Mahirap kalabanin ang bansang hindi kumikilala ng Diyos, walang pakialam kung sino ang mamatay. Walang pakialam kung ano ang kahihihatnan ng buhay ng mga tao. Basta ang kanya ay matodas ang kalaban. Iyan si Vladimir Putin ng Russia. Ang hangarin niya maubos ang kalaban. Wala siyang pakialam kung maubos ang mga tao. Ang mahalaga maubos ang kalaban. Ngayon ay nagkalintiklintik na, nagkakaubusan na sila at milyon-milyong tao ang nauubos dahil nga sa walang kinikilalang Diyos.
*****
Hanggat hindi nauubos ang lahi ni Putin at kasama niya na walang kinikilalang Diyos, marami at marami ang mamamatay sa digmaan ng mga Russo at Ukrainians. Hanggat walang nagpapakumbaba sa kay Putin at Zelenski, magkakaubusan sila ng lahi. At buong mundo ay madadamay. Tayo-tayo ay magkakamatayan, buong mundo ay madadamay at lahat ay magiging krimiminal dahil sa kagagawan ng mga taong hindi kumikilala ng Diyos at kahalagahan ng buhay ng tao. Sa ngayon ang giyera ay patuloy, Russia vs Ukraine sa dahilang may nagpapalakas ng loob nila. Iyan ang tunay na Balance of Power. Ang Russia ay hindi magiging malakas kung hindi rin magiging malakas ang Amerika. Patas ang laban. Ang Russia ay sa Russia, ang Ukraine ay sa Amerika at mga tuta.
*****
Isa pang bansa ang hindi naniniwala sa Diyos ang maaaring magpalubog sa magandang mundo natin. Iyan ang China na ngayon ay kumikilos para gumawa ng gulo sa rehiyon natin. Akala siguro magaling na sila. Marami talagang namamatay sa maling akala. Hindi nila alam na ang akala ay akala lang, hindi pa nagiging katotohanan. Akala siguro malakas na rin sila. Hindi nila alam ang maling akala, lalo na ang kalaban ay Amerika na wala pang tumatalo sa kanila sa pagiging magulang nila sa lahat ng bagay sa mundo.
*****
Ang masama, pati tayo na madalas binubully ng China ay madadamay sa kalokohan nila. Paano na lang ang liit natin at napakadali nating tirisin kahit anong ora? Isang bansa pa na hindi naniniwala sa Diyos na ang tanging Diyos nila ay ang lakas nila sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan. Tagilid talaga ang mundo natin sa mga bansang ito na iba ang paniniwala. Ang kanila ay ibang paniniwala at hindi mo puwedeng baguhin magunaw man ang mundo natin. Katulad sila ni Joma Sison na ang paniniwala, sabi ngani sato, dae sa hulog, Sasabihin talaga natin ipasa-Diyos na lang natin ang lahat.
*****
Pag-usapan naman natin ang hindi mabigyang solusyon tungkol sa hazing na kikilos lang ang gobyerno natin pag may namamatay at nadidisgrasyang mga tao. Pag wala, wala tayong pakialam at hindi kumikilos ang gobyerno natin. Pag may namatay, nagkukumahog sila at parang mga sira para gawan ng solusyon ang lahat pero wala naman. Ang dami ng batas na ginawa ng mga mambubutas ng sllya pero dati pa rin, walang nangyayari. Panay pa picture lang ang mga punyeta pero ang lalaki ng sahod ng mga defutah. Ang kakapal ng mukha Ninyo, hindi na kayo nahiya, mga buwaya! Magaling lang kayo pag naglalabasan ang proyekto na puro naman ampaw ang pagkakagawa.
*****
Ang isa sa sangkot sa hazing ni John Matthew Salilig ng Tau Gamma Phi ay namatay na raw at hindi alam kung ano ang ikinamatay. Ang anim na sangkot pa raw ay sumuko na ayon sa balita. Sumuko hanggang diyan na lang iyan. Wala nang mangyayari diyan. Kahit anong kaso pa isampa nyo diyan, walang mangyayari. Hanggang diyan na yan at wala nang mangyayari pa. Ganyan ang uri ng hustisya sa atin, puro kalokohan at kawalanghiyaan. Kaya maraming nawawalan ng tiwala sa klase ng hustisya natin. Kaya dumadami ang NPA dahil sa kawalan ng tamang hustisya. Gabos na sana dae sa hulog ang labanan.
*****
Tuloy na ang moro moro sa Kongreso tungkol sa Charter Change. Aminado naman ang lahat na may dapat baguhin sa ating Saligang Batas. Tungkol sa pamumuhunan ng mga dayuhan, tungkol sa pulitika lalo na ang tungkol sa political dynasty at ilan pang dapat baguhin. Pero may mababago naman kaya, na ang gusto ng mga pulitiko natin siya ring nangyayari at siya ring nasusunod? Maganda na iyong panukala ni Justice Puno pero binalewala lang kasi mawawala ang abuso ng mga pulitiko at mawawala sila. Sa mga pulitikong mga suwapang at uhaw sa kapangyarihan, ayaw nilang mawala yan maski anong mangyari mag-Constitutional Convention man o Kongreso ang gumawa ng Saligang Batas, parehas lang iyan.
*****
Tingnan ko kung mangyayari ang gusto ni Sen. Robin Padilla? Baka hanggang paguwapuhan lang ang alam niya tulad ng ibang artista diyan na taga-butas lang ng silya sa Senado. Kung iyong parehas ng kay Justice Puno ang gagawin ng mga gagawa ng ating Saligang Batas, okay ako. Basta babawasan ang sobrang dami ng kongresman na panggulo sa Kongreso, mga wala namang nagagawa kundi magbutas lang ng upuan sa Senado. Sa susunod pagdalhin nyo ng de-cuatrong pako ang mga wala namang ginagawa sa Senado para may gagawin sila. Mahirap yata pag walang ginagawa, nakakabagot, mas gusto nyo pang mag-artista na lang kunwari.
*****
Mayroon namang taga-radio, gusto radio pa rin ang inaatupag. Hindi atupagin ang bago niyang trabaho at nagra-radio pa rin. Kung TV at radio ang gusto mo, diyan ka lang at layasan mo na ang iba dahil nasa TV ka na tapos nasa radio pa ang tawag sa iyo ay swapang ka. Matuto kang ibigay sa iba ang dating hawak mo. Kung hindi, ang tawag sa iyo ay suwapang ka. Hindi maganda sa isang tao na tawagin kang suwapang. Ang ibig sabihin niyan, gusto mo lahat sa iyo. Kawawa naman iyong iba na gusto hawakan iyong hawak mo. Hindi lang ikaw ang marunong ng lahat.
