TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

PVL AT PBA

Pag-uusapan natin ngayon ay tungkol naman sa palakasan (sports) tulad sa mga star player natin sa larong volleyball (women) katulad ni Alyssa Valdez, Bea de leon, Myla Pablo, Faith Nisperos, Pongay Gaston, Deanna Wong, Jema Galanza, Tots Carlos, Bernadette Pons, Ced Domingo, Vannie Gandler, Den Den Lazaro-Revilla, Pangs Panaga at marami pang iba. Ang pag-uusapan natin ngayon kung ano na sila, nasaan na sila at kung anong team na may hawak sa kanila ngayon o kung naglalaro pa ba sila ngayon kasi mayroong lumilipat sa Japan at mayroon ding team na na-disband na pero ang maliwanag lumilipat sila sa abroad para sa ambisyon nilang malaking sahod sakali mang mag-retire na sila.

*****

Uunahin natin si phenom Alyssa Valdez. Balita ko sa ngayon, pangunahin pa rin siyang player ng kampeon na CCS. At ang mga kasama ay ang dati pa ring mga player na nagkaroon lang ng pagbabago ng magka-ambisyon ang isang player nila na iwan ang CCS para sa isang ambisyong hindi nagtagal ay pumalpak din naman. Kaya hindi na siya nakabalik dahil meron na kaagad siyang kapalit at hindi na siya puwedeng bumalik. Si Jema Galanza naman, steady lang siya sa CCS, maging si Tots Carlos, Pangs Panaga at iba niyang kasamahan sa CCS walang galawan. Sabi ngani sato, dae nagpaparahiro basta laban lang. Balita ko ang sister team ng CCS na CMTF, isa ring team na nagkakandarapa na talunin ang CCS, isa ring team na hindi magalaw kundi trabaho at bira ng bira anumang oras at anuman ang kalalabasan basta fight walang atrasan. Isa pa ang Akari Chargers, bago pa ito pero may potensyal na magkampeon balang araw. Sa susunod ibang team naman ang tatalakayin natin at meantime ibang laro naman ang bibigyan natin ng pansin.

*****

Lipat naman tayo sa larong paborito ng mga Pinoy, bata man o matanda. Marami ring Marites ang nasabing laro lalo katatapos lang ng Asian Games kung saan nagtsampyon ang Pinas at naging controversial ito na gawa ni Yao Ming na lumalabas na Marites pala. Sa ngayon, balik PBA na si Justine Brownlee pero balita ko ay may hinihinging pagbabago si Justine na ayaw ng pagbigyan ng PBA kaya siguro maantala muna ang kanyang pagbabalik sa PBA. Ganoon pa man patuloy ang Commissioner’s Cup at ito ay dominado pa rin ng Magnolia Hotshots kahit may dalang talo na ito pansamantala. Nangunguna pa rin ang team ni Tyler Bey at ang Barangay Ginebra at San Miguel Beer at TNT may mga bitbit na kartadang twice-to-beat advantage. Hindi pa natin alam kong sino maghaharap sa championship pero hindi natin matiyak kung sino dahil may magagagaling na import tulad na lang ni Miller ng Bolts at ng iba pang team. Hindi pa natin masasabi kung sino ang mahusay talaga hindi pa nagsisimula ang championship. Antabayanan natin ang susunod na kabanata.

*****

Ang pag-uusapan naman natin ngayon ay ang tungkol sa mga buwaya. Ang dami kasi nito sa Kongreso at ang gaganda ng mga kulay nila at paiba-iba pa.  Totoo, ang babaho nila kasi nga bagaman at nasa tubig sila diyan sila natutulog, diyan sila dumudumi. May pagkababoy din pero disente sila sa mga amerikana. Minsan nakabarong pero may mga oras na bastos sila lalo kung nag-imbita sila ng mga resource persons. At saka titingnan mo ang gagaling nila pero kung tawagin sila ni Kit Tatad, mga bobo kasi ang alam lang nila mag-cite in contempt sa mga resource persons nila na ayaw mag-reveal ng isang tao na maaaring magpahamak sa kanya. Kaya ang tawag sa kanila ni Kit Tatad na isang batikang journalist ay mga bobo.

*****

Kamakailan, ibinunyag din na ang isa sa kanila dating driver lang ng isang pulitiko pero akala mo kung sino nang magaling na pulitiko, driver lang pala. At may congresman din daw na nagbibigay ng baril sa kalaban ng gobyerno. Ganyan ang mga congressman natin, hindi mo na mapagkakatiwalaan. Kaya pala ang tawag sa kanila ni Atty. Tolentino, mga bastos, namemersonal na. Iyan ang klase ng ma congressman natin ngayon. Ang huhusay ng mga buwayang ito. Sana dumami pa sila para matodas na ang lahing Pinoy.

*****

Babaguhin daw ating Constitution. Kalokohan! Hindi na ito mababago. Ang political dynasty ay hindi na mababago iyan at iyan din ang lalabas diyan: dati. Pagkatapos ni Marcos, papalit ay isa pang Marcos at pagkatapos ng Marcos, isa pang Marcos hanggang matapos ang mundo. Marcos ay mananatili dahil iyon ang nasa batas natin na gawa ng mga buwaya na gustong manatili sa puwesto at manatili habang buhay at nagpapasa sa  buhay habang nasa mabuti silang kalagayan. Ang problema political dynasty, partylist na walang kuwenta, hindi nagsisilbi kung sino siya at kung ano siya? Mga dayuhan puede nang magmay-ari ng lupain natin kaya darating ang araw ang mga Koreano ang magmay-ari ng mga lupain natin balang araw.

*****

Ngayon lang nangyari ito sa atin kung saan lahat ng pambababoy ginagawa ng Kongreso, upper and lower house. Minumura ang mga resource persons, binabato ng ballpen mga resource persons, tinatawag na gago, ulol, bobo at kung ano-ano pa na nakaka-degrade ng iyong pagkatao. Akalain mong abogado ka, tatawagin kang gago ng isang senador na hindi nga nakapagtapos ng apat na taong kurso. Sobra talaga ang kawalanghiyaan ng mga naka-amerikanang buwaya. Senador nga lang at kongresman pa at mga nakabarong at kung minsan ang init masyado, nakaamerikana pa. Kailan kaya matotodas ang mga buwayang ito? Pag sa Kongreso ang usapan, bastusan na.

*****

Bawal na palang hindi mo i-reveal ang source mo dahil kung hindi, ipakukulong ka sa Kongreso dahil sa hindi mo pag-reveal ng source mo kahit nagtatanong ka lang o kahit pa ikaw ang tinatanong. Ganyan ngayon kalupit at kawalang-alam sa Kongreso ang mga buwayang nakabarong kaya mga kabaro, mag-iingat kayo dahil sabi ni Kot Tatad mga bobo raw mga buwaya diyan?  Mag-ingat lang kayo!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading