Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MGA ASYANO MAS KINIKILALA SI VP SARA BILANG PINUNO NG BANSANG PINOY

Nagkagulo sa Budget deliberasyon ng budget ni VP SARA at sa pangalawang pagkakataon kung saan dapat umattend si VP SARA, ito ay hindi na umattend. Ikinatwiran na lang na hindi na kailangan tutal sabi pa ng VP parehas din naman dalawang tao lang daw ang may hawak ng national budget, speaker lang at chairman ng appropriation ng Kongreso. Kaya nakahanda ang VP na maski zero budget daw siya okey lang. Bakit nga naman siya a-attend puro scripted ang laban, stick to the plan lang daw, at gusto talagang ipitan lang si VP SARA, period. Kaya ang ginawa naman ng VP, ibinulgar ang ginagawa ng Kongreso. Na noon daw 2023 at 2024 ang budget for construction ng bahay paaralan 4 na bilyon, naging 15 bilyon daw ito at ng sumunod na taon iyong dapat 4 bilyon ito raw ay naging 5 bilyon na. Ganyan daw lumamon ang mga buwaya sa HUBAS.

*****

Alam n’yo bang malaking pera pala ang balat ng buwaya? May nagsabi sa akin na iyon daw mga magulang nila yumaman ng dahil sa sapatos at paggawa ng bag at lumaki nang husto ang negosyo nila. Pero nang mawala ang mga buwaya, biglang humina ang negosyo nila. Ngayon daw na panahon ni Marcos, balik na naman ang mga buwaya, sumisigla ang negosyo nila. Ang akala niya raw patay na ito katulad din daw ito sa mga bato na nagbalikan na naman at katulad din daw ito sa mga kriminal na nagbalikan lahat sa panahon ni Marcos. Nakakatakot pala ang buwaya sa lupa, masyado palang makakapal ang mga mukha nito, parang mga pader at hindi lang makakapal ang mukha pati pala kaluluwa ng mga buwayang ito makakapal din ang at sa totoo lang makapal pa sa pader ng Great Wall of China. Saan kaya tayo makakakuha ng medyo manipis ang balat na buwaya? Marami daw nito sa Maynila pero nagpupuntahan daw kay Belo at siguro pinaaalis ang sobrang kapal ng mukha nila. Kaya pa kaya ito ni Belo? Palagay ko hindi na nasobrahan na sa kapal?

*****

Sa labanang Zaldy Co at Martin Romualdez vs. VP Sara at Sen. Villanueva, sanib puwersa sila. VP Sara, ,Sen. Villanueva vs. Romualdez and Co. VP SARA gustong zero budget ng Kongreso pero sabi ni VP SARA ayos lang. Kaya naman daw maka-survive ang OVP kahit i-zero budget pa ito ng scripted na Kongreso. Tutal alam naman daw nilang walang kuwentang pag-usapan pa ang budget ng OVP, tutal ang may hawak ng budget ng Pilipinas ay dalawang tao lang naman. Ano pa naman daw ang dapat pag-usapan? Ano pa nga naman ang pag-uusapan, eh, luto na ang lahat?

*****

Ang tanong manalo pa kaya ang Ako Bicol gayong ang partner niya ay Visaya na? Romualdez, titigil na raw at magpapahinga na. Kaya, ang sabi politicians never stop and never die lalo na kung ang pera ng bayan pagkadami-dami at ang mga kasama mo mga buwayang tubig at hindi buwayang lupa? Matindi daw kasi ang buwayang lupa, pumipitik daw ang buntot nito at pag tinamaan ka, magiging buwaya ka na rin tulad ng makapal ang mukhang buwaya. Nakakahawa pala pero ang galing nila mga nakabarong pa. Sana nakabahag na lang para bagay sa kanila kasi maganda modernong tingnan. Ang ganda sigurong tingnan buwayang nakabahag.

*****

Nabuking ang nagmamagaling na kongresman na si Quimbo? Akalain mo ang mamahal ng mga bag? 2 milyon ang pinakamataas, ang ibang bag niya mahigit isang milyon ang halaga ng bawat isa nito. Naghihirap ang mga Pinoy nagdidisplay ng milyon ang halaga ng mga bag mo? Well, ito naman ay magmula nang gawing chairman ito ng budget hearing ng kamara tungkol sa budget ng OVP Sara na gusto nilang ibagsak o ilugmok ng husto. Tuloy naglabasan ang baho, isang bag ka lang at chairman na ang isang maluhong kongresista. Pero nabuking at kailangan daw i-life style check ang magaling na kongresista. Naghihirap ang mga Pinoy, bag mo lang milyon ang halaga? Sabi ng isang senadora, ungas na kongresista! Mayabang ka ayon pa sa hindi pa nahahalal na senador. Tuloy naglabasan ang baho ng mga kongresman. Sabi ni VP Sara sa pangalawang pagkakataon, hindi na siya umattend ng budget hearing tutal naman daw mag-e-exist ang OVP even without the budget. Tutal naman daw ang budget pinatatakbo lang ng dalawang tao, ang Chairman ng Committee on Appropriation at ng Speaker of the House of Representathieves. Para ano pa nga naman? Scripted!!

*****

Mainit-init pa ang balitang ito. Mga Marcos talo sa kaso sa tinaguriang Malakanyang of the North, sa Paoay, Ilocos Norte na kung saan mayroong mahigit limampung ektarya ang mga Marcos at tinagurian nga Malakanyang of the North. Ito ay binabawi na ng gobyerno sa kadahilanang na-acquire daw ito ng mga Marcos sa pamamagitan ng ill-gotten wealth. Si Cory noon binawian din ng lupain para ipamahagi sa mga mahihirap, ngayon naman dapat ipamahagi din ito sa mga mahihirap. Kilos na kayo kung hindi baka pag-interesan pa iyan ng mga buwaya sa hubas baga. Ang karma talaga, ang bilis ilang iglap lang epekto kaagad. Susunod niyang karmahin ang dalawang nagpapasasa sa pondo ng bayan, lalo na iyong milyones ang halaga ng mga bag niya. At ang sigurado ako iyong mayor lang dati pero nakukuha niyang magpaaral ng kanyang mga anak sa UK. Ang yaman ng mga taong ito! Kailangan ma-life style check din ang mga gunggong na ito.

*****

Congratulations, VP SARA Duterte!! Nilabas na ng COA ang kinukuwestion ng mga kongresista tunkol sa DepEd at lumabas na malinis ang ginawa lahat ni VP SARA, it was of national standard at malinis ang lahat. Kayat ang nangyari cleared of everything ang VP SARA. Kaya ang mangyayari, ngalngal na naman ang mga paepal na mga kongressmen. Lumabas tuloy ang mga kaliskis nila. Ang galing ni Kongreswoman Quimbo! Ang mahal ng relos niya!!13 milyon mahigit!! Ang relos ni VP SARA, 13 thousand pesos lang, Seiko pa. Kay Quimbo, 13 milyon mahigit!! Dati nagtra-tricy lang ito ngayon naka-van na si Kolokay.  Magko-congressman na rin ako para mga anak ko at mga apo sa UK na rin sila mag-aaral. At saka para magka-Rolex na rin ako ng worth 13 milyon. Hindi katulad ni VP Sara na worth13 thousand lang, Seiko pa mandin.

*****

Oragon talaga ang mga Bicolano. Trending ngayon ang pangalan ng kongresman natin. Binanatan ba naman ni VP Sara at Sen Joel Villanueva si Kong Zaldy Co at si Tamby. Sagad pagkayari, talagang nagviral na tunay. Ombudsman ang kaso pag nagkataon. Talagang mga oragon, gagawa rin lang ng kaso iyong malaki na at talagang malaki!! Kumusta mga apartment mo sa Paris, KOKOy, sino ba ang nakatira doon? Mayroon din akong apartment doon pero sa panaginip lang naman iyon?

*****

Grandslam ang CCS sa kabila ng wala ang mga star ika nga na mga player ng CCS. From Reinforced to Invitational, puro panalo ang CCS. Ang inaasahan ng marami, matatalo na ang CCS dahil nga wala ang mga star player pero lalong gumaling sila at pati import nila o ang reinforced nila ang daling maka-adjust. Deserved talaga nila ang mag-grandslam. Sukat ba namang ang galing ni Bernadette Pons, MG, Kylie Atiensa, PP Anaga, Risa Sato, Kyle Negrito, at iba pa na nagdala ng magandang laro. Pero sa totoo lang magaling at super galing ng import nila at mahusay mag-adjust. Congratulations!!!

*****

Ambassador of Sri Lanka nagdala ng tulong kay VP Sara sa halip na sa pangulo ng Pilipinas. Ano ba yan, iba na ba ang pangulo natin? Sana nga si Sara na lang para wala nang gulo sa bansa natin. Kingdom of Cambodia bumisita kay VP Sara. Sanib puwersa na sila at talagang kinikilala na ang bise presidente natin. Samantala isa na lang ang kulang ng grupo ng PDP at kumpleto na ang panlaban nila.

Exit mobile version