Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DUTERTE APPROVED NA ANG INTERIM RELEASE

Nakakatuwa ang sigawan ng mga tao. Sa kabilang banda, ang sinisigaw nila “ibalik si Duterte! Ibalik si Duterte! Ibalik si Duterte! “Ibalik si Duterte!” Sa kabilang dako naman, “Marcos! Marcos! Marcos! Marcos resign! Marcos resign!” Nakakatuwa, di ba, para silang mga uto-uto at mga sira ang bumbunan. Pero ang totoo, mayroon silang mensahe na nais iparating sa mga pulitiko natin na parang mga uto-uto at mga sira ang bumbunan. Di ba totoo naman talaga?

*****

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Foreign Relations Committee ng Senado sa pamumuno ni Sen. Imee Marcos, kinawawa ang mga resource persons na sina Remulla magkapatid, Gibo Teodoro, Torre at Año at Marbil. Kanya-kanya silang palusot at laglagan kung sino talaga ang may kasalanan at naipadala ang isang Filipino sa ibang bansa para ipalitis sa ibang lahi na ang dapat bago dalhin sa ibang lahi ay tayo muna dapat ang maglilitis nito at dapat accorded with due process of law. Pero ang ginawa ng mga kababayan nating namumulitika, kinalimutan nila ang salitang “due process” at ang sinunod nila ang kanilang kapritso sa akala nilang malaki ang benefits nito sa kanila. Ang problema sa akala nilang malaking benepisyo ito sa kanila ito ay tumimbuwang, sabi ngani sato ola na gabos. Pati iyong mga kandidato nila nalagay sa alanganin at maaaring magkawatakwatak. Very weak leader talaga. Pinagtatawanan nila ang kalaban na bibili lang ng suka, ngayon sila pala ang nakakasuka. Very poor and weak leader at nakakasuka.

*****

Ang hinahanap nila kung papaanong ang isang pinoy ay nakalabas ng bansa na dapat nililitis siya sa ating bansa at hindi sa ibang lupain. Sino ang mga taong sangkot sa mga pangyayaring ito at binigyan ba sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili? Ang nangyari maski pamilya nila, maski anak, kaibigan, abogado, hindi binigyan ng pagkakataon na makausap man lang ng akusado. Nawala ang sinasabi ng Constitution na “no individual shall be deprived of life, liberty and due process of law.” Mahirap talaga ang sunod ka lang ng sunod sa amo na hindi ka man lang magrereklamo. Kasi nga sa sundalo, sunod ka lang ng sunod saka ka na magreklamo, bahala ka sa buhay mo. Ang sabi ni Remulla ang pagplano ay concerted effort daw nila ito, Remulla, Torre, Gibo, Ano, at Manoy Ferdinand. Si Torre ang most guilty pero sabwatan kaya’t lahat sila guilty pati iyong babae na nagpapel ng husto, guilty pa rin. Pero iyon ay Kongreso at hindi husgado at hindi puwedeng maghusga ng isang kaso. Hanggang magyabang lang sila. Tingnan mo, puro grandstanding ang ginagawa nila pero mga hindi naman marunong gumawa ng batas. Yabang, mayroon sila.

*****

Wala naman talagang Red Notice ng Interpol, ang mayroon diffusion pero hindi ito ipinakita at mayroon dapat Red Notice pero walang ipinakita at akala mo nagmamadali na mayroong hinahabol na kalaban. Sa sobrang pagmamadali, pati iyong dapat gagawin nakalimutan na nila o talagang mga wala namang alam sa nararapat na gagawing tama. Talagang tama iyong kasabihang “haste is waste,” marami kang nakalimutang gawin sa pagmamadali mo lalo at iligal ang gagawin mo. Kaya tuloy pinaratangan silang kidnapping ang ginawa kay FPRRD. Akalain mo sarili mong kababayan ipinagkanulo mo samantalang sabi noon ni Marcos hindi niya raw papayagang may banyagang maglilitis sa atin lalo na sa ating mga kababayan tapos ikaw magpapahuli sa kabayan mo mismo at sa kanilang bansa pa ipalilitis mo. Sinisiguro ko, hindi na iyan makakaulit pa. Binigyan na natin ng pagkakataon para ibangon ang pamilya nila pero dahil sa pinsang mas pinapahalagahan niya, nasira ang lahat.

*****

Lalong sumidhi ang pagdami ng mga Pinoy na sumusuportang OFW sa The Hague at mga karatig bayan sa Europa. Ang report daw ng local reporter, mga dalawang libo lang daw, halos ikinadismaya ng local reporter sa Netherlands dahil libo-libong tao ang dumayo sa nasabing lugar. Grabe raw ang fake news dito, nakakasuka raw. Lalong dumami ang tao dahil binabati ng advance happy birthday ang ating mahal na pangulo. Ako man, sampu ng aking kasama sa buhay, bumabati rin ako ng happy birthday Mr. President. Ang presidenteng hindi magnanakaw sa kuwarta ng bayan. Ang Pangulong hindi nagpayaman habang nanunungkulan bilang pangulo ng bansa. Halos hindi mahulugan ng karayom sa dami ng tao sa buong bansa bilang pagsuporta sa dating pangulo. Mabuhay, Mr. President!!

*****

Makakalaya na ang Pangulong Duterte pansamantala baka bukas o sa ibang araw pero pinag-iingat siya ni VP Sara, baka raw matulad siya kay Ninoy Aquino na isang bayani ngang naturingan pero patay naman. Bayani nga pero patay naman, buhay lang sa iyo pangalan mo. Masarap yata ang buhay ka pa, kahit ika nga ay matanda ka na. Walang pinakamaganda sa mundong ito kung ang tao ay nabubuhay pa ng matahimik.

*****

Umepal si Mariz Umali ng GMA 7 pero hindi kinagat ng taga-ICC. Sa halip ito ay ipinagtabuyan ng mga tao at malaking kahihiyan ang inabot niya sa mga tao, sa taga-ICC at mga tao na sumusoporta sa mga Duterte. Sa panahong ito lalo sa Metro Manila, makabubuting manahimik ka na lang o di kaya sumama ka na lang sa agos kay sa sasalungat ka or else sasakit ang ulo mo. O di kaya sumabay ka na lang kung saan malakas ang buhos, baka mapahamak ka pa. Huwag na kayong gumaya kay Mariz Umali at kay Sharon, mga laos na iyon at mga trapo ang dinadala nilang kandidato, pili kayo ng mga bagong mukha at hindi mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

*****

Kumilos na ang Japan, ChIna, Russia at USA para palayain si FPRRD sa maling pagkakadakip sa kanya na sa mga nakakaintintindi ng batas, kinidnap ang pangulo. Sa ginawang ito ng mga dating tao niya, maliwanag lang na trinaydor siya ng mga dating tao niya na siguro hindi kumita sa oras ng kanilang panunungkulan at ngayon maluwag sila sa pera. Siguro sa loob-loob nila, nakasilip ng pagkakataon na yumaman at kumita ng malaki? Mga buwaya kayong mga hinayupak kayo.

*****

Ang galing ng tennister na Pinay na si Alex Eala na tumalo sa two-time Grand Slam champ na si keys. Balita ko nawala daw iyong susi kaya sumurender ang kalaban. Pero talagang magaling si Alex, kakaiba ang kilos niya at talagang nakakakilig, ika nga. Maganda pa at Pinay na Pinay, bagay sa kanya ang katawagang champion. Sana marami pang katulad siyang maipagmamalaki bilang isang Pinay. Mabuhay si Alex Eala!!

*****

Babanggain na daw ng husto si PBBM? Maniwala ka diyan maski anong sabihin mo ang kapatid, kapatid mo iyan. Babanggain pero hindi na hustom kontrolado iyan dahil ang kadugo maski anong mangyari, kadugo iyan. Gagawan ng paraan yan at palalabasin kunwari na totoo at tayo namang mga siraulo, maniniwala tayo sa pang-uuto nila. Tama na ang minsang nabudol tayo, huwag na tayong pabudol uli.

*****

Mga kandidato: gobernador PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE, kagawad virac FRED GIANAN

Senators: Go, Dela Rosa, Quiboloy, Bondoc, Marcoleta, Rodriguez, Hinlo, Salvador, Lambino,Villar, Dr. Mata.

Exit mobile version