Hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang deliberasyon sa budget ng Pinas sa taong 2025 dahil sa hindi pag submit ng budget ng OVP. Lahat ng ahensiya ng gobyerno nakasubmit na, tanging si VP Sara lang ang hindi pa. Iyon ay sapagkat ayaw ni VP Sara magsumpa sa kahilingan ng mga Lacoste na katuwiran hindi naman daw siya witness kundi resource person at, isa pa, hindi naman daw siya witness at, isa pa, wala naman daw sila sa korte. At ang masaklap pa, lahat ng ahensiya ng gobyerno obligado umattend sa budget hearing pero ang mga nasa HOR ay hindi nagkakaroon ng public hearing ganoong sila ang malalaki ang budget. Kahit kailan ay walang public hearing ang Kongreso. Lumalabas na pinakamapangyarihan ang Kongreso sa lahat ng sangay ng gobyerno natin. Nasaan yong tinatawag na CHECK and BALANCE? Sabi pa nga ni VP Sara, dalawang tao lang ang pinakamakapangyarihan sa Kongreso. Alam niyo na kung sino, sinabi na yan ni VP Sara. Bahala na kung lalagyan nila ng budget ang OVP, nasa sa kanila na yan kahit naman wala tuloy ang trabaho ng OVP. Ganyan ang katwiran ng VP Sara sa pinag-uusapang budget. Pero ngayong araw dadalo daw VP Sara sa public hearing?
*****
Bakit kaya ang Congress walang public hearing samantalang ang ibang ahensiya ng gobyerno obligado? Iyan kasi ang nasa batas kaya ayan ang sinusunod. Dapat baguhin na yan dahi masyadong unfair, oobligahin ang ahensiya mo pero ang Kongreso hayahay maski magkano puwede, di ba? May mga insertion pa ng kung ilang bilyong peso ang ipinapatong, walang kuwestyon kasi sila ang makapangyarihan. Sabi ng isang kongresman, bakit daw naghihirap ang Pinas? Itatanong pa ba iyan? Habang ang Kongreso (Senate at House of Representatives), ang paghihirap ng mga Pinoy ay mananatili sa atin. Pag inalis naman ang Kongreso, gagawa sila ng ibang paraan kung papaanong magpayaman sa sarili. Ang totoo, ano ang problema sa ating mga Pinoy? Ang problema sa atin ay tayo rin. Tingnan niyo, nagpapayaman ang mga pulitiko para may pang gastos sila para pambili ng boto. Ang mga botante naman, hindi ka iboboto kung walang pera ang pulitiko. Katuwiran ng mga botante, mabawasan man lamang so mga hinabas ninda. Pero ang totoo, ganansyado sinda kung batid ka sa math pero ta grabe sato ang patal huna ninda pag tinawan ning sangribo ganansiyado na sinda, utot nindo hangaw sana ninda an. Nakapasiguro na ang mga an!!
*****
Tingnan Ninyo, nagbubunyagan sila? May pastor na kongresman dati walang sasakyan ngayon mayaman na at may Rolex pang relos na milyon ang halaga. Iyong isa namang congresswoman ang mga gamit puro milyon ang halaga? Kung dati nagta-tricy lang siya, ngayon kung todo de service na siyang artista van. Parang iyong taong kilala ko, hindi naman negosyante pero ang yaman, maraming sasakyan at ang mga anak sa London pa nag-aaral. Saan kaya mukuha ng kayamanan ang anak ng Lacoste na ito? Tiyak na ang mga projects niyan sa gobyerno mga ampaw. Ang cost of projects niyan mga tatlong milyon o apat na milyon ang ipapagawa niyan isang milyon lang kanya yong tatlo o apat ang delihensiya ni Lacoste? May katapat yan, mabalitaan na lang natin yan at iyan na ang katapat, buwaya ka?
*****
Sa ginagawang kalye survey sa Caloocan City, si Malapitan vs. Trillanes. Sa 20 taong tinanong ng nagsusurvey, isa kay Trillanes at dalawampu na kay Malapitan. Murder!! Team Duterte vs Team Marcos: malakas ang Team Duterte vs. Team Marcos pero kulang sila sa pang-ayuda kaya malamang lalamang ang kalaban. Pero kung hindi madadala sa kuwarta ang mga botante, sure winner ang Team Duterte. Dito naman sa atin ang labanan ay maganda dahil balita ko ang makakalaban ni Sammy Laynes ay kabadong-kabado na dahil ayon sa balita sampu sa onseng bayan ng Catanduanes ay nakuha na ni Sammy. Balita pa lang naman at balita naman sa kabila, apat sa onseng bayan ng Catanduanes hawak na nila pero mga sampu lang ang lamang, mga Lacoste pa. Sa gobernador naman walang problema si Boss Te, basta laban lang daw siya.
*****
COA cleared sa kaso ni VP Sara. Walang mali ang findings ng COA, malinis kaya walang maisampang kaso sa VP kaya ang mga buwaya nganga silang lahat at pilit ginagawan ng mali ng mga Lacoste na baka nga naman tanging siya sa huli makakuha sila. Kaso wala talaga, sa halip sila ang nadadale at naglabasan ang baho ng mga buwaya. Ngayon ay gumamit naman sila ng matandang hukluban na dating nasa DepEd pero sumablay naman dahil kumpleto sa dokumento ang VP Sara at malamang sa malamang nganga naman ang mga Lacoste nito. Wala talagang maibato sa mga Duterte kundi ngumanga na lang talaga.
*****
Pumunta lang sa Naga City si VP Sara nagkagulo na ang mga kalaban. Ang daming intriga ang lumabas, yaon ang sinasabing si Robredo sumanib na sa mga Duterte, mag vice president na ito ni Leni, magkatandem na VP Sara at dating VP Leni. Kaya ang sabi ng mga kalaban nagtatraydor daw si VP Leni at malamang daw na ipagbili nito ang dating mga kasamahan niya. Ang hindi nila alam, si VP Leni may bagong kalaban at hindi natutulog. Kailangan niya rin ng kakampi at kailangan kumilos siya lalo’t ang mga kasama niya parang mga tulog sa mantika siya at siya ang inaasahan.
*****
Abot daw mga 80 milyon pesos ang gastos sa DURAN DURAN pero ang gastos ko sa DUSTA DUSTA abot lang ng 79 milyon pesos ang pagkakaiba lang ang DUSTA DUSTA sadiri kong kuwarta ang gastos ko. Ang isa pang pagkakaiba sa DURAN DURAN, kuwarta ng bayan, mga Pinoy walang gastos kasi sa panaginip lang. Nagkita lang kami ni Lady Gaga at nakita ko pa doon si Paul McCartney kasama niya si Marcelito Pomoy at saka si SiSi Rondina at naglaro sila ng shotput at ng pencak silat at saka haragungan. Si Alyssa Valdez naglaro din ng tagu-taguan, natalo siya kasi magaling lang daw siya sa basketball at saka sa haragungan!!!
*****
Sino ang magwawagi between Trump at Harris? Ako, ang pusta ko kay Sara, isanlibo ko mananalo sisenta pesos. Panalo ako tiyak dahil hindi naman kasali si Sara pero kung si Ngagba ang kalaban pati lolo ng kapitbahay ko, ipupusta ko. Pati asawa ng kaibigan ko, ipupusta ko, ipupusta ko lahat. Pero Harris vs. Trump, wala akong pakialam sa inyong mga pinutukan ng lintik kayo. Kung si Atasha pa laban kay Vico Sotto, boto ako ipupusta mga kagawad na puro nganga ang alam, walang ginawa kundi ngumanga sa oras ng session.

