Pinagtangkaang tapusin ang buhay ng dati at ngayo’y kandidato na namang si Donald Trump ng Amerika. Tuloy napatawag ang dating pangulo kay VP Sara Duterte ng Pilipinas. Ang tanong, bakit si VP Sara at hindi ang pangulo? Tila nakapagtataka naman ang ganyan dapat ang pangulo, hindi ang designated survivor. Ang totoo, designated lang naman ito eh at hindi pa natin alam kung sino ang nag-designate sa kanya. At saka isa pa, ang designated survivor sa parteng ito ay si Trump at hindi si Sara? Siguro may importanteng sasabihin lang si Trump? Pero dapat ang ipatatawag na ang traveller man o baka naman nasobrahan na sa kata-travel at kawawaldas ng pera ng bayan kaya pinatigil na muna, kawawa kasi ang mga Pinoy? O baka nagandahan kay VP Sara, mauso na naman ang kanta at sayaw na selos?
*****
Samantalang nasa Washington si VP Sara, nasa Nueva York naman si Ka Eric Celes, ang kadikit ni Duterte at pinakulong ng Kongreso sa hindi pag-reveal ng source kung saan nang galing ang pondo ni Tamba. Puwede pala ang ganun? Pinatawag si VP Sara ng isang bilyonaryong kandidato ng USA sa pagkapangulo? Tanong uli, bakit hindi ang pangulo? Nakainsulto naman ito, pinakamalaking tao ba dito sa Pinas si VP Sara, di ba dapat ang pangulo muna? Masyadong nakakainsulto o depende sa kursunada ni Trump? Alam niyo si Trump mahilig din sa magagandang bagay at mabubuting ugali ng tao kaya ganoon siguro? Ang gusto ni Trump iyong hindi mga plastic at hindi nagpapagamit sa mga taong plastic ang mukha. Mambubudol baga ang ibig sabihin?
*****
Kamakailan ay pumanaw na ang mabuti at sikat na sportscaster na si Chino Trinidad. Isa sa mga hinahangaan kong sportscaster dahil hilig ko rin maski anong klase ng sports. Ang balita ay kumpirmado ng anak na babae ni Chino na nagsasabing ang kayang mahal na ama na si Chino Trinidad ay talagang pumanaw na. Ganun pa man hindi inihayag ang totoong dahilan ng kanyang kamatayan. Hayaan na lang natin iyon pribadong bagay iyon at tanging pamilya lang ang nakakaalam ng lahat. May you rest in peace Chino.
*****
Kulong ang ACT Teacher Partylist representative na si Castro at Bayan Muna representative Satur Ocampo sa kasong child abuse sa Tagum, Davao del Norte at apat na taon hanggang walong taong pagkakulong ang pataw sa mga akusado. Ito ay nagmula ng ang mga akusado ay inihabla ng mga magulang ng mga batang katutubong Lumad na tinangay at dinala sa Maynila sa anong dahilan at ito ay itinanggi ng mga nasasakdal ganun paman ito ay hindi kinagat ang mga alibi ng mga akusado at pinaniwalaan ang mga nagrereklamong mga magulang ng mga katutubo.
*****
17 K na mga Pinoy pinauuwi ng DFA dahil sa kaguluhan ngayong nangyayari sa bansang Lebanon. Ito ay sa kabila ng lahat na gustong pauwiin ang mga Pinoy at ayaw pa ring magsiuwi at sa kabila ng alert level 3 na ang sitwasyon. Ang mga Pinoy na repatriate ay nasa limang daan lamang at ayaw pa rin talagang magsiuwi sa kabila ng pag-aamuki ng gobyerno. Ang dahilan ng mga Pilipino bakit ayaw magsiuwi ay dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa. Kumbaga ang labanan ay kapit sa patalim.
*****
Kilala na ang bumaril sa presidential candidate ng USA na si Trump. Siya ay si Thomas Matthew Crooks at at taga sunod ni Pangulong Joe Biden at katunayan ayon sa mga intervew sa kanya ang ibinoto raw nito ay si Joe Biden. Mahusay ding tao ito kumbaga tapat siya at talagang handa siyang ipaglaban ang taong gusto maging buhay nito ang kapalit ika nga. Ang nasabing tao ay dalawampung taong gulang lamang. Ang hindi lang nasabi sa balita kung kaanu-ano niya si Babalu. Kung ano ang dahilan at bakit trip niya si Trump ay hindi sinabi.
*****
Sa sports pa rin, natuloy na ang trade ng Hotshot at Northport. Ang 6’7 na si Xavier Lucero mapupunta sa Magnolia at si Jio Halalon sa Northport at parang nagpalitan lang puwesto at babakan na naman. Ang importante nga naman sa ganyan ang kumita ka habang kumakayod upang mabuhay at wala kang pakialam kung kanino ka.
*****
Ang labanang Trump vs. Biden sabi sa mga political analyst ng Amerika ay halos one-sided. Malaki ang lamang sa medyo ulyanin nang si Biden. Iyan ang sabo ng mga sira ang tuktok na mga political analyst ng USA. Samantala ayon naman sa political analysts ng USA, nakakalamang ang administration candidates dahil ito ang maraming perang magagastos lalo na ang pera ng bayan. True ang mga analysis nila lalo na ang eleksyon sa Pinas kung saan kung hindi ka kandidato ng nasa power, wala ka dahil wala kang pera.
*****
Maraming makakawalang buwaya sa ika-20 ng kasalukuyan. Makakawala sila at manginginain dahil medyo gutom na sila at halos hindi na magawa mga proyekto nila o maaring nakapasiguro na sila para sa eleksyon sa 2025. Pero mga buwaya paanong makakawala sila samantalang guwardiyado sila at mahigpit ang guwardiya? Pakakainin nga pala sila at 20 milyon pesos ang nakalaan sa mga alligator at iba pang gastusin. Bibigyan din siguro ng pera pandaya sa eleksyon kasi nga alam nila na magastos ang eleksyon dito sa atin. Gusto nyo manghuli ng buwaya, gawin nyo pero kuwidaw may mga kamandag ang mga iyan parang mga ahas din ang mga iyan?
*****
Ang mga kakandidato nga pala sa pagka-kongresman dito sa lone district ng Catanduanes ay ang mga sumusunod at ito ay tiyak na ayon sa nalaman kong balita sa mga taong tapat at mga kalaban sila. Bagamat hindi pa opisyal ito dahil bawal pa at hindi pa sila nakapagpa-file ng CoC pero ang mga balita ay kumakalat na. Ang nangunguna ay si Amigong Sammy Laynes, Cesar V. Sarmiento, Patrick T. Azanza, TGP Cong. Bong Joson Teves sa partylist at Cong. Zaldy Co, sa partylist din. Sila ang alam kong maaaring magsalpukan sa 2025.

