Bakbakan na nang husto ang Iran, Yemen, Lebanon, Syria, vs. USA, England, pati France at iba pang bansa ng NATO at ang bagong kasapi na Sweden. Bakbakan talaga nang husto at walang titira ng buhay. Sabihin na ninyo ang gusto ninyong sabihin pero ang mga ambisyosong ito nagpapakamatay lang. Sukat ba namang kalabanin nila ang USA at England, di ba suicide ang ginagawa nila? USA lang tapos na ang kuwento, kasama pa ang UK? Kaya pagpapakamatay ang laban ng Iran at Yemen. Superpower ang kalaban at talagang maingat at maituturing ngang pagpapakamay dahil wala pa silang kakayahang labanan ang isang superpower tulad ng China at ng Russia. Pero niyayabangan ng Pinas, parang kaya natin. isang tuldok lang ng kalaban at isang araw lang tapos na tayo. Ano kaya niyayabang natin? Baka nasisiraan na rin tayo ng ulo at gusto na rin natin mag-suicide? Puwede sila lang mga lider nating siraulo, huwag lang isasama tayong ang gusto kapayapaan.
*****
Hindi pa nga natatapos ang Russia vs. Ukraine, ito na naman ang Israel vs. Hamas, Iran vs. USA at Uk at France vs. Yemen, Houthis, Lebanon at Saudi Arabia vs. iraq vs. Pakistan at iba pang Arab nations kontra USA. Sa bandang huli, ang labanang ito mauuwi sa World War at ang kawawa naman nito ang mga sibilyan na wala namang kinalaman sa kung ano ang pinag-aawayan at nasasangkot sa away ng mga lider na siraulo at sariling interes lang nila ang may kinalaman. Masakit isipin na mga sibilyan nasasangkot gayong wala namang kinalaman sa away ng siraulong mga lider. Sana mamatay na lahat ang mga lider na mga may diperensiya ang utak na tanging pakikipagdigma ang alam at sabit ang mga civilian. Kaparis ng mga siraulo nating mga lider na pakikipag-away lamang ang alam, na ni hindi magawang mapababa ang presyo ng mga bilihin.
*****
Labanan na naman ng SMB vs. GSM at Magnolia vs. Phoenix LPG. Panalo Magnolia kontra LPG at GSM kontra SMB. Best of Five ang mga teams na magbabakbakan at walang uuwi ng may bulak sa ilong, hindi kagaya ng USA-UK vs Iran at Yemen. Pag-uwi ng ilan sa kanila, tiyak pantay mga paa nila at may mga bulak pa ang mga ilong. Sa labanang Magnolia vs. LPG, tiyak lang na may uuwing luhaan pero ang mga paa nila mataas ang isa. Hindi naman nagpapantay tulad ng labanang USA-UK vs. IRAN vs Israel. Good luck sa mananalo at condolence sa matatalo lalo sa mga siraulong lider.
*****
Ngayong buwan ng Pebrero naman ang bakbakan ng PVL na punong-puno ng intriga. Mayroong mga buntis, may dahil sa pag-ibig kahit ang totoo mga tomboy ang nakakarami sa kanila at ang gamit nila espada at lumpiang shanghai. Paano kaya yon nagbuntis gayong ang gamit nila espada ang iba naman lumpia sa lumpia at mind you nakakabuntis pala? Ang maganda bareta ang gamit pero nakakabuntis kaysa naman ang gamit lumpia vs lumpia pero lumalaki ang tiyan. Tiyak may anomalyang nagaganap iyon at kawawa ang may lumpia. Biro ko lang ang mga iyon at wala akong masamang ibig palabasin. Sorry po!!
*****
Kumikilos na raw ang chess board ni Digong dahil magaling daw ito maglaro ng chess. Pero talo yan sa akin si Digong, dalawang move ko lang, mate na ako. Tatlong move ko, puso ang tama ko, iyon naman kung hindi ako iilag at hindi na gagalaw. Magaling akong umilag at magaling din ako sa galawan lang. Laging nakahiga simula ng ma-stroke ako kaya pirming puso tama ko, mate palagi. Ngayong 2025 malalaman natin ang galing ni Digong sa pulitika kung mananalo pa ang otso diretso punta sa inidoro niya.
*****
Ano kayang nangyari at magkalaban ngayon ng Pakistan at Iran gayong dati magkaibigan ito pero ngayon bakbakan na sila kasama ang USA. Bukas siguro kalaban na rin natin ang Malaysia kung hindi maaayos nang husto ang gusot ng dalawang bansa na matagal nang hindi nagkakasundo tungkol sa isang maliit na isyu. Pero sa iba, malaking isyu ito at ang sabi ng iba, hindi basta isyu ito at ang nasabing isyu ay puwedeng pagmumulan ng malaking digmaan kung hindi mahahawakan ng totoong tao. Marami kasing tao na gusto lang sumikat at sinasamantala lang ang lahat.
*****
Umiinit na rin pala ang pulitika dito sa ating probinsiya. Ayon sa balita kumpirmadong tatakbong muli bilang congressman si dating diputado at congressman Cesar Sarmiento at ganoon din ang mayor ng Virac, padeng Sammy Laynes at ilan pang kalaban sa pulitika. Sa governor naman, walng mangahas lumaban kay Vice Gov Boss Te. Ang babangga daw tiyak na giba. Samantala balita ring sasabak pagkamayor ng Virac ang Joseph Cua. Sino kaya ang lalaban sa higanteng pulitikong iyan?
*****
Balita ko wala na ang ICC na mag-iimbistiga sa mga Duterte. Ang lumulutang na lang daw Trillanes, de Lima at ilan pang mga dilawan na mga luhaan at hindi nangyari ang inaakala nilang mangyayari at pagpipistahan sana ng mga dilawan. Ngayon pala nawala ang lahat at luhaan na naman ang mga kulay dumi. Kawawa naman sila at pinagdidiskitahan ang pangulo ng bansa na hindi raw nag-cooperate sa ICC. At ang sabi pa nanganganib ang buhay ng pangulo dahil siguro hindi nag-cooperate sa mga multong taga ICC.
