TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

HUWAG MUNA MANIWALA SA 13th AT 14th MONTH PAY KUNG HINDI NYO HAWAK ANG PERA

Nakakatakot ang sitwasyon natin sa ngayon. Ang init ng ulo ng mga lider natin, akala mo ba merong ibubuga. Akala mo kaya makipagsabayan sa mga kalaban. Akala mo kaya ang mga kalaban, na ang totoo pag oras na andiyan na ang kalaban hihingi ng tulong kay Tiyo niyang Sam kasabay ng pagsusumbong na parang bata na inagawan ng candy. Nakakahiya ang yayabang, hindi naman pala kaya ang kalaban. Puwede naman kunin sa pakiusap, kayabangan ang paiiralin. Pakikiusap kay Tiyo Sam sabihing inaapi raw siya ng mga kalaban. Ang hanap giyera at gusto pa ng mga lider natin maghanda ang mga Pilipino at makikipagdigma tayo. Parang pagkadali-dali ng pakikipagdigma. Akalain mo ang yayabang, wala namang ibubuga, mahagad man sana ning kasurog. Ang kalaban isa ring hindi sumusunod sa batas internasyunal at may sarili ring batas na sinusunod. Paano na lang ang dapat ginagawa sa mga ganyan, pasensiya at pangunawa dahil ang kalaban mga mahina ang utak at uto-uto pa. Saan ka nakakita kung hindi ba naman mga uto-uto ang mga iyan. Hindi sumusunod sa international law at tanging batas nila ang kanilang sinusunod at walang pakialam sa batas na sinusunod na buong mundo. Mahirap yan at tanging  pangunawa ang kailangan diyan at pagpapakumbaba. Diyan natin masusubok ang talino ng isang Filipino sa isip, sa salita at sa gawa, hindi puro ngawa.

*****

Sabi ipapa-impeach daw si VP Sarah Duterte? 32 milion ang Filipinong bomuto sa kanya tapos iimpeach lang? Kaya niyo kaya? Dahil ba sa hindi ninyong mapababa ang presyo ng mga bilihin, si VP Sara ang inyong pagbibintangan? Baka nagkakamali kayo ng napagbalingan? Baka hindi nyo alam kung sino ang pangulo ng bansa? Siguro bago kayo gagawa ng aksyon laban kay VP Sara ay tingnan nyo muna kung sino ang mga salot ng lipunan at kung sino ang responsable kung bakit nawawala ang mga salot ng lipunan. Matuto tayong alamin ang lahat ng bagay kung bakit nangawala ang masasamang elemento ng lipunan, hindi basta tayo tira lang ng tira kahit hindi natin alam ang dahilan at bakit nagwawala ang mga tao? Matuto naman tayo, hindi iyong basta lang tayo magwawala kahit hindi natin alam ang puno at dulo? Sa totoo lang hindi natin alam kung bakit bumalik ang masasamang elemento ng lipunan. Dapat bang isisi yan sa ating pangalawang pangulo o dapat munang dapat sisihin ang namumuno ng bansa dahil siya ang ama-amahan ng buong mga Filipino, hindi ang pangalawang pangulo o ang mga Makabayan bloc? Matuto na tayo bago maging huli ang lahat.

*****

Laya na raw si dating senador Leila de lima. Ngayon mayroon bang nabago sa mga Filipino? Bumaba ba ang mga bilihin natin? Gumanda ba ang buhay natin dahil sa paglaya ni de Lima o wala namang pagbabago? Ang nagbago lang ang buhay ni de Lima dahil temporaryong malaya siya pero ang buhay ng mga Filipino walang nagbago? Ang totoo, mahirap pa rin tayo ang problema kung papaano natin lulutasin ang problemang ito na ang mga namumuno sa atin, lalo na ang kongressman at mga senador puro mga mayayabang at mga magnanakaw pa. Sabi nga ni dating Pangulo PRRD, ang pinakabulok na institusyon ng bansa ay ating Kongreso, Upper at Lower House. Siyempre hindi lahat pero majority sa kanila bulok talaga. Kaya kung inaakala ninyong nakabuti sa bansa ang paglaya ni de Lima, wala man lang akong buting nararamdaman.As in wala ang naramdaman ko.  Dadami ang kabit ng mga biyuda at mawawalan ng asawa. Biro ko lang.

*****

Ang pinaka-popular ngayon na pangalan ay si Tambaloslos, kung saan ito nagmula at kung papaano ito nagsimula hindi ko alam. Ang alam ko kontrabida ito katulad ni Paquto Diaz, Rez Cortez, Tom Olivar at marami pang iba. At balita ko ito raw ang Contrabida at itong si Tambaloslos ang numero unong contrabida. Balita ko pa rin na ito raw ang magpapa-impeach kay VP Sara kasama ang Kamatayan bloc. At ito rin daw ang pasimuno para labanan si VP Sara sa panguluhan. Tambaloslos iboboto. Oo na at hawak nila ang pera ng bayan na kahit wala kayong resibo makukua ninyo. Ang tanong ibobo ba kayo ng mga iyan? Kuwarta mo lang, Tambaloslos, ang kailanqan ng mga kunwari kaalyado. Pag oras ng eleksyon, maski isa wala na. Limot ka na may panggastos na sila sa sarili nila. Remember what happened to de Venecia, what happened to Mar Roxas, halos lahat ng kongresman at mga senador at gobernador kanila pero butata silang lahat kay Duterte. Hindi kailangan ang mga kongresman, senador gobernadora, ang kailangan ang mga tao. Matuto na tayo ng simpleng addition at haluan nyo na ng kaunting multiplication. Ang resulta niyan Tambaloslos.

*****

Ang puwedeng pagmulan ng pandaigdig na digmaan ang Israel vs Hamas, Ph Vs China, Ukraine vs Russia at iba pang sigalot kung saan sangkot ang mga superpower tulad ng Russia, China at Amerika. Ang ating bansa palaging nasasangkot dahil sa pagiging sipsip nating sobra sa Amerika. Sana huwag tayong sipsip masyado dahil anumang sobra ay masama. Dapat balanse ang pagsipsip kung puwede sipsip ka sa lahat iyong hindi halata. Ang dating mabuti ka sa lahat para sa ganoon walang gulo. Iyan ang trabaho ng mga taga-foreign affairs. Ang hirap, puro kuwarta nasa tuktok ng mga opisyal ng gobyerno natin. Ang daming kurap. Sabi sa Indnesia KORUPSI. Ang daming buwaya sa atin kaya kahit sinong pangulo ilagay mo diyan sa Malacanang hindi mawawala ang mga buwaya sa atin. Hangga’t ang polical dynasty ay hindi nawawala sa atin, hindi mabawasan ang korapsyon sa Pilipinas. Ang hirap sa atin lahat pulitika. Pulitika sa umaga, pulitika sa tanghali hanggang hapunan kasama pa tatlong snack.

*****

Matindi ang bakbakan ni Sen. Cayetano at Raffy Tulfo sa senado. Ang hirap lang niyan si Cayetano ay abogado at si Tulfo hindi nakapagtapos ng college. Ang hirap diyan pumatol ka sa hindi tapos kaya kung lalabanan mo ang hindi tapos, lugi ka at pumatol ka sa isang undergraduate. Ang problema ang isang hindi tapos kung umasta akala mo alam lahat ng bagay kaya mapipilitan kang lumaban baka namang sabihin na walang binatbat ang tapos ng law gayong ang kalaban hanggang 3rd or 4th year college lang. Mahirap talaga ang laban lalo ang kalaban mo all-knowing na parang alam ang lahat at tanging sinusunod lang sarili niya walang pakialam sa iba. Pag naumpisahan magsalita, wala nang makakapigil sa kanya at siya lang ang bida. Sa ibang salita pabida dahil nasa harap ng camera kaya kung nakakaintindi kayo magsolicit tayo para tayo ay makabili ng camera. Okey, di ba ang suggestion ko?

*****

Nakakatawa bakit mas marami ang kampi kay VP Sara kay sa kay Tambaloslos kung sinuman siya. Sayang, masyado pang malayo ang eleksyon sana maganda ang bakbakan. Makikita kung sino si Tambalolos at kung paano siyang lulumpuhin ng isang Agila papunta sa taas at ihahampas pababa. Matitikman niya kung paanong lulusawin ang ambisyosong taong hindi marunong ng taong dapat tanawin ng utang na loob. Na hindi maililibing sa libingan ng mga bayani kung wala ang mga nakipaglaban para malibing ang kanilang apo lakay. Malaking utang na loob yon at kung sa akin yon kahit buhay ko ipagpapalit ko. Iyon ay kong may konsensiya ka kong wala nararapat kasama mo lang si Tambaloslos.

*****

Maraming nagtatanong kung totoo raw iyong cash gift at 13 at 14th month pay. Sa mga nagtatanong, hanggat hindi nyo pa hawak ang pera, huwag kayong maniniwala dahi puno lang kasinungalingan ang gobyernong ito. Iyong bigas ngang 20 pesos wala pa? Puno ng kasinungalingang pag hawak nyo na ang pera, ibili nyo kaaga baka mabawi pa sayang din naman.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading