Kahit nababalitang marami pang tinatamaan pa ng Covid at Omicron variant at ng Monkeypox, parang balewala na sa mga tao! Sa iba nga ginagawa nang optional ang pagsuot ng facemask. Pero pag may problema na, gobyerno pa rin ang sasagot at gobyerno sisisihen!
Ang mga tao nga naman, parang mga tanga!
*****
Ang Monkeypox mas nakakadiri at nakakatakot! Nagsusugat at nagnanana pa! Pero balewala lang sa mga tao! Wala nang facemask at kampante na sila pero ang gobyerno nag-aaalala pa rin! Paano na lang kung maging malala na ang lahat!
*****
Problema na naman ng gobyerno at ang sisihin kung sakali ang gobyerno na naman natin! Kahit ang totoo ang tigas ng ulo natin! Sumige lang tayo para matodas na tayong lahat, tutal tayo ang may kasalanan ng lahat! Hawag nating sisihin ang gobyerno, kasalanan natin!
*****
Kahit mga taga-ibang bansa, dumadayo na sa atin at dito ginaganap ang maraming laro! Pero nag-iingat pa rin sila! Tayo, hindi na sumusunod! Bahala na tayo, pulitika na naman ang piniiral at katigasan ng ulo! Ang hirap sa atin, puro pulitika at tigas ng ulo ang pinaiiral!
*****
Dito sa atin ginaganap ang VNL o Volleyball Nations League! Kahit ang totoo ay.nangangamote tayo, sige lang at nae-expose tayo at marami tayong matutunan pati mga sakit makukuha natin! Hindi magtatagal tayo na rin ang may sakit at ang may sala goyerno pa rin!
*****
Ang varsity league ay magtatapos na sa laban ng De La Salle at ng NU! Natalo ang Ateneo ng La Salle kaya maglalaban sa final ang La Salle at NU! Abangan na lang natin kung sino ang magcha-champion! Ang PBA umarangkada ma rin. At tulad ng inaasahan ang nasa unahan ay ang barangay Ginebra San Miguel.
*****
Wala talagang forever, iyan ang sabi nila! Ang pag-iibigan ni Alyssa Valdes at Kiefer Ravena, isa nang halimbawa! Isa pang halimbawa ang buhay ko, 13 years na akong hiwalay at 13 years nang sunod ng sunod sa akin kahit ayaw ko na!
*****
Tsampyon ang Warriors sa labanan ng Warriors at Boston Celtics! Iyong mga talunan, maglaga na lang kayo ng tanglad, iyan naman ang uso ngayon! Kung ayaw niyo ng tanglad, maski kamote na lang, masarap pa sa sabaw!
*****
Ang MVP ng NBA at inaasahan ng marami walang iba kundi si Steph Curry sa pangalawang pagkakataon! Sa palagay ko, deserving siya sa nakuha niya at malayo mga nakalaban niya! Walang sinuman ang kokontra ang lahat sangayon! Mismong kalaban sangayon sa naging desisyon!
*****
Bukas na ang inagurasyon ni Vice President-elect Sara pero ang president-elect di pa malaman kung a-attend o hindi. Ang sigurado, ang inagurasyon ay sa San Pedro Square sa Davao City! At isa pang sigurado ay ang pupunta sa inagurasyon ay si BBM!
