Sa susunod ang labanan ay hindi na Harris-Walz vs Trump-JD Vance kundi Duterte-Carpio vs. ??? ??? na pero sa 2028 pa iyon. Pero pinasisikat na ng admin si Tambaloslos daw iyon na nakakuha ng malaking itlog isang pa-survey, saksakan pa ng dami ng ayuda at mga paeklat kay tambaloslos, itlog lang pala ang makukuha. May senador din diyang isa pero ang layo. Punong-puno din ito ng paeklat ang lenguahe nito sa senado: mga pu____na nyo, mga bobo kayo, wait a minute, ugok, ulol, gago at marami pang masasamang salita na akala mo alam niya lahat pero undergrad naman. Pinipintasan pa nito ang mga Saligang Batas na gawa ng iba pero hindi naman marunong gumawa ng sarili niyang batas. Mayabang at grandstander sabi nga ng iba na nagmamasid sa kanya. Ano pa at maraming ambisyoso na punong-puno naman ng hangin ang ulo at ang tanging puhunan ay pagiging sikat sa isang bagay halimbawa sa radio, sa acting, sa boksing, sa isang laro. Minsan ang pagiging guwapo o Maganda, iyon ang puhunanan nila. Ang lupit nila at saksakan ng hahambog at yayabang.
*****
Sa kahit na anong survey, huwag lang survey sa lupa, nangunguna talaga si VP Sara sa pagka-pangulo kaya kung ngayon gagawin ang presidential election, VP Sara ang mananalo. Kaya sa totoo lang, hindi pa tayo nakasisiguro kung sino talaga, baka biglang magbago at mangibabaw ang “wait a minute.” Madala ang mga tao sa yabang at pagmamagaling ni ugok, gago, putang inamo, siraulo ka, wala kang alam, at ikulong ang resource person na iyan. Malay nyo, biglang nagbago ang ihip ng hangin, naging habagat sa Mayon sa halip na sa Bacong sabi ng matatanda.
*****
Mayroong caravan laban kay Pangulong Marcos para matanggal sa puwesto. Dito pinangungunahan ng mga retired general at iba pang mga mamamayan. Impeachment ang isasampal kay Pangulong Marcos. Ito raw ay pangungunahan ng dalawang congressman pero hindi pa sinabi ang mga pangalan ng dalawang kongresista. At magkakaroon daw ng random drug testing sa mga kongresista, mga senador, at mga empleyado maging ang ating pangulo kasama rin sa drug testing every after 6 month. Magpapatest din ako kasi parang may laman ang tiyan ko, ang tingin ko bulate kasi gumagalaw galaw pero parang lumalangoy. Baka swimmer ito. Mabuti, wala pa tayong swimmer na magaling sa swimming.
*****
Noong una, iimpeach daw si VP Sara pero nang lumabas ang survey kay VP Sara na number 1 ito, ang mayayabang na mga kongresista nagsiurong ang mga bayag. Mga general na ngayon ang nagsusulong ng impeachment hindi kay VP Sara kundi sa Pangulo ng bansa at ang isinusulong sa impeachment ay ang tungkol sa pulboron. Akalain mo ang sabi noong whistle blower, mamatay na raw ang buong pamilya nila ang totoo lahat ang ibubunyag niya. Huwag niyo kaming idadamay, pamilya nyo lang, mga loko ba kayo? Hindi kasama pamilya ko, mga bangag kayo. Sila na lang diyan sa Malakanyang.
*****
Kumasa ang Korte Suprema sa Mandatory Drug Testing Bill na ipinapasa ni Paolo Duterte. Ito’y nangangahulugang lahat, pati pangulo ng bansa, may tama dito pati hair follicle yata ite-testing. Ang madadali dito ang mayayabang na kongressman na akala mo kung sinong magagaling pero ang alam lang naman ang ngumanga sa oras ng sesyon mga sampung beses siguro. Ah mali daw, sa buong maghapon mga beinte raw kasama pa iyong tulog kaya sulit ang maghapon hikab tulog, milyon ang halaga niyan.
*****
Bakit kaya pinalalayas ang mga Muslim sa ibang bansa tulad ng Germany, UK at iba pang bansa na galit sa mga Muslim? Ang sabi ng mga Germans sangkot daw ito sa ibang terroristic acts at ibang kaguluhan. Maaring totoo ang bintang dahil ang totoo hindi pa naman ako nakarating ng Germany, ni makausap ko maski isang German. Ang gugulo talaga, hindi naman kanila ang Germany. Tuloy lahat ng blue mosque pati mga tao na hindi sangkot sa kaguluhan pinalalayas basta Muslim. Kaya ako maski masama sa loob ko magpe-praise the Lord na lang ako baka mapagkamalan pa akong Muslim. Mahirap na, baka mayari pa tayo, mukhang Muslim pa naman tayo?
*****
OK ang bakbakan sa pulitika sa probinsiya natin. Sa Congressman tuloy ang laban daw ni Mayor Sammy Laynes. Hindi na pagka-mayor ang laban niya kundi tumaas na siya, congressman na ang lalabanan niya at naghihintay na lang siya ng filing ng CoC at lalaban na talaga siya ng congressman. Balita ko ang isa pang sasabak sa nasabing puwesto ay si Dr. Patrick Azanza pero sa tingin ko kulang pa sa mga tao na siyang kailangan ng isang kandidato. Kung isa o tatlong tao mayroon ka, dapat damihan mo pa dahil iyan ang kailangan Mapera ka nga, wala kang matapat na tao na puede mong paniwalaan sa lahat ng bagay. Kung wala kang ganyan ng klase ng mga tao, mabuti siguro matulog ka lang ng mahimbing. Ang hirap yata ng nangangampanya. Ang isa pa na gusto pang kumandidato ay si dating congressman Cesar V. Sarmiento. Ang problema dito sa dating boss ko, masyadong mabigat ang kamay at wala na siyang ibang ipinagmamalaki kundi ang mga naging proyekto nia noon. Ang labanan ay ngayon at alam mo na maski wala kang proyektong nagawa pero may tigdalawang libo ang mga botante mo sa oras ng eleksyon, panalo ka dahil kilala ka pero kung mabigat pa rin ang kamay mo as usual butata ka na naman. Walang duda yan tanglad na naman.
*****
Tuloy din ang laban ng mabait na VG, basta ang laban daw ay fair na siya namang dapat. Wala lang daw maruming pamamaraan, OK lang sa kanya. Pero this time ang laban niya governor. Hindi na vice governor kundi goverrnor na, iyan po ang pahayag ng ating mabait na vice governor ng probinsya ng Catanduanes. Tama, fair lang na laban, hindi daw siya sanay sa labanang nag-uupakan ng pangit na mga salita at maruming estilo ng pulitika. Iyan po ang mga pahayag niya sa oras na mag-file siya ng kanyang CoC sa tamang oras.

