Marami nang kakandidato sa pagka-senador at partylist ang nag-file na ng CoC sa Comelec, Manila at karamihan sa kanila ay sa Manila Hotel nag-file ng kanilang kandidatura. Ang Team Duterte ay naunang naghain ng kanilang kandidatura. Sila ay sina Atty. Vic Rodriguez, Bato dela Rosa, Bong Go, Atty. Harry Roque, Atty. Sal Panelo, Dra. Badoy, Atty. Rodante Marcoleta, Philip Salvador, Atty Trixie Cruz, Baste Duterte, and others. Hindi pa rin sila makakompleto paris ng sa kabila, hindi pa rin makakompleto, may umaalis pa nga. Siguro umiiwas sila sa maaring mangyari o di kaya umiiwas pusoy sabi nga. Mahirap nga naman malagay sa alanganin. Iwas pusoy na lang at ang pinakamaganda solo flight na lang.
*****
Napabalita pa ring si Erwin Tulfo ay disqualified dahil sa ang dami nitong libel cases at panay mga convicted pa ang nasabing broadcaster, Kung disqualified nga siya o hindi ay hindi natin alam dahil ang talagang makapagsasabi niyan ay tanging Comelec lamang pero malaki daw ang posibilidad dahil ang isang tao nanakasuhan at na-convict ka involving moral turpitude malamang himas rehas ka. Meron pa akong narinig na kailangan ang conviction mo ay abot hanggang 18 taon samakatuwid lusot ang tao? Aywan natin, hindi tayo abogado at wala tayo sa Comelec? Abangan na lang natin sa pag-file ng CoC sa Comelec.
*****
Dalawa sa admin candidate ang umalis nang kusa: sina Lacson at Marcos. Ang dahilan ng paglisan nila ay gusto siguro nilang umiwas sa pusoy ika nga. Mahirap nga naman, baka masama ka pa sa pagligwak ng inodoro. Ang labas mo niyan dumi ka na, nililigwak ng inodoro lalo na ngayong ang daming buwaya sa inodoro at paborito ng buwaya ang medyo matubig at basa-basang lugar.
Sa kabilang dako, isang kongresista ang nagsabing ang isang partylist representative ay wala daw jurisdiction sa distritong kanyang nasasakupan. Ano kaya ito nakakaintindi o hindi? Ang alam ko parang mga senador ang mga partylist representative. Mula region 1 hanggang region 13 parang hawak ng mga partylist representatives. Ang jurisdiction nila ay hindi lang ang probinsiya nila kundi ang buong Pilipinas.
*****
Kumpirmado nagbenta ng ginto ang gobyerno ng Pinas at ito ay halagang 116 bilyong piso. Bakit simple ang sagot? Nangangahulugang ubos na iyong P1.6 trillion at kailangan na naman ng ilang trillion para maka-survive ang ating ekonomiya. Saan kaya napunta iyong P1.6 trillion? Ang lakas lumamon ng mga buwayang nakabarong. Pero kuwidaw kayo, ang mga project niyan bukod sa mga ampaw, hindi pa natatapos. Mga ampaw at puro inuumpisahan lang, ang papangit ng pagkakagawa. Binaboy talaga nang husto. Akala ko mga buwaya, mga baboy pala. Mind you, ang mga anak niyan sa abroad pa nag-aaral. Ang mahal ng pagpapaaral sa abroad lalo na sa London.
*****
Kung saan daw napunta ang P728 billion ang tanong ni Cong. Herrera sa kay Cong. Quimbo ng Marikina? Siya yong may relos na milyon-milyon ang halaga at siya rin yong may maraming bag na ang halaga ay milyon-milyon. Ano kaya sa palagay Ninyo, saan napunta iyong 728 bilyong piso? Ito yong congresswoman na dati nagta-tricy lang pero nang maging congresswoman na, naka-van na siya ngayon at artista van pa. Isa pa si Congressman Beny Abante, dati patay-patay lang pero ngayon nakabaril na at naka-van pa at mamahaling relos ang mga suot niya. Masarap talaga maging congressman, yumayaman bigla. Makapag-congressman nga rin, nakabarong pa may kaliskis nga lang, buwaya kasi!! May kaso pa itong child abuse! Patay kang bata ka!!
*****
Tuloy na tuloy pala ang laban ng mga kandidatong kongresman nina Dr. Patrick Azanza, dating Cong. Cesar Sarmiento at higit sa lahat ang hindi paawat na si Engr. Sammy Laynes. May balita na napakalakas daw ng hatak nito sa mga botante lalo na raw sa kanyang mga balwarte ang Virac at San Andres maging sa iba pang bayan. Ganoon din ang kakandidatong governor na si Boss Te, ang kasalukuyang Bise Gobernador ng Catanduanes. Sa partylist naman lalong lumakas at lalong nagigng popular ang TGP partylist representative na si Bong Teves.
*****
Vico Sotto mabibigat ang kalaban dahil ang naturingang mga kalaban ay mga mayayaman. Depende na talaga kung magaling ka sa diskarte makukuha mo ang “yes” ng mga tao. Pero kung hanggang pangitingiti ka lang tapos hindi ka naman gwapo at medyo bastos ka pa, tiyak yan may paglalagyan ka. Pero kung magaling ka sa diskarte tapos gwapo ka pa, malapit ka sa kapanalunan. Ang paggamit ng kwarta kailangan mahusay ka sa diskarte. Paris dito sa atin, kailangan mahusay gumamit ng kuwarta mo kung may kuwarta ka. Kung wala kang kwarta, tumigil ka na dahil nagsasayang ka lang ng oras at effort, magtanim ka na lang ng dolyar. Marami sa bakuran naming, hindi mo nga lang magagamit, pambili ng kuyog!
*****
Alam ba niyo ba kung bakit lumipat kay Marcos ang mga kakandidtong senador maski alam nilang sira na ito sa mga tao? May pondo kasi ang nasa admin, ang sa kabila wala, diskarte lang ang paiiralin nila at ang tiwala ng tao. Pero kung mga buwaya rin sila, may laban. Kaso hindi uso sa kanila ang buwaya dahil hindi talaga sila buwaya sa simula pa at hanggang katapusan ng laban. Tamban lang sila, minsan turay pa. Ngayon tilapia na lang at saka haruan at saka cabonbon at nauwi sa tambasakan at saka kalasakas.
*****
Magdudurugan ng kanilang lahi ang Israel at Iran. Walang tigil ng bakbakan ang dalawang bansang ito hanggang hindi nauubos ang lahi nila. Inumpisahan ng Yemen, gumanti ang Israel at to the rescue naman ang Iran at bumanat naman ang Hezbollah sa Israel, to the rescue naman ang Iran at to the rescue naman ang US at UK sa Israel. Ang giyera wala nang katapusan kaya ang presyo ng langis wala na ring tigil ang pagtaas. Siguro kung matitigil ang kahibangan ng mga siraulong lider ng mga bansang ito, saka lang bababa ang presyo ng langis. Nagsulputan ang mga sasakyang de kuryente pero ang problema bago magkakuryente, kailangan muna ng gasoline. Pareho ang labas.
*****
Pasok sa magic 12 si Dante Marcoleta at dating pangulong Duterte. Umpisa pa lang ng labanan. Ang grupo ni Marcoleta mga taga-tubig at hindi mga taga-lupa. Delikado kasi ang tagalupa naka barong pero malakas mang huthot sa kuwarta ng taong bayan. Dadaanin sa ayuda kunwari pero pambili ng boto. Iyon namang mga tao na hirap sa pera, kapit sa patalim, wala eh. Ang rason ng mahirap makabawi man lang sa ninakaw ng mga buwayang nakabarong. Tutal ninakaw naman ang perang iyan, di habason ta man. Iyan na lang ang katuwiran ng taong bayan, harabasan kung harabasan. Sinasabi lugi daw tayong taumbayan, oo nga pero magaling silang manloko kaysa sa atin kaya magtiyaga tayo sa ayuda at ipinamimigay nila ang kinyentos o isang libo bawat botante.

