2023 BUDGET PINIRMAHAN NI MARCOS

Nilagdaan noong Biyernes, Dec. 16, 2022, 2023 National Budget! Kaya masaya ang mga buwaya ng gobyerno, iyong mga congressmen na ngayon lang taranggap ng unang suweldo nila, tiyak na tatanggap ng unang pangungurakot nila. Happy Family sila kasama mga alipores nila!

*****

Pinagre-resign ni Mon Tulfo ang kanyang kapatid na si Erwin Tulfo bilang DSWD secretary. Hindi sinasabi kung bakit pero tiyak na ang dahilan mahirap ang nasabing trabaho at malaking pasanin at marami pang magnanakaw!

*****

Dalawang aktibong pulis Makati huli sa pangingikil sa isang call center agent! Tingnan Ninyo, mga pulis yan at ang tungkulin ay to serve and protect at hindi ang mandugas ng mamamayan! Pero anong ginagawa nila? Mangikil ng call center agent pa na isa ring nagpapakahirap magpuyat kumita lang!

*****

Aprobado na ng kamara ang lnvestment bill! Nangangahulugan na makakabuti ito sa mga Pilipino kaya kinagat nila pero pag pumalpak ito lalabas na hindi maganda ang paghawak nito. Ito ay isang sugal nating mga Pinoy kaya maganda ay magtulungan at hawag magnakawan?

*****

Sa parte ng mga driver, ang mga taxi driver at Grab driver ang sinasabing numero unong mandurugas. Aminin man natin o hindi, kahit ano pang sabihin nila grabe ang pandurugas nila! Ang nasa isip nila ang makapandugas! Kaya tayo bilang mananakay, pag-iingat ang dapat ginagawa natin!

*****

Anong wish mo ngayong Pasko kung ikaw ay congressman? Siyempre ang wish ko kung ako ay congressman, kumita sa mga project ko para may panggastos sa susunod na election para manalo uli! Huwag niyong sabihing hindi iyan ang nasa isip Ninyo, kung hindi sasabihin kong sinungaling kayo!

*****

Hindi makukumpleto ang Bagong Taon kung wala ang paputok pero mahigpit itong ipinagbabawal ng awtoridad kaya kahit bawal, tira ng tira ang mga tao! Pero walang magawa ang mga maykapangyarihan sa bagay na ito! Ang tanging magagawa nila ang sumama sa mga nagpaputok hanggat sa sila mismo ay maging biktima na rin!

*****

Walang nangyari sa sinasabing pamasko para sa mga walang-wala. Ang nangyari Marites ang balita tunkol sa pamasko sa mga mahihirap ! Mas nauuna kasi kayo tuloy nasabik ang mga tao. Sa isang taon pa pala ibibigay, dada kayo ng dada! Sa susunod tahimik lang muna tayo dahil marami ang Marites ngayon

*****

Tahimik daw ang unang Simbang Gabi! Bakit kailangan bang maging magulo gayong simbang gabi ito? Inaasahan ang katahimikan at hindi ang kaguluhan kaya siyempre katahimikan! Kapag nangyari ang kaguluhan iyon ay simbang magulo!

*****

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Lahat! Feliz Navidad, Prospero Año y Felizidad!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading