Sobra nang magulo ngayon sa Kongreso. Ang kaguluhang ito, sa maniwala kayo sa hindi, ay kagagawan ng mahiwagang kamay na siyang may hawak sa gobyerno natin. Hindi niyo lang alam dahil hindi natin nakikita pero ang totoo pinaiikot lang tayo sa sariling kamay nila. Bakit malalakas ang loob ng mga taong nasa Kongreso? Simple ang sagot: may mga tao sa likuran nila at ginigisa tayo sa sariling mantika natin. Hindi ko sasabihin sa inyo kung sino sila pero malalaman ninyo balang araw. Grabe ang Kongreso ngayon, kulang na lang ang circus band at tunay na circus na. Nakakahiya, pagdating sa pondo nagkakagulo at kanya-kanyang hakot, walang lingon-lingon or else kawawa ka. Basta huwag niyo lang kakantiin si Tamba at kikilos ang buong galamay niya. Very powerful ang speaker, akalain niyo hindi siya gumagalaw, pero ang mga galamay niya kilos lahat. Ni isang salita sa mga kumakalaban sa kanya, walang sinasabi maski pabulong man lang, magpasa ng papel wala, basta tikom lang ang bibig niya. Tanging galamay niya lamang ang gumagawa ng ingay.
*****
Kulong ang dalawang taga-SMNI na si Ka Eric at Dr. Lorraine Badoy, ang mga tagapagtaguyod ng kampanya laban sa mga salot na CPP-NPA-NDF. Dito ay ibinulgar nila ang budget ng speaker na umaabot sa dalawang billion pero hindi ibinulgar kung sino ang source, later ang source ay umaming siyang source (Jay Sonza) at matapang siyang humarap pero walang sagot ang Kongreso sa kanya. Samantala si Ka Eric at Badoy ay nagharap ng pettition sa SC at hindi pa sinasagot ng SC ang tungkol dito. Si Ka Eric at Badoy samantala ay nananalig sa batas na gawa nila pero hindi nila ito pinaniniwalaan at tanging batas nila ang sinunusunod . Ang batas nila ay gawa ng Kongreso per wa epek ito sa mga kongresista.
*****
Merong blogger na ang pangalan ay Sass ang naghahamon sa mga kongresista na ipatawag siya sa sesyon pero aywan ko lang kung bakit hindi siya ipinapatawag gayong handa iyong tao na sabihin ang lahat nalalaman niya tungkol sa mga transaksyon ng mga kongresista. Natakot ba silang mabulgar ang mga ginagawa nila? Come on, ipakita nyo ang tapang ninyo? Kung malinis kayo, tingnan natin ang linis ninyo? Patunayan ninyo na hindi kayo bulok tulad ng paratang sa inyo ni dating pangulong Duterte na ang Kongreso ang pinakabulok na institusyon sa buong bansa.
*****
Niligwak ng De La Salle ang UP sa huling laban ng dalawa. Mabigat ang laban at masasabi nating ang laban ay isang Classico. Una, pinanood ito ng may 25 libo katao kabilang doon ang boyfriend ng anak ng dating Pangulong Duterte na si Evan Nelle. Ang anak ni Duterte ay si Kitty Duterte at ito ay isa sa mga nanood at nagsuporta sa laban ng La Salle. Ang ganda kaya ng laban at mapapainda ka pero kung taga-UP ka sasabihin mong mananalo ang UP dahil karamihan ng oras UP ang lamang bandang huli nga lang medyo kinakapos na sa oras ang koponan ng UP. Congratulations sa La Salle at ganoon din sa UP kung saan napakaganda ng kanilang ipinakita sa nasabing laro.
*****
Halos maiyak si Kim Jong Un ng North Korea sa pagmamakaawa na magkaroon ng babies ang North Korean lider dahil marahil sa kulang na ang mga bata sa nasabing bansa. Siguro gumaya rin sa China kung saan ang mga babae nilimitahan ang mga mag-asawa hangggang sa dalawang anak lamang at kung sumobra sa dalawa mayroon na sailang multa o kaparusahan. Aywan lang kung ano ang kaparusahan ganoon din siguro ang sa North korea. Pero ngayon ang hinihingi ng North Korea dumami ang mga babies sa kanilang bansa. Siguro puwede rin sa atin dahil sobra nang dami ng bata. Hindi pupuwede dahil sa paniniwala natin masyado sa religion na masyado tayong napakapit dito at naniniwala ang iba na ang paghihirap natin ay gawa ng mga paniniwala natin.
*****
Ang isa pala sa congressman na nag-iimbistiga kina ka Eric at. Lorrainne Badoy ay maraming kaso sa Ombudsman. Iba talaga pag congressman ka, masyado kang makapangyarihan. Kahit na may kaso ka na sanga-sanga pa dahil congressman ka at wala pang desisyon ang kaso mo, basta malakas ka sa speaker hari ka pa rin. Iba ang patakaran ngayon hindi na sila sumusunod sa batas na ginawa nila noon. Ang batas noon bale wala na.Tulad ng Sotto law na bitbit nila ka Eric at Badoy bale wala na iyon, may sarili na silang batas ngayon.
*****
Pact with the devil ang pinirmahan ni PBBM sa mga rebelde, ani VP Sara ng DepEd. Ayaw kasi ni VP Sara ng peace talks dahil nga naman panloloko lang daw ito. Matatandaan natin na marami ng peace talks noon pero ang nangyayari ay nagpapalakas lang ng puwersa ang mga kalaban ng gobyerno at ang nangyayari balewala ang kapayapaang pinag-usapan. Pero iba ang kay PBBM, makipaglaro daw sa mga demonyo na ayaw naman ni VP Sara. Mahirap yatang kalaro ang demonyo, baka maging demonyo ka rin.
*****
Ibang klase si Speaker pag budget season. Matapang na parang tigre, talo pa ang kanyang pinsan na pangulo ng republika . Pero pag-ubos na ang kuwarta ng tao, tiklop tuhod na naman at hihintayin ng dumating ang pagdating ng bagong budget at para nanamang mga kokak na maiingay ang Upper at Lower House. Panahon na naman kasi ng pagwaldas ng pera ng bayan. Magta-travel na naman si presidente at kasama ang sangkaterbang miyembo ng gabinete at ang Kamaganak, Inc, Waldas na naman ang kuwarta ng bayan at maghihintay na naman ng wawaldasin sa susunod na budget. Maglalabasan na naman ang palakang kokak at malalaking buwaya na malalaki ang bunganga.
*****
Ang giyera pala sa Ukraine at Russia ay patuloy pa rin at hindi pa natatapos. Paris din ng giyera sa Israel at Hamas at ngayon ang giyera ng US vs Iran, Israel vs Hesbollah at Iran, Israel vs. Yemen at iba pang nakikisawsaw na wala namang kakayahan tulad ng Hamas. Sa totoo lang, lahat ng bansa magtulong-tulong pa sila at gumamit pa sila ng nuclear weapon wala silang binabat sa mga Pilipino…Tingnan ninyo ang liit liit na bansa natin gusto labananan ang China akala mo kung kaya ang China na ang liit liit naman. Ni hindi tayo aabutin ng isang araw sakop na tayo pero ang lalakas ng loob ng mga lider natin na akala mo tatagal ng pakikipaglaban ng mga isang buwan. Ang totoo niyan isang linggo o baka tatlong araw lang sakop na tayo considering na ang China ay isa sa mga may pinakamalakas na army sa buong mundo.
