Sa lahat ng nanalo, tanging si BBM lang ang tinatawag na presumptive president sa kabila ng malaki lamang niya sa kalaban! Presumptive President ang lamang sa kalaban kalahati? Ngayon lang nangyari ito? Katarantaduhan! President-elact dapat!
*****
Ngayong ang pangulo ay si Marcos na sigawan pa rin ang mga baliw ng UP na sila raw ang panalo sa kabila ng tambak sa manok nila! Mahirap silang kausap kaya tamang tawagin silang mga sira-ulo! Hindi lahat siyempre!
*****
Baka ibig nilang sabihin panalo ang UP laban sa Ateneo sa larong basketball ngayong bawas na ang Ateneo? Iyon siguro ibjg sabihin niia? Sabi matalino, iyon pala palusot lang! Magaling nga magpalusot! Sige, panalunin nyo kandidato niyo kahit talo na!
*****
Nagsalita na ang mga Pinoy kaya tama na ang kalokohan! Manahimik na tayo at gawin ang ating trabaho! Kung wala kang magawa, gumawa ka pa rin para umasenso ka. Hindi iyong talunan ka na, bira ka pa rin ng bira! Remember sa isang taon, eleksyon na uli?
*****
Iyong mga natalo na hindi panalo at ayaw mag-concede paris ni Robredo, magsumbong kayo sa pari at sasabihin sa iyo nadaya lang tayo! Kaya sa susunod babawi tayo! Ganyan kahit hindi na puwede kasi wala ng pera.
*****
May sabong na uli kaya makakabawi na ang talunan sa eleksyon! Ang gusto kong sa sabong, malas ka pa rin! Uwi ka pa rin at tanim ka kaagad ng tanglad o kaya kamote! Masarap na may lugaw pa parang si Leni. Maluya sa buhay, maluya pa sa ginhawa! Daog!
*****
Sa ngayon mahirap kalaban ang mga Cua pero dadating ang araw na malalaos din yan. Remember the Albertos, may natira pero kapiraso na lang! Mga Romano, mga Torres, Antonio lahat nawawala kaya ang laban, panapanahon lang. Kaya kung marunong ka, mag-ingat ka para tumagal ka!
*****
Kung ngayon panalo at sa susunod talo ka, ikaw ay hindi marunong mag-ingat ng kita. Kung ang kita mo ginamit mong maige, maige rin ang laban mo. Aral iyan sa mga baguhan sa politika! Bawat hakbang dapat de-numero at bawat kilos pinag-aaralang mabuti. Or else, babagsak ka. Masakit dahil marami kang karamay sa pagkatalo mo!
*****
Ang pinakaimportante sa eleksyon at wala nang iba ay malaman ang bulsa mo. Kung wala, tumigil ka na at kung hindi, magsisi ka sa bandang huli. Kung akala mo sikat ka, akala mo lang iyon. Sa bandang huli, kuwarta pa rin ang tinitingnan!
*****
Ngayong tapos ang eleksyon, tapos na rin ang hinihintay ng lahat, ang bjgav ng mga politiko. Ang lahat ay nakinabang politico at botante. Ako lang marahil ang hindi dahil kumampi ako sa walang pera, Pero panalo ako kay BBM at SARA.
