Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BANTA NI XI JIN PING, DIGMAAN SA LOOB NG 37 ARAW

Sa loob daw ng 37 araw magkakaroon ng digmaan, ayon kay Xi Jin Ping ng bansang Tsina. Kasama tayo dahil isa tayo sa tagahimod ng wetpu ng Amerika. Pag ano ang sabihin ng Amerika, sunod tayo dahil kung hindi kawawa tayo. Nadapo lang tayo sa likod ng kalabaw, parang ang tingin natin sa sarili natin kalabaw na rin tayo. Ang tatapang ng mga lider natin, puro giyera ang hamon ng mga asungot. Para bang ang dali ng salitang giyera sa kanila, haghahamon kaagad. Okay yang digmaan kung ang ibabala sa kanyon una si BBM at asawa niyang kadikit lagi kung saan pupunta. Isunod ang mga senador na puro mayayabang na akala mo alam ang lahat pero magtatanong muna sa mga marunong kung ano ang gagawin at puro pangako sa mga tao. Puro kayabangan ang maririnig mo sa Senado, puro grandstanding at feeling mga pabida lalo ngayong malapit na naman ang halalan. Ang sabi ni PBBM, hindi raw magtatagal ay magiging superpower tayo sa buong Asya. Nadapo lang sa kalabaw ang bangaw, tingin niya sa sarili kalabaw na rin siya. Nakakahiya dahil local insurgency hindi nga magawan ng solusyon tapos nag-aambisyon na ng malaki? Hindi nga makalutas ng problema sa mataas na presyo ng bigas at iba pang bilihin, ipagyayabang na na magiging super tayo sa hinaharap.

*****

OK, hindi masama mangarap kung ang problema sa harapan mo ay nilulutas mo muna. Magyayabang ka, ang problema mo sa harapan mo tambak at hindi ka na magkandaugaga. Presyo lang ng bilihin wala kang magawa, pagiging superpower pa ang pagaambisyunan mo, hambog ka. Pagsumikapan mo munang malutas ang problema mong sangkaterba bago ang kayabangan mo. Diyan ka muna mag-focus bago ang kahambugan mo dahil diyan ka masisira sa kahambugan at kayabangan mo paris ng isang Senador diyan na puro kayabangan ang nasa utak at pagyayabang na makamahirap siya para makuha niya ang pangarap niyang maging kung sino balang araw. Sariling interes lang ang hanap sa totoo lang. Balik tayo sa kahambugan ni XIiJin Ping, binigyan ng 37 araw ang kalaban na kung hindi digmaan ang kahahantungan pag hindi nagkasundo sa usapan. Bolerong Intsik, kung makikigeyera ba kailangan ipaalam mo sa kalaban na gigiyerahin mo ang kalaban mo? Kalokohan, di makapaghahanda ang kalaban mo. Puro blapero ang mga pinutukan ng lintik na ito, mga walang magawang matino ang mga taong bundok na ito. Mga sira ulo, ang lahat ay kinukuha sa matino at mapayapang usapan, hindi dinadaan sa bayolenteng pamamaraan. Ang gusto ng mga lider natin digmaan, hindi nila alam kung gaano kahirap ang makatkim ng digmaan? Akala nila laro-laro lang, pag nandiyan na lahat ng santong may ulo at wala tatawagin mo dahil ayaw mo na.

*****

Pulitika talaga ang ganda lalo na pag nagbababanatan na tungkol sa mga kapalpakan nila at kapalpakan ng mga kasama nila. Puro pabida at puro mga sikat sila. Ang tinutukoy ko ang bakbakan ni Biden at Trump. Parang mga sira ulo akala mo mga bagong labas sa mental hospital pero mas malala dito sa atin ang mga pulitiko, parang bagong labas sa rehabilitation center ng mga adik. Siraang nakakatakot, puro naman magnanakaw bilyones pa pero pag may nahuli ang pulis na five hundred pesos lang ang ninakaw ang kulong niyan limang taon. Yung pulitiko milyon ang ninakaw, hindi makukulong dahil magaling magbayad sa abogado at huwes at piskal na mga mukhang kuwarta ang pagmumukha. Palaala, hindi ko po linalahat sila. Ngayon kasing nalapit na ang midterm eleksyon, parang mga kokak na naman ang mga pinutukan ng linta na akala mo mga palakang kokak na magagaling, mayayabang, mga pabida at ayon sa kanila marami daw silang nagawa sa kanilang panunungkulan. Hindi na nangahiya! Alam ba ninyong lumalabas sa pag-aaral na kaya tayo naghihirap at naghihirap pa dala ng grabeng nakawan sa gobyerno? Mga pulitikong magnanakaw, huwag kayong maniniwala, wala namang nakakakita sa mga ninanakaw ninyo at saka may kakutsaba naman kayo. Ang masama, alam ng mga kasabwat ninyo na mga lechugas kayo at mga dorobo.

*****

Dictator for life ang dalawang mga sira ulo na sina Xi Jin Ping at Vladimir Putin at ang tanging alam lang ay makipag-away at mangamkam ng hindi nila pag-aari, lupa man, ilog dagat o anupaman. Ito ang mga taong dapat ideklarang mga terrorista dahil wala namang ginagawa ang mga lokong ito kundi makitang nagugulo ang mundo. Pag nakitang umaasenso ka, masama ka kaya dapat guluhin ka o di kaya patayin ka. An ideolohiya nila ay ideolohiya ng mga sira ulo kaya marami ng sira ulo sa mundo natin. Sana mamatay na lahat ang mga ulol na ito dahil sila ang sumisira sa mundo nating napakaganda. Pero ang mundo ay hindi raw mabubuo kung wala ang mga pangit ang ugaling tao.

*****

Hindi masyadong problema ang Russia ng USA dahil maraming kaalyado ang USA sa Europa, naririyan ang Germany, France, Italy, Australia, UK, Poland, Finland, Sweden, Brussels, at marami pang iba. Ang problema ang Pacific. Ang tanging problema dito ang kasapi kayang lumpuhin ng mga Intsik at tanging Japan lamang ang malakas. Ang iba puro kayabangan lang ang marami sa kanila, tulad ng Pinas, puro sihong lang ang marami sa kanila. Presyo lang ng bilihin hindi kayang pababain, magyayabang pang ibabalik na daw ng Malaysia ang Sabah. Alam ba ninyong napakayaman ng Sabah at inaangkin nila ito at ipaglalaban ng patayan. Puro kayabangan ang administrasyong ito, wala namang napapatunayan. Tumahimik na nga lang kayo, mga kokak. Tingnan ninyo sa kalye survey, nangunguna sa pagka senador si Digong at tahimik na nagtatrabaho lamang, walang kibo, walang masyado sa maski anong bagay kaya malamang na manguna pa pagka senador sa 2025 midterm eleksyon.

*****

Tumataas daw ang economiya ng Pinas. Magandang balita yan pero kung hanggang balita lang yan, wala namang prueba, nagpapapogi lang si Pangit. Ang totoo, mataas pa rin ang inflation rate natin. Patunay mataas rin ang lahat ng mga bilihin at lampas leeg pa rin. Kaya papaanong sasabihin ninyong ang ekonomiya natin ay Maganda?  Puro kayo papogi sa Pangit ninyong amo, sira naman pagdating sa palengke dahil diyan makikita kung ang ating economiya ay gumaganda paris ng amo ninyong malakas mambudol.

*****

Pinagbabayad si Trump sa election case niya pero ayaw magbayad. Bilyonaryo ayaw magbayad o talaga lang ayaw magbayad dahil ayaw niya talagang magbayad. Ganyan talaga ang ugali ng mga mayaman pag konting halaga ayaw ng magbayad kahit maraming pera sa totoo lang.May maniniwala naman kaya na walang pera ang isang bilyonaryong katulad ni Trump? Hindi pa nga nagiging pangulo uli, sinungaling na? Ang totoo, ayaw ko kay Trump masyadong madada at naka- turn -off pagdaldal ng daldal. Parang si Marites, maraming sinasabi. Patitigilin nya raw ang giyera sa Ukraine sa loob ng 24 oras. Pulitikong sira ulo din ito. Subukan mo ngang sawatain si Xi Jin Ping sa loob ng 24 oras? Yabang mong mukhang parrot ka.

*****

Binawi na raw ni Gabby Concepcion si Sharon Cuneta kay Kiko Pangilinan. Ano naman kay pakialam ko kung binawi ni Gabby si Sharon, kakain kaya ako ng sapat sa oras? Yayaman kaya ako? Kung mababalitaan ninyo na nagkabalikan na kamI ni Nora, iyon ang dapat magbunyi kayo dahil matagal na kaming hiwalay. Sino nga pala si Nora?

Exit mobile version