TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

TAPOS NA!

Tapos na ang inagurasyon ni BBM at ibang mga opisyal ng gobyerno kaya ang susunod na naman ay eleksyon ng mga kapitan! Mangyayari na ito kumbaga kasi long overdue na! Gastos na naman ito! Ng mga  mahilig sa politika. Sa gobernador at maging sa mga alkalde at lalo sa mga ambisyosong kumandjdatong kapitan ng barangay.

*****

Manunumpa din ang mga halal na opisyal ng gobyerno at ang sasabihin nila ang mga kataga na sila ay nanumpa na gaganti sila sa mga botanteng nagbenta ng boto nila. Gaganti sila sa pamamagitan ng mga  proyektong ibibigay ng gobyerno na sa halip na sampung milyon ang proyekto, limang milyon  na lang at paghahatian ang lima ng mga opisyal.

*****

Manunumpa din ang mga botante na sa susunod na eleksyon gaganti sila. Na kung ang bilihan ay isang libo dapat daw dalawang libo na. Hindi na rin daw sila tatanggap ng sabon, shampoo o ano pa, dapat daw pera na rin o wala na lang! Bagi ng saod igua ng tarawadan.

*****

Hinihiling ko rin sa bagong goyerno natin na alisin na ang Comelec at ang pulis. Alisin na ito dahil sila ang ahensiya ng gobyerno na walang pakinabang kung panahon. ng eleksyon, Lahat kung pupuwede ang mga ahensya ng gobyerno na walang silbi, kung pupuwede i-abolish na para makatipid ang gobyerno!

*****

Sana kung pupuwede kahit ang kongreso, sangguniang panlalawigan, sangguniang bayan, alisin na lahat kung pagtitipid ng gobyerno ang nais natin. Kongreso, sangguniang panlalawigan, sangguniang bayan, lahat ng ito walang pakinabang ang tao at ang gobyerno natin kundi gulo at gastos ng gobyerno lang tanging pakinabang nila!

*****

Hanggang ngayon, wala pang napipili na Secretary of Health si BBM! Baka gusto niya ring hawakan ito? O baka gusto niya pahawakan pansamantala ng WHO? Grabe, ang dami nating magagaling na doktor walang mapili si BBM? Kunin nyo kaya si Dr Kagaw, balita ko magaling daw yon, tanong nyo kay Marites?

*****

Tapos si Duterte at tapos na rin mga kayabangan at mga pagmumura niya. Magaling daw siya, hindi raw nakapresidente ang magagaling niyang mga klassmates! Maswerte lang talaga sya pero sa utak, tae lang siya ng mga classmate nya! Tapang lang pinairal niya at pagpapatotoo.,

*****

Sino kaya ang ilalagay na Secretary of Health? Sana si Dr. Kagaw o di kaya si Dr. Ong. Kaso ang dami niyang alam at baka sa dami niyang alam, lalo tayong magkasakit. Pumili na lang sya ng angkop talaga sa propesyon niya. Si Dr. Kagaw kasi hindi bagay sa kanya kasi uso ngayon ang monkey pox, baka lahat tayo mahawa!

*****

Ano kaya kung alisin na lang ang partylist? Panggulo lang ito sa totoo lang. Partylist kuno ng pangingisda, partylist ng pabahay at anu-ano pa pero wala namang silbi! Waste of money, waste of time, waste sa lahat ng waste! Pero nasa batas kaya sinusunod! Para tayong mga siraulo!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading