TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MY SECOND FEARLESS FORECAST

Sa lahat ng survey, puwera ang ginawang survey ng kapirasong lupa namin, lahat panalo si BBM at SARA. BBM at SARA ako, at wala kayong pakialam bakit sila ang gusto ko. Wala akong paki kung sino gusto ninyo.

*****

Sa mga survey ng Pulse Asia, Publicus Asia Laylo ,SWS, Splat Comm at maging sa kalye survey, Magdalo at Octa research ng UP, lahat panalo ang BBM at SARA. Saan ka pa pupunta? Sumabay ka na sa mananalo, baka mahuli ka sa laban. Mismong Magdalo umamin na talo sila sa laban, patunay na prito na lang ipinaglaban nila.

*****

Walang mananalo sa prito ang ipinaglalaban. Karamihan diyan talo at lumuluha pag-uwl. Sumurender ka na lang at marangal ka pa, masakit nga lang. Ang peak sa laban ay 100%, bago mo maabot

yan lunod ka na. Mahirap ang naghahabol lalo mailap ang kalaban. Patay ka muna bago mo aabutin ang kalaban. Remember, patay ka na!

*****

Ang kalaban wala pa, pinakamataas nasa 60 % pa lang kaya malayo pang mabali hanggang hindi naabot ang pinakamataas. Walang tigil pagtaas niyan, kung ang kalaban umaasa ng pagkabali, sanga lang iyon at hindi ang puno. Bata si BBM at SARA, lumalaban ng sabayan kahit anong ipakain mo kahit lagaw,

*****

Hlndi ko kayo hinihikayat, maging praktikal lang sana tayo. Kung boboto tayo sa alam na nating talo, anong kalalagyan natin, nganga lang tayo ng nganga. Well, sanay tayong nakanganga lagi at ganoon na lang ang kalalasabasan natin, nganga habang nabubuhay. Ibuka naman natin ang bibig natin para kahit papano may pumasok na bangaw!

*****

Matatalo daw si Marcos walang duda, ang sabi ng mga kalaban. Oo nga ang diperensya, hindi sila magkalaban. Iyong isa ay si Federico at yong isa ay si Bongbong, hindi magkapangalan, lalong hindi magkapatid o magkaano-ano sila? Magkaapelyido lang. Sabi iboboto pa raw niya si Marcos at kaapelyido nya!

*****

Sa governor, Boboy Cua at sa Vice Governor, Peter “Bos Te” Cua at sa congressman, Cesar V. Sarmiento.

Pbm West district: Fred Gianan Jr., Doc Zafe, Sonny Francisco, Jan Alberto. PBM East District: Obet Fernandez at Gil Templonuevo Jr.

Virac mayor: Posoy Sarmiento; vice mayor, Reynante Bagadiong; Mayor ng San Andres: Nonong Mendoza; Caramoran: Agnes Popa; Pandan: Olog Tabligan; Bagamanoc: Odilon Pascua; Payo: Etal Robles; Viga: Bong Tarin; San Miguel: Jun Camano; Bato: Johnny Rodulfo; Baras: Paolo Teves; Gigmoto: A-at Tayam.

Mga kagawad ng Virac: Rosie Panti Olarte, Ayi Molina, Joseph Toto Mendoza, Arman Zafe, Thon Arcilla, Cesar Angeles, Hernandez ldol Sarmiento.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading