ng digmaan ito. Ipinakita nila sa buong mundo na hindi basta bastahin lang sa larangan ng laban. Kaya tayo namang loslos ang bayag, kapit tayo sa mga bayag ng Kano sa akalang makakatulong sila sa atin balang araw. Hindi natin alam na ang mga ugali ng mga Kano, basta papabor sa kanilang interes at may makukuhang benipisyo pinapatos nila. Ganyan ka-clever ang mga puti kaya marami ang galit sa kanila. Marami lang pumapabor sa kanila kasi nga magaling silang mang-uto at dinadaan pa sa puwersahan. Isang pangulo ng Pilipinas ang nababoy ang USA at si Duterte lamang hindi siya nagpakatuta sa mga Kano. Sinabihan pa niyang “You go to hell you Americans.” Bakit, mayroon ba talagang hell? Kung heaven, narating ko na nga eh. Ang sarap, ang daming tentasyon?

*****

Kung totohanan ang labanang Marcos-Duterte, mayroon nang totoong oposisyon ang administrasyong Marcos. Ito ay ang labanang Duterte- Macos pero bihira ang naniniwala sa moro-moro nila dahil sabi naman ni Marcos ang Uniteam kailan man ay hindi nabubuwag at hindi mabubuwag. May nagsasabing kung may kahihiyan daw si Sarah Duterte, dapat mag-resign din daw ito tulad sa panawagan na Marcos resign. Sa panawagang Sarah Duterte resign, dapat nilang malaman na hindi suwapang si Sara Duterte dahil ang totoo dapat siya ang pangulo ngayon pero hindi siya swapang pinagbigyan muna ang mga atat na atat maging pangulo. Pero ang sabi ang pangulo ngayon, ang nagpapatakbo ay pangulong babae pa rin. Babaeng hindi kaya-aya ang pagmumukha at walang appeal sa people, pareho daw ni Tamba.

*****

Nagsimula na ang finals, hindi lang ipinakita kung sino ang panalo sa unang bakbakan pero first quarter, una ang SMB at tambak ang Magnolia. Sukat ba namang paradahan ng 6’10 ang isang 6’7 lang, fair ba naman yon? Siyempre ang nakakalamang diyan ang SMB. Kahit sa anong bagay daanin ang laban, talo ang Hotshots. Sa PBA po iyon. Ang tungkol sa PVL, ang laban din nila ay naka-schedule ngayong buwan ng February at maraming intriga at pagbabago at mabibigala tayo bakit si ganito nasa ganoon na at si ganoon ay nakasama na si ganoon. Marami talagang pagbabago at mabibigla ang lahat sa mga pagbabago ng linyada ng bawat team.

*****

Si Floyd Mayweather ay lalaban daw muli, ganoon din si Manny Pacquiao pero hindi maghaharap ang dalawa sa boxing. Sawa na ang dalawa sa boksing kaya napakasunduang kakalabanin nila ay mga tsampyon sa larong walang masasaktan. Ang nakatakdang laban ng dalawa ay sa larong sungka, salgo, larong piko at larong hagong. Ang manalo ay premyong tig-isang buko at matatalo tig isang sampal na malutong pa sa tsitsarong baboy.

*****

Ang labanang SMB at Magnolia ay Maganda, best of seven nga lang kaya matagal malaman kung sino ang mananalo sa kampeonato. Pero ang sinabi ko na unfair ang laban dahil hindi nasunod ang height limit at kung bakit pakitanong lang ninyo kay Commissioner Marcial dahil siya ang Boss ng PBA at alam niyang kabulastagan sa PBA lalo na sa mga kalokohan ng mga player.

*****

Kung katulad sana ni Mayor Sotto ng Pasig ang lahat ng empleyado ng gobyerno natin ay napakaunlad ng ating pamahlaan tulad ng Japan na mga honest ang mga tao, hindi katulad sa mga congressman natin na mukhang commission ang mga pamumukha. Magkaroon lang ng proyektong 500 thousand, 200 thousand na lang ang napupunta sa proyekto dahil ninakaw na iyong 300 thousand kaya todas ang proyekto, todas ang gobyerno. Si Mayor Sotto, pag mali-mali ang nangyayari, ipatutupad niya talaga ang dapat. Sana lahat ng mayor katulad niya walang sinasanto. Ilang taga-gobyerno an katulad ni Mayor Sotto? Isa lang marahil siya, talo mga Pilipino?

*****

Adik daw ang pangulo natin at ito ay pinatunayan daw ng taga-PDEA. Kung ganoon, kumpleto na tayo, may pangulong adik, may siraulong presidente, may presidente na kunwari may sakit, may presidenteng sira-ulo. Magaling, kumpleto na tayo kaya puwede nang matunaw sa kawalanghiyaan ang Pilipinas. Matodas na mga Pilipino dahil ang namumuno, isa ring siraulo.

*****

Sabi ni Villanueva, may tsunami at malakas na lindol na darating. Isa ring nasisiraan ang nagsalita na para bang alam niya ang takbo ng mundo. Ang masama pa, puro masamang mangyayari ang hinuhulaan at walang makakapagpaluwag ng dibdib mo at makapagpaligaya sa mga tao dahil ang hinuhulaan nila iyong matotodas palagi ang mga tao. Hesus Mariang garapon, mga siraulo talaga pare-pareho.

*****

Sabi ng isang oposisyon noon, ang sumira daw kay Marcos Sr. isang Romualdez at ang sisira naman sa isang Marcos Jr.  isa na namang Romualdez. Sabi nga, history repeats itself. Pero paano bang sinira ang mga Marcos noon, eh dati na namang sira, di nga kayang repair para ng iyong ventilador namang tatlong beses ng nirepair, sira pa rin.

*****

Lampaso si Romualdez sa labanang Romuldez vs. Sara Duterte for President at parang pinaliguan ng putik si Romualdez at saka inilublob sa kumukulong tubig at nagmukhang Tambaloslos at wakwak. Wala man lang ka-appeal-appea,l parang papel na nilukot at hanggang pang-toilet na lamang. Kung sabagay, may pakinabang sa kanya ang mga tao, may amoy nga lang.

*****

Maraming nagalit sa People’s Initative na isinusulong daw ni Tamba wakwak. Mismong ang Catholic Bishops Conference nagalit at ayaw nila sa nasabing idea ni Tambawakwak. Ako man, ayaw ko diyan pero kahit anong klase ng pagbabago ang gawin nating sa ating Saligang Batas, dati at dati pa rin ang magagawa diyan dahil puro sariling interes ang nasa isip ng mga buwaya nating kababayan na ang alam lang magpalaki ng kanilang tiyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading