Mukhang magkakatuluyan ang France at Russia sa banggaan nila tungkol sa pagtulong ng France sa Ukraine na ayaw naman ng Russia. Gusto ng France na tumulong sa Ukraine at ang sabi pa ng France, bakit, kayo lang ba ang may nuclear weapons? Ipinahayag kasi ng Russia na gagamit siya ng nuclear weapons kung may ibang bansa na makikialam sa away nila ng Ukraine. Ang problema, member ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kaya obligado ang mga kasapi sa NATO at ito nga ang France, Poland at ilan pang kasapi sumama na sa France laban sa Russia. Ang pangako ng France sa pamamagitan ng pangulo nila na si Macron na magpapadala sila ng abot sa 60 thousand troops ng mga sundalong Pranses vs, Russia dahil sa marahas na pag-uusap. Para ding mga Pilipino na ang nasa ulo puro digmaan pero wala namang ibubuga maliban sa pag-aasa sa ibang malakas na bansa tulad ng USA, India, Japan, at Australia. Mayayabang lang dahil nakasandal sa ibang malalakas na bansa. Pero ang diperensiya ang sarili nating problema tulad ng matataas na bilihin hindi kayang solusyunan pero pakikipag-giyera ang inaatupag. Mga mayayabang at mga sira ang mga ulo.
*****
Number one target ng China ang Pilipinas, yan ang dahilan kung bakit naririto ang USA. Ano kaya kung huwag lang makikialam ang USA siguro hindi naman hindi tayo titirahin ng China ng atomic bomb dahil hanggang itak, paltik, at mga sibat lang tayo. Pero dahil nakikialam ang USA, damay na rin tayo sa uupakan ng nuclear weapon ng China. Mabuti na lang tutulong sa atin ang QUAD na binubuo ng USA, INDIA, JAPAN at Australia. Malaking tulong ito sa Pilipinas pero pakikipag-away ang sadya natin at hindi pakikipagkaibigan. Maganda ang ganito pero ang pag tulong ng mga iyan ay hindi panghabang buhay iyan ay pansamantala lamang at limitado siyempre ang tulong nila. Naiisip kaya ito ng mga lider nating mga hambog at mayayabang na ang tanging armas ay mga baril na yaring Cebu (paltik) at mg itak na mabuti kung mga yaring Batangas at Tabaco? Sobrang yayabang ng mga lider natin pero pag nagkagiyera takbuhan yan sa ligtas na bansa dahil sila ang may kuwarta para ipamasahe. Gugulang ng mga diyaske tapos tayo maiiwan dito tayo ang maghihirap dahil sa kagagawan nila at tayo ang makikipaglaban sa gusto nilang giyera. May kalokohan ang mga sira ulong ito?
*****
USA nagbigay na ng ultimatum sa China, digmaan na kung digmaan. Sumosobra na kasi ang China sa pambobomba ng tubig sa mga Pilipino na nagsusupply ng pagkain sa mga sundalong na nasa barkong nakahimpil sa sakop natin. Bakit kayo nananakot? Bakit hindi nyo dalhin ang kaso sa international court? Iyan lamang ang tamang pamamaraan para malutas ang problema. Pero kung ayaw Ninyo, wala tayong magagawa kundi lumaban na lang tayo. Lumalabas kasi na tayong mga Pilipino ang siyang may gawa ng kalokohan at siyang nanggulo sa China.
*****
Matagal na ang alitan ng China at India dahil sa expansionist policy ng China. Ang border ng China at India ay may sampung ibong nakahanda na at naghihintay na lamang ng order upang simulan na ang bakbakan. Kaya oras na nagbigay ng go signal ang USA sa ayaw natin sa gusto wala tayong magagawa kundi kumilos at lumaban Pasalamat tayo dahil ang mga bansang handang tumulong at nakikisimpatiya sa pangaapi sa atin ay handang lumaban Naririyan ang Indonesia, Australia, India at Japan. Magsuicide na lang kaya tayo dahil pupulbusin daw tayo ng mga makapangyarihang bansa. Panoorin na lang natin ang bakbakan nila na parang nanonood ng pelikula.
*****
Gigil na rin ang Spain dahil galit na rin na ang dating bansang sakop nila minamaltrato ng China. Magpapadala rin ang Spain na nararapat na armas para sa Filipinas sakaling sumiklab ang digmaan. Sinasabing malalakas na armas pandigma ang ipadadala ng Spain. Sa pagkakataong ito hudyat na lang USA ang hinihintay para simulan na ang away ng mga sira ulo.
*****
Sports muna tayo dahil nakakatakot ang mga balita. Katatapos pa lang ng labanang Iran vs USA vs Yemen vs Lebanon, vs Houthis vs Somalia at iba pang bansa pero hindi pa natatapos ang labanang CCS vs Cherry Tiggo na kung saan nakatikim ng talo ang CCS pero pasok parin ang CCS at nangunguna sa standing sa PVL All Filipino Conference. Kaya hintayin natin kung sino ang mahihirap na katapat ng CCS sa finals.
*****
Pero kung matutuloy ang hidwaang China at Pilipinas o China at USA, tigil ang lahat at balik paghihirap tayo na parang panahon ng digmaang Japan at Pilipinas. Paghihirap na katakot-takot na naman ang daranasin natin at magiging masaya ang kasalukuyang administrasyon dahil sasabihin na nagdaan pa lang digmaan kaya tayo naghihirap. Lusot na naman ang mambubudol ng mga tao na gusto ng digmaan hindi nga mapaayos ang ating bansa. Ang presyo ng bigas 20 pesos ang 1/4kilo. Budol pa more.
*****
Pinalalabas ng mga kalaban ni Duterte at mga anak na sila ang may kasalanan sa gulo sa South China sea. Pero ang totoo panahon pa ni pangulong Noynoy Aquino, nagkakagulo na ito at mayroon ngang inuutusan si Noynoy para ayusin ang lahat pero wala namang nangyayari at walang sinasabi ang inuutusan ni Pangulong Noynoy noon. Hanggang ngayon walang nangyari sa pa backdoor channel ni Noynoy noon. Ang ginawa ni Duterte ang pinakamaganda, walang problema noon at tanging dada lang ni Carpio ang marami noon pero hindi tayo binobomba ng water cannon ng mga abusadong Tsekwa.

