Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

AMPAW NA PROYEKTO NG DPWH-CONGRESSMAN SA VIRAC AT IBANG PROYEKTO SA CATANDUANES

Ampaw ang project ng DPWH-Congressman diyan sa Ibong Sapa, San Vicente, Virac,at halatang basta lang ginawang barubal. Tingnan ninyo ang pagkakagawa, mayroong mga kahoy na magsisilbi sanang panangga sa malakas na hangin na dumadaan sa mga residente noon pinag-aalis at ang lugar ay naging open na ngayon sa mga nakatira sa nasabing lugar. Halos wala nang panangga man lamang sa mga naninirahan doon. Pinaghirapan ng maraming taon ng mga naninirahan doon na magkaroon man lang na panangga sa hangin ang lugar nang dumating ang mga taga DPWH-Congressman na dapat concerned sa environmental protection ng isang pamayanan ang siya pang nagsiputol ng mga kahoy at pinalitan ng mga ampaw na proyekto kunong seawall. Nakakahiyang proyekto dahil ampaw ang pagkakagawa. Akala nila maloloko ang mga tao sa gawa ng mga palpak na gumagawa ng mga project na ni bakal ay wala. Kung mayroon man, hindi nararapat ikabit sa ganyang klase na proyekto. Super tipid at super ampaw talaga at halatang patrabahong binarubal talaga. Ang proyektong ito ay makakarating sa mga kinauukulan sa Kalihim ng DPWH at ipapaalam ko ang ginagawa sa mga proyekto nila na binabalasubas ang pagkakagawa. Hindi lang iyan, marami pang proyekto na long overdue na at dapat natapos na pero hanggang ngayon ay inuumpisahan lang. Grabeng panloloko sa mga taumbayan? DPWH-Congressman, ang mga nasabing proyekto na hanggang ngayon ay proyekto  pa rin at suspendido pa rin at siguro matutuloy ito dahil malapit na ang midterm eleksyon. Harinawang maganda at maayos na ang pagkakagawa at hindi na mga ampaw!!!

*****

Panawagan sa TGP Partylist Bong Joson Teves na kung pupuwede pakitingnan lang po ninyo ang pinaggagawa sa mga kahoy na dapat magsisilbing proteksyon sa mga mamamayang nakatira sa nasabing lugar ay winasak ng DPWH-Congressman sa halip na panatlihin ito at ngayon pinalitan ng palpak na seawall at winalis ang matagal nang inaalagang mga kahoy ng mga nakatira sa nasabing lugar. Kung puwede lang po kagalanggalang na Kongressman Bong Teves, pakitingnan lang po ninyo ang nabanggit na sitwasyon ng proyekto ng sea wall San Vicente Ibong Sapa. Kung puwede lang po pakitingnan lang po, sir. Binabalahura lang po trabaho ng mga taga DPWH-Congressman ang nasabing proyekto. May tiwala po ang tao sa inyo kaysa mga taga DPWH-Congressman. Salamat po.

*****

Nilusob ng mga libo-libong pulis ang KOJC para hanapin si PACQ at ilan pang mga kasama nito na allegedly sangkot sa nasabing kaso ni PACQ. May balita pang pasasabugin ang nasabing 34 hektaryang kingdom, lumabas lang si PACQ. Aywan gaano katotoo ang nasabing balita pero totoong nilusob ang KOJC at sa unang paglusob nga ng mga autoridad, mayroong mga pumanaw na puwedeng sakit sa puso o ibang dahilan. Overkill kumbaga ang ginawa ng mga autoridad. Akalain mo, ilang tao lang ang hinahanap, libong pulis na ang rumisponde at akala mo giyera ang pupuntahan. Magse-serve lang ng warrant, libo-libong pulis pero ang resulta negatibo o bokya kaya ang dalawang heneral may malaking pananagutan sa mamamayang naperhuwisyo, nasaktan, natakot sa ginawa ng mga pulis na akala mo susugod sa napakalaking digmaan. Overkill nga ang ginawa nila. Ang pag-serve ng search warrant at warrant of arrest kung wala iyong tao, ibabalik mo sa judge ang warrant of arrest at kung may balita na pagsulpot ng suspek na tao puwede muling humingi ng tinatawag alias warrant ang isang pulis sa pagsulpot ng suspek. Ganoon dapat pero hindi sinasabing puwede nang manirahan ang mga pulis sa lugar kung saan diumano naninirahan ang nasabing suspek.

*****

Ang maangas na Cubano ay nawala ang angas ng patahimikin siya ni Bernadette Pons Mitch Gumabao at mga kasamahan nito sa CCS. Nagmukhang tanga ang maangas na Cubano pero nang interbyuhin, maangas pa rin kahit hanggang tatlong set lang sila. Hindi na lang aminin na wala talaga silang binatbat sa mga taga-CCS. Tulad ng ilan nilang teammates na umamin na hindi talaga umaayon sa kanila ang pagkakataon sa panahong nagstep-up ang ilan sa mga kalaban nila tulad ni Pons, Gumabao at Pangs Panaga. At saka hindi nila nilagay sa isipan nila na ang bola ay bilog at hindi ka nakasisiguro sa laban. At saka hindi pupuwede ang angas mo lalo na sa oras ng laban. Ang magaling si Staunton ng CCS, trabaho lang talaga at hindi maingay katulad ni Salas hanggang angas lang ang alam. Ang labanang iyon ay hanggang quarterfinals lang at pasok na sa semis ang CCS at ang kakaharapin nila sa Aug. 31 ay ang Cignal. Abangan natin kung hanggang saan sila?

*****

Patuloy ang KOJC sa kanilang rally sa Davao City at sa Liwasang Bonifacio sa Manila ang kung tawagin nila ay People Werpo at Marcos Resign at Marcos alis diyan. Ang target talaga ng People Power ay palayasin si Marcos dahil sa kapalpakan ng kanyang pamamahala sa gobyerno at ang mga pangako na napako at kabalbalan sa ating gobyerno. Lalo na ang pakikialam ng Speaker of the House at alegasyon ng marami na ang nagpapalakad ng bansa ay hindi ang pangulo kundi ang Unang Ginang.

*****

Dating kongresman at Act Teacher Partylist Representative Satur Ocampo at France Castro ay himas rehas na ngayon sa kasong illegal detention of minors (sana tama ako) at sila ay nasentensyahan ng pagkakulong ng 8 taon pero hindi iyon final dahil puwede naman itong iapela sa Court of Appeals at hanggang SC hanggang sa Pangulo ng Pilipinas at hanggang sa Court oa Appeals ng mga walang kaluluwa hanggang kay San Pedro kung gumagana pa ang computer ni San Pedro kasi balita ko sira daw. Biro lang po, SC lang po at baka gustuhin din ng pangulo, puwede rin naman.

*****

Nakakatakot pala ngayon sa Kongreso dahil ang dami talaga nila, pero huwag lang kayong lalapit sa kanila dahil masyadong delikado ang paglapit dito at baka maging sanhi pa ng iyong wakas. Kung mangtira ito, isahan lang. Siguradong mayaman ka, kaunting panahon lang, mayaman ka na. Nakakatakot, mahigit isang daang libong piso lang ang suweldo, nagagawa nitong magpa-aral ng mga anak niya sa ibang bansa. Ang tindi mo pare ko, sa ibang bansa pa. Magaling talaga si kumare, sa ibang bansa pa nag-aaral ang mga anak. Magpapaaral din ako ng mga anak ko pero hanggang Mayngaway University lang, Wala kasi akong malaking kuwarta pero pag naging buwaya rin ako kahit wala akong Negosyo, sasabayan ko ang mga buwayang ito.

*****

Talaga palang kakandidato rin ang mayor ng Virac na si Mayor Laynes. This time hindi na mayor ang target niya kundi kongresman ng nag-iisang distrito ng Catanduanes. Babaguhin niya raw ang image ng isang taga-Catanduanes na ang trabaho ng representative sa kongreso ay si Mr. Tulog kung tagurian ng ibang kongresista. Nakakahiya naman kung Mr. Tulog ang itatawag sa iyo. Puwede pa Mr. Antukin lalo kung naka-Rayban ka at hindi halatang natutulog ka. Samantala, tuloy din sa pagsabak si Boss Te, ang mabait na vice governor, sa posisyong governador. Anytime daw at anyplace laban siya, basta malinis ang laban.

*****

Nilaglag si Romualdez ng mga taga-Leyte at tinawag ng mga taga-Leyte na kurap na pulitiko. Ibang-iba ang tawag sa mga Duterte na nagmamalasakit sa mga Davawenyo. Bakit kaya maski anong pabango ang gamitin mo kay Romualdez hindi makuha ng pabango, parating mabaho pa rin? Siguro ang dapat dito gamitan na lang ng grasa, baka makuha sa grasa o cooking oil o di kaya used oil.

Exit mobile version