Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MAS NAKARARAMI ANG MUSLIM SA BUONG MUNDO

Lalong tumitindi ang labanan ng Iran vs USA-UK at marami ang nagpapalagay na ang lahat ng di pagkakaunawaan ng mga bansang ito ay magiging mitsa na ng digmaang pandaigdig. Nakakatakot na ang mundo natin, mga mainit ang ulo. Bawat isa nag-aakusa na tama sila, wala kang makikitang mali sa kanila, puro tama at may magagandang katuwiran kahit ika nga ang totoo ay baluktot ito at di makatuwiran. Tulad halimbawa ang ginawa ng Hamas, basta na lang biglang mang-aatake ng dati nang kaaway na bansa. Gumanti ang Israel at ang tawag nila doon sa ginawa ng Israel bilang ganti sa Hamas ay genocide. Ang ganti ng Israel kaya tawagin na lang nating suicide kasi ganting umaatikabo at halos hindi na maawat. Patay kung patay, walang tigil na paghihiganti ika nga at hanggang ngayon naghihiganti pa. Inaawat na ng USA, tira pa rin. Sumiklab na ang giyera ng USA-UK vs Iran, Yemen, Egypt, Scotland, Lebanon, the Houthis, Hamas and other countries like Russia, China pati Poland, Sweden at ibang bansa tulad ng Spain, at Brazil. Ang Egypt sumali para labanan ang Israel, hindi para umawat kundi (sabi ngani sato magsurog) kaya ang labanan surorogan. Ang maraot mauuli ini sa laban ng Cristiyano kontra MUslim. Pag nagkataon, todas tayo dahil sa mundong ito marami sila tulad na lang sa Asia na isa lang ang Kristiyanong bansa, ang lahat Muslim na. Maski dito sa atin marami ang Muslim kaysa sa Kristiyano.

*****

Ang maganda lang, ang ibang bansa nakikisawsaw hindi para makipagdigmaan kundi para umawat sa digmaan ng sobrang iinit ng ulo. Tulad ng Spain na ang pakikialam ay para masawata ang digmaan at magawan ng solusyon sa mapayapang pamamaraan. Hindi katulad ng ibang bansa tulad ng Egypt na sinusulsulan ang kalaban ng Israel ng pakikipagdigma kaya ang ginawa ng Egypt, pinarada ang 40 tangke de giyera laban sa Israel na akala mo naman aatrasan sila. Ang Canada ay para din sa kapayapaan puera sa Scotland na ang pagsawsaw nila ay galit sa mga Israelites ng hindi mo maintindihan na sa halip na mag-awat mag-uudyok pa. Halos lahat ng bansa sa Europa, sumawsaw na at nagkakampi-kampihan na parang mga aso na pagtahol ng isa, sali rin ang iba. Ugaling aso baga na pagtahol ng kasama, lahat sasali rin. Mabuti pa nga ang mga hayop may mga isip pa, tingnan mo ang aso at pusa mahigpit na magkaaway pero sa bandang huli magkakampi at naglalambingan pa nga. Kung natutulog pa, nagtatandayan at tunay na magkaibigan habang buhay. Sana maisip ito ng mga tao na maiksi ang pisi. Medyo haba-habaan ninyo ang inyong mga pisi para gumanda ang takbo ng buhay ng mga tao sa mundo.

*****

Ang labanang Duterte at Marcos ay tumitindi dahil ang bawat isa ay may ambisyong pumaibabaw, hindi lang para sa tatlo o apat na taon kundi mahabang taon sa kapangyarihan. Puro ambisyoso ang mga dipungal na ito maski mga nasa taas na at hawak pa ang kapangyarihan nila. Iba ang nasa kapangyarihan ka at nasa puwesto pa. Hanggat ang political dynasty hindi nawawala, hindi mawawala ang mga buwaya sa mundo ng pulitika. Kaya nga dumadami ang mga pulitiko dahil maraming yumaman sa pulitika. Tulad sa mga Marcos yumaman, hindi naman tulad nila Villar, Tan, Uy,Gokongwei at marami pang iba na kaya yumaman dahil sa negosyo at hindi sa pulitika. Papaano ngang yumaman ang Marcos, hindi naman sila negosyante?

*****

Sa lahat ng survey kung sino ang mahusay mamuno sa loob ng dalawang taon, isa lang ang sigaw ng tao: ibalik si Digong sa pagkapangulo dahil walang kuwenta ang kasalukuyang pamunuan. May sumisigaw pang mabuti pa raw magresign na lang ang pangulong PBBM kaysa patuloy na humihirap ang mga Pinoy at wala namang nagagawa ang ating gobyerno. Dismayado ang mga Pinoy sa taas ng presyo ng mga bilihin at natodas ang mga pangako. Mabuti pang sabayan na lang daw pagbaba ng mga bilihin ni PBBM.

*****

Nangkakaso si Sen, Hontiveros pero ang totoo siya ang maraming ginawang kapalpakan sa gobyerno. Ito ang sabi nga ng isang senador na bago ka magsalita, maligo ka muna dahil ang dungis mo kitang-kita ng lahat pati amoy mo, ang baho. Huwag kang epal kasi alam naman ng lahat ang kapalpakan mo. Nakakahiya kaya buti pa siguro manahimik ka na lang, baka hindi maamoy ang baho mo. Baka hindi alam ng publiko kung sino ka at ano ka lalo na tungkol sa Philhealth ang usapan. Ang sangsang ng amoy, nakakadiri!

*****

Ang mga galit kay Duterte hindi na nangahiya. Sa lahat ng kalye survey nangunguna ang admin ni Digong kumpara kay PBBM. Pinalalayas si PBBM ng mga tao dahil ang hirap daw ang buhay ng mga tao. Sa ibang salita, mahirap ang mga tao, hindi na sila maka-aray, umiiyak na lang dahil sa pamumuno na malamya at punong-puno pa ng kababalaghan na hindi maintindihan kung sino talaga nagpapalakad, babae ba o lalaki?

*****

Sa kalye survey pa rin, ang VP Sara ang nangunguna sa mga nais magpangulo sa 2028. Kahit saan mo ilagay si VP Sara, hindi magbabago ang pagmumukha niya at hindi masisindak ng isang kalaban lalo na sa isang kalaban na maninindak gamit ang taong bayan dahil makamahirap daw siya pero saksakan ng yabang at isang grandstander kung magsalita, akala mo totoo puro kayabangan lang naman. Ang dami nila sa Kongreso at sa Senado, puro kayabangan at puro mahilig sa granstanding. Mamatay na sana sila sa yayabang nila. Mga pinutukan ng lintik kayo!

*****

Agree ba kayo na pinakawalanghiyang speaker si Romualdez? Iyan ay tanong lang naman kung agree kayo o hindi? Sa tanong na iyan, mahirap sagutin kasi hindi naman natin personal na kilala ang tao kung ano at sino at ano ang pagkatao niya. Marami tayong nababasa tungol sa kanya pero hindi natin siya kilala ng personal kung gaano ba kasama siya sabi ng ilan at gaano ba siya kahalaga kay PBBM at kay Lisa. So no comment tayo sa kanya.

*****

Nagkargahan na ang Magnolia at katapat nito sa tinatawag na trade o palitan ng mga player sa PBA. Calvin Abueva at Tolentino ang nasa headline pero wala pang katotohanan dahil bandang huli marami pang pagbabago. Marami pang mga pagbabago katulad ng ang sabi ikakasal ako kay Catherine Zeta Jones, iyon pala Marites lang dahil ang totoo ikakasal pala ako kay Aruray, eh, matagal na palang namayapa iyong tao at prank lang pala ang lahat. Sana totoo akalain mong artista ang mapangasawa mo? Joke lang patawa!

*****

Nag-uumpisa na ba ang PVL sa mga professional sa babae o nagpa-practice lang ang lahat kasi magaganda ang laban lalo na ang mga legs ng nagagandahang players sa volleyball. Maglalabasan din ang mga legs na puro peklat at ang daming piso at beinte singko at ang papangit talaga pero natatakpan sila ng mga nag-gagandahang mukha at legs ng magaganda. Nandiyan si MG, kababayan nating Vanie Gandler, Alyssa Valdez at marami pang iba at tatakpan ang medyo di kagandahan ng iba nating players.

Exit mobile version