May nahuli na namang malaking buwaya sa parteng Tawi-Tawi at medyo ito kay Lolong, ang naunang malaking buwayang na nahuli noon.Pero sinamang-palad ito at pumanaw na. Pero may pumalit na bagong huli, halos 18 to19 feet ang haba nit kumpara kay Lolong na 20 feet ang haba. Bakit kaya naglalabasan ang mga lintik na ito ngayon? Siguro napapanahon kasi sa pagkakaalam ko may hinahanap din sila. Sa interview nga sa bagong-huling buwaya, ang sabi marami daw itong kamag-anak sa kongreso. Ayon sa interview, mga 300 daw at mga masiba. Katunayan nang mamatay daw si Lolong, punong-puno ang tiyan nito ng kuwarta. Kaya ang ikinamatay ni Lolong nabara ang lalamunan ng bilyong-bilyong kuwarta sa sobrang siba niya. Aral: ang pera hindi nilalamon dahil hindi ito pagkain, remember???
*****
May dalawa raw na buwaya ang lumalabas diyan sa Bato River. Ayon sa mga nakakita, mag-asawa pero hindi raw ito mga kalakihan bagamat ang isa raw nito ay medyo mahaba ng kaunti at ang asawa naman medyo pandak pero magaling daw ito mamigay ng ayuda. Bakit, ngayon ba ay may pandemic pa rin? Ikaw ba ay si Willie Revillamie ayuda? Baka ang mga taong binibigyan mo mamatay din sa sobrang lamon ng kuwarta? Remember, anumang sobra nakamamatay o kaya ay nakakahirin. Alalahanin nyo si Lolong namatay sa sobrang siba sa kuwarta eh hindi naman ito kinakain pero buwaya nga pala si Lolong. Kung kamag-anak ito ng mga kongressman sa kongreso, an nilalantakan nito pera ng bayan. Puwedeng galing sa PhilHealth, flood control, ginto ng Central Bank, Maharlika Foundaton, PDIC, SSS, GAA, AKAP, AICS, at marami pang iba.
*****
Bakit kaya hindi inimbitahan man lang si Pangulong Marcos sa inagurasyon ni USA Pres. Trump? Iyong VP Sara at PRRD imbitado pero ang ating pangulo inisnab. Ano ba iyan, grabeng sipsip niyo sa mga Kano, ang yabang pa nga ninyo pati China gusto niyo nang labanan dahil ang lakas ninyo sa USA tapos ngayon iisnabin lang naman pala kayo? Di ba noon nga binibgyan lang kayo ng mga bulok na gamit, maligaya na kayo. Binibigyan lang kayo ng bulok na pandigma, mga barkong bulok, haping-hapi na kayo pero never na bigyan tayo ng magandang panlaban sa mga modernong gamit ng kalaban. Pero ang turing sa atin, brown old friends. Pero hanggang ngayon ang turing sa ating mga Pinoy mga unggoy pa rin. Anong saklap ng buhay Pinoy, ay, buhay unggoy pala!
*****
Isang Jimmy Salgado ang umamin na siya raw ang runner ng mga Tulfo. Katunayan daw, minsan inutusan siyang magdala ng 500K sa Malate. Ganoon pa man, ang lahat ng ito ay mga haka-haka lamang. In other words, mga tsismis lamang pero may kasabihan tayo na pag may usok daw, tiyak na mayroong apoy. At may kasabihan pa rin na kapag putak ng putak ang isang manok tulad ni Erwin Tulfo, tiyak daw na may nangingitlog. Totoo kayang nag-TNT siya ganoong kumpleto siya sa dokumento? Hindi kaya niyari din ni Tulfo ang immigration ng Amerika?
*****
Alam nyo ba ang sabi ng isang congressman, isang pindot lang ng China brownout na ang buong Pinas. At ang sabi pa ng congressman isang pindutan lang daw, tunaw ang buong Pilipinas. Kaya hindi daw tayo dapat magyabang dahil magaling lang daw tayo sa ganoon pero ang totoo wala naman tayong ibubuga sakaling magkaroon ng totoong digmaan. Ang kaya lang daw natin magyabang ng magyabang sa akalang ang mga Amerikano ay tutulong sa atin sa oras ng kaguluhan. Tingin ko nga magaling lang tayo humimod ng wetpu ng mga Kano.
*****
Umatras ang isang kandidato na kasama nila Bong Go at Bato dl Rosa na si Chavit Singson sa dahilang nagkasakit ito o may sakit ito. Matatandaan nating medyo matanda na si Singson, 84 years old na ito. Kayat ang totoo may sakit ang tao kaya umurong iyong tao at wala ng ibang dahilan. Hindi umatras si BACALE na kandidatong congresswoman; sinadya siyang alisin ng Comelec sa hindi malaman na kung anong kadahilanan. Malamang grabeng dayaang magaganap sa election sa Pilipinas. Pag malakas ang kalaban, mawawala ang pangalan mo at siyembre panalo ang kalaban mo.
*****
Hindi ako abogado; ang nagfile nang disbarment case kay Duterte ay hilaw na abogado. Ni walang alam kong papaano ito naging abogado. O baka naman nagbibiro lang ito dahil basta ka lang magpa-file ng kaso ng hindi mo muna inalam kung ano ang magiging consequence ng kasong isinampa mo. Dapat maging maingat tayo dahil baka dumating ang araw na sa bandang huli ay ikaw ang may kaso. Ika nga ang huling halakhak ay mapupunta sa iyo sa gawa mong hindi mo inisip ng mabuti.
*****
Ang mga kandidato ko: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER” BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad FRED GIANAN virac, JOSEPH “BOBOY” CUA mayor virac, vice mayor ROSIE PANTI OLARTE
SENATORS: BONG GO, BATO DL ROSA, VIC RODRIGUEZ, JIMMY BONDOC, WILLI ONG,PASTOR APOLLO QUIBOLOY, CHAVIT SINGSON,
*****
Grabe ang nagaganap na wildfire sa California. Maraming mayayamang celebrities ang nangawalan ng malalaking bahay at buhay na higit bilyong dolyar ang halaga. Kaya marahil mapalad pa rin tayo dahil hindi ito nangyayari sa atin kahit papaano sa kabila ng kahirapang dinadanas natin. Sa kabila ng pinagloloko tayo ng ating mga siraulong lider. Harinawang ang nangyayari sa California ay huwag mangyari sa atin dahil pag nangyari ito sa atin, hindi lang labis na paghihirap ang mararanasan natin kundi puwede na nating sabihin na katapusan ng mundo. Bakit kaya nangyayari ang ganito sa kanila? Dahil ba mayaman sila o sadyang gawa lang ng tadhana? Sana man lang huwag mangyari ito sa atin dahil sobrang magiging kawawa ang mga Pilipino.
*****
Matinding utos ng Supreme Court sa Comelec: pinababalik ang mga kandidatong pinagtatanggal noon. Isa na roon kalaban ni Tamba na si Erice. Basta nasa lima sila na iniutos ng SC na ibalik ang mga pangalan nila. Ang kalaban ni Tamba na si Bacale ay pinababalik ang pangalan ng SC ito ay hindi rin malaman bakit nawala ang pangalan niya. Bakit kaya nawala ang pangalan niya dahil ba sa inindorso siya ni Duterte? Malupit ang labanan, inaalis ang pangalan sa Comelec para wala nang kalaban si Tamba. Grabe, tunay na pandaraya ang nagaganap sa ating halalan.

