Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

QUADCOMM NG KAMARA PUMALPAK, NAGING TUWADCOMM

Presscon ni FPRRD after ng hearing sa Senado: May unang nagtanong tungkol sa sinabi ni VP Sara na ipapahukay niya ang bangkay ni dating Pang. Marcos at ipapatapon niya sa WPS, sinabi ng dating pangulo na sabi lang iyon ni VP Sara at iyon ay mananatiling sabi lang at hindi naman gagawin ni VP Sara. Sa ibang salita, hanggang salita lang at wala namang ibig sabihin.

*****

Delikado daw na magkaroon ng People’s Power. Eh, ano naman, wala tayong pakialam sa mga may plano ng People’s Power. Basta ang amin, mabuti lang ang buhay namin pero kung magsusuka ng pera iyong mga buwaya sasali kami sa maramihang agawan. Sayang din naman, pera iyon ng bayan, lalo na ng mga kaagaw ko, iyong mga buwaya, mga limatik, mga buwitre, mga barakuda, mga pating na walang kabusugan diyan sasali ako sa agawan. Pero kung agawan ng power, bahala na silang mag-away-away na sila. Kami, sa tabi lang kami magmamasid. Pag tapos na ang bakbakan, sali naman kami sa bagong pamahalaan. Kung diktador naman tayo, basta maganda ang pamamalakad, sali naman tayo. Pero kung diktador at sisiilin tayo at gagawin tayong mga alipin, tiyak magkakagulo ang daigdig natin dahil ang nakasanayan mapayapang daigdig at sanay tayo sa hindi inaapi at ginagawang alipin ng mga namumuno. Papalag tayo at muli ipapakita natin ang galing at tapang ng mga Pinoy.

*****

Ayaw nang magsalita ang Quadcomm at tila ayaw  na nilang magsipagsalita. Medyo nag-aalangan sila at sinasabing tila may diperensya ang utak. Takot sila sa mga sinasabi ni VP Sara at pinaratangan si Tamba na tumanggap daw ito ng suhol pero hindi sinabi kung saan galing. Sabi sa susunod na lang daw at kung ano naman daw saka na lang walang kinalaman ang sasabihin. Sabi ni Cong. Gonzalez daw, pagmamalasakit ni Tamba kay VP Sara. Kaya!!!

*****

Col.Grijaldo, tumestigo at mali ang script na ibinigay sa kanya. Ang nasa script si dating Pang. Duterte ang ididiin pero inihulog sila ng Col. at sinabi sa hearing sa Senado na walang kinalaman ang Pang. Duterte sa war on drugs kundi sila ang nagpapatupad, sila ang dapat managot, taliwas sa unang sinabi ng Col. sa Kongreso. Sinabi ng Col. na ayon ay turo lang ni Cong. Abante at ni Dan Fernandez kaya tuloy makakasuhan si Abante at Fernandez. Tuloy nawalan ng kredibilidad ang mga congressman sa kasong nabanggit. Iba ang pahayag ng resource person nila sa Kongreso at iba naman ang sa Senado….resulta nasira ang script at napahamak pa sila. Mahirap talaga kapag scripted lalo na ang mga actor at actress mga mahina.Sabi ni Danao, siya ang pumapatay kapag lumalaban ang kriminal at hindi si Duterte dahil hindi naman siya pulis. Nahaharap ngayon sa kaso ang mga eng-eng na kongressman.

*****

Linigwak ni Jinggoy si Sen. De Lima at pinagsabihan si De Lima na incompetent dahil ang tagal daw nito sa puwesto bilang DOJ sec. Pero hindi niya nagawang kasuhan si Duterte habang DOJ Sec. pa siya at kung talagang involved ito sa EJK. Sa pagkakataong ito ay pinagsabihan siya ni Sen. Jinggoy na incompetent dahil sa hindi nito nagawa ang mga dapat ginawa niya noong nasa puwesto pa siya. Nakaganti tuloy si Jinggoy ng mapsabihan siya noon na incompetent din siya. Huwag kang pakasisiguro talaga kung noon panahon mo, ngayon naman ay oras mo na.

*****

Tinanong ni Jinggoy bakit daw hindi tumitingin sa kaliwa si Pang. Duterte. Ang sabi ni Duterte wala daw maganda sa kabilang banda. Sa oras naman noon ang nasa nasabing banda ay ang de Lima at Hontiveros at tinawag pa ngang si Hontiveros at nagtawanan pa ang audience. Sa pagkakataong ito kung saan tinawag si Hontiveros na pangit ay na-offend ng husto ang senador kaya kung ano-ano ang senabi ng senador.

*****

Asawa ni Dawn Zulueta tanggal sa Malacanang bilang Presidential Assistant. Parang si Atty Vic Rodriguez. Ano kaya mangyayari dito, ito pa naman ang nagbabalak na lasingin daw mga taga-Mindanao para manalo ang mga Marcos sa Mindanao? Ang tao pa namang maraming nalalaman tungkol sa kung ano ang ating pangulo. In other words, marami siyang nalalaman tungkol sa mga Marcos. Delikado!!!

*****

Gusto sanang tirahin na naman ang pondo ng Philhealth pero naagapan ito nila Atty Suansing at ang paglilipat ay hindi nagawa ni Recto na kung saan mga anak pati kamaganak nito ay pinakandidato na lahat pati mga aso nila siguro pinakandidato ni Vima Santos at mga kamaganak ni Recto sa Batangas at pati siguro mga alagang baboy nila kakandidato rin. Siguro may mga kamaganak din silang baboy kasi kamukha ni Recto ang mga diyaske.

*****

Talo ang team de Lima at Hontiveros, may mga kaso pa sina Abante at Fernandez. Iba kasi ang panestigo nila sa kamara at iba ang panestigo nila sa Senado. Sukat ba namang ang director nila dakila as in dakilang tanga. Sukat ba namang hindi mga abogado haharap sa mga abogado. Kaya ang nangyari sa Quadcomm naging Tuwadcomm. Hindi marunong gumawa ng script kaya ang nangyari nasira ang script, pumalpak ng husto at makakasuhan sila ng subornation at paninirang puri. At sa balita ko ang nasabing kaso tanggal ang may ganitong kaso at hindi na muling makakabalik pa. Kumbaga perpetual disqualification, forfeited pa ang lahat ng benefits at iba pang dapat tatanggapin ng isang empleado na dapat magre-retire. Naghangad ng kagitna, maraming mawawala. Ay tanga dahil sa sobrang kaeepal!!

*****

Ito ang mga napili kong kandidato at iboboto ko. SAMMY LAYNES CONGRESSMAN, GOVERNOR PETER “BOSS TE” CUA, VICE GOV. OBET FERNANDEZ, JOSEPH “BOBOY” CUA, MAYOR VIRAC, VICE MAYOR ROSIE PANTI OLARTE, SANGGUNIANG PANLALAWIGAN-FRED BENEDICT GIANAN, SB VIRAC-FRED GIANAN, TGP PARTYLIST BONG JOSON TEVES.

Exit mobile version