Mayroon tayong kung tawagin sundalong kanin pero mayroon din tayong kung tawagin natin ay Npeey na tinatawag na kalderong Npeey. Yung sundalong kanin hindi siguro kumakain ng camote. Iyon namang kalderong Npeey, hindi kumakain ng pagkain na hindi niluluto sa kaldero o pinadadaan sa kaldero. Pinangalanan si Cong. Paduano na dati nag NPA pero ngayon hindi na at naging driver na lang ng isang haciendero at ngayon nga ay isa ng congressman at ang tawag sa kanya ng ilang vlogger ay si Mr. Contempt. Kasi nga pag hindi siya nasiyahan sa sagot mo, siguradong contempt ka. Tingin kasi nila sa sarili nila above the law sila. Hahahahaha, kaldero ka lang.
*****
Ang nagbulgar sa totoong kung sino at ano si cong. Paduano ay si Ka Eric Celis. Dati pala itong NPA at umalis sa NPA at sumanib sa ibang grupo at naging driver ng isang haciendero at ngayon congressman na at saksakan ng angas na akala mo kung sino pero nang tawagin ni FPPRD na unggoy, hindi makapalag. Marangal na trabano ang maging driver ka pero ang maging maangas ka lalo sa mga heneral na inaangasan mo, iba na yan. Makukuha mo talaga ang hinahanap mo balang araw dahil hindi habang buhay congressman ka. Tinawag ka ngang unggoy ni FPRRD, wala kang magawa.
*****
Zero budget subsidy ang PhilHealth dahil sumobra ang collection at nilagay sa AKAP, pambili siguro ng boto ng mga buwaya sa eleksyon. Noong una binara na ito nila Sen. Imee Marcos at Bato dela Rosa pero binuhay ang AKAP ni Tambalo, Poe at Chiz at ilang senador. Akala ko matino itong si Poe, pera din pala katapat nito. Sobra-sobra daw ang pera ng PhilHealth kaya ilaladay ito sa AKAP. Ha, ilalagay sa AKAP at sobra ang pera ng PhilHealth. Ang bababa nga ng sweldo ng mga health workers, lalo mga nurse at doctor tapos sobra ang savings ng PhilHealth. Ang daming hospital ang halos nabubuhay sa awa ng Diyos, bakit hindi iyon ang pagtuunan ng pansin at hindi ang AKAP na pangpulitika lang naman? Garapalan na ang labanan, sige lang tayo!!
*****
Pinagtawanan ni Atty. Topacio ang impeachment complaint na ifinile laban kay VP Sara. Puro daw ito kakengkuyan. Kahit high school, hindi daw tatanggapin ito. Ang kinakasuhan ay VP pero bakit daw noong mayor pa ng Davao city siya kinakasuhan. Naturingang dating DOJ secretary, human rights lawyer, magaling na abogado pero ganoon daw ang klase ng complaint na isinampa laban kay VP, punong-puno ng kakengkuyan. Sana naman daw ganda-gandahan ng kaunti para hindi katawa tawa.
*****
France Castro, akala mo kung sinong magaling at malinis kung magsalita, convicted lang naman. Ganyan sa atin mga excon, mga matatapang pa. Ang hanga ako kay Satur Ocampo convicted siya OK pero hindi siya mayabang at daldal ng daldal ng kung ano-ano. Tahimik lang siya. Kung mali nga, mali. Hindi na kailangang magyayabang ka pa na para bang pinatutunayan mo ang maling ginawa mo. Nagsalita na ang korte, manahimik ka na at itigil mo ang bunganga mo. Hindi ikaw ang batas o hindi ikaw ang hukom. Manahimik ka!
*****
May tinatagong baho pala itong si Acop kung saan dati daw pala itong scalawag na pulis at sangkot pala sa Kuratong Baleleng scandal at iba pang kaso na hindi mo paniniwalaan talaga. Isang pulis akala mo malinis ang record dahil pulis, iyon pala may baho na itinatago at talagang nangangamoy. Pati pala kapatid niya ay sangkot at naghinhintay na lang ng hatol. Mga pulis pa mandin ang babaho ng amoy, nakipag-team work pa sa dating Npeey at akala mo kung mga sino kung magtatanong. Mga herodes din pala at dapat may mga hatol na itong mga kumag na ito. Ang baho nyo, mga mapagkunwari kayo.
*****
P200 milyon kada senador para sa AKAP at zero budget sa PhilHealth. Ang PhilHealth ay magkakaroon ng P138 million na Christmas Party. Pero grabeng naghihirap na mamamayang Pilipno na kailangan ito. Bicameral kunwari wala, iyon pala pipirma pabor sa AKAP sa halip na sa PhilHealth. Pero hindi lahat ng senador ay pumirma tulad ni Bato dela Rosa, Bong Go, Koko Pimentel at iba pang senador. Ang CEO ng PhilHealth, isa ka ring waldas. Magbiyahe ka, pareho kayo ng amo mo na waldas, ta-travel bilyong piso ang gastos.
*****
PMA Class of 1988 nag-alsa kontra sa maangas na si Paduano at Acop. Sila rin ang nag-contempt kay Hen. Wilkins Villanueva. Magkakasubukan ang mga grupong ito, kalderong NPeey at scalawag daw ang kalaban. Sayang, wala ng mga taong labas. Sana makikita kung sino talaga ang sino si kaldero ba o si scal. Malalaman natin ito mga ilang araw pa ang makakaraan. Lalo siguro pagkaraan ng halalan. Kasi nga busy sila magpapayabangan pa at magpapabida pa ang mga buwaya at mga Lacoste.
*****
Mga kandididato ko: congressman: SAMMY LAYNES, Governor: PETER “BOSS TE” CUA, vice gov. OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, vice mayor virac ROSE PANTI OLARTE, kagawad virac: FRED GIANAN, mayor: JOSEPH “ BOBOY” CUA, senators: RODANTE MARCOLETA, VIC RODRIGUEZ, BONG GO, BATO DELA ROSA, JIMMY BONDOC, LAMBINO, LINJO, WILLIE ONG, PHILIP SALVADOR.

