Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

HINDI NA UMAARAY ANG MGA PINOY SA HIRAP NG BUHAY, UMIIYAK NA LANG

Kung magtatanong kayo kung kumusta na ang kalagayan ng mga sundalong Amerikano at Ingles sa kanilang pakikipalaban sa mga Yemenis at Houthis at mga Iranians, at any rate umaabot sa atin ang amoy na mga sunog na sundalong Iranians,Yemenis at Houthis. Sinasayang lang ang mga buhay nila sa walang katuturang pakikipaglaban. Iyan ay gawa ng mga lider nilang ang sariling interes ang ipinaglalaban, hindi ang interes ng sarili nilang mamamayan. Hindi malamang mangyari din ito sa atin dahil mga mayayabang at pabigla-bigla ang ating mga lider at mayayabang pa. Akala mo kung oras na magkaroon na ng giyera, sila ang haharap sa laban at sila ang makikipagpatayan. Ang kawawa ang ating mga civilian na siyang apektado sa lahat ng giyera o sa digmaan ng walang katuturang pakikipag-usap ng mga siraulo nating mga lider na ang tanging alam ang sarili nilang kapakanan. Ang kapakanan ng mga tao nila, hindi na nila iniisip, tanging kanilang kagalingan at kapakanan lamang. Sa madaling sabi, ang kagalingan lamang ang kanila at wala nang iba pa. Kumbaga ipapahamak lang nila tayo. Ginagamit lang tayo sa kapritso nila. Tulad ng Yemenis, Houthis, Lebanese at iba pang bansa na lulusob lang sa digmaan gamit ang kanilang mga sundalo kung ano ang kanilang ipinaglalaban.

*****

Ang susunod na target ng USA ay ang Syria at Iraq, mga bansang ang mga utak nasa talampakan at wala sa ulo. Alam nilang matatalo sila at gagawin lang silang target ng mga Kano, sige pa rin ng sige. Grabe ang utak ng mga taong ito. Sobra ang sira ng mga ulo. Kung sakaling mangyari ito sa atin dahil marami rami rin ang may saltik sa ulo nating mga lider, ipapatay natin kaagad kasi madadamay pa tayo sa mga kawalanghiyaan nila at marami pa tayong madadamay. Kung sila hindi nanghihinayang sa buhay nila, pabayaan nila tayong gustong mamuhay pa nang tahimik. Ang target ng USA ay Syria at Iraq, pabayaan natin sila, wala tayong pakialam sa kanila, ang importante tahimik tayong namumuhay.

*****

Gusto na ring sumali ng Sweden sa rambulan siguro kaya na ng digmaan kaya malakas na ang loob at gustong makatikim ng hirap sa buhay ng bansang nakikipagdigma. Ang lugi lagi diyan ay ang mga walang malay na mamamayan. Dahil ang totoo, ang civilian ni hindi nila alam kung bakit nasuong sila sa ganoong gulo. Hindi nila alam napapalaban na pala sila at ang pinag-aawayan ay kapirasong lupa o ano pang mga bagay na wala namang kaugnayan sa araw-araw nilang pamumuhay.

*****

Dito naman sa atin, awayan ng pulitika kasi ang pulitika sa atin isang bagay na parang ginto lalo pag napasok ka na diyan at natikman mo na ang sarap ng buhay ng isang makapangyarihan at ang dulot nito sa buhay mo. Sasabihin mong langit pero ang lahat ng ito habang nabubuhay ka lamang dahil ang lahat sa mundong ay may katapusan. Hindi ika nga forever. Tingnan mo, maraming sumikat pero nauwi din sa wala, naging abo rin sa bandang huli. Kaya ang mayayabang at pasikat na iyan, ngayon lang yan, may hangganan din yan lalo pag naningil na ang maniningil. Sasabihin mo na lang na TODAS na si Manoy, TODAS na si Manay.

*****

Gusto ipaaresto si Duterte pero sabi ni Duterte hindi siya pahuhuli ng buhay. Gusto siyang ipahuli ni Trillanes at ang tanong ng taga-AFP, sino daw si Trillanes para utusan sila. Supalpal. Sino nga siya para utusan ang AFP? Nakita nyo kung gaano kasarap ang isang tao kung makapangyarihan. Duterte, Marcos, Romualdez, puro makapangyarihan at ayaw nilang iwanan ang puwesto nila kasi ang sarap manatili diyan lalo mataas ang posisyon mo at dino-diyos ka ng mga tao at higit sa lahat kung may negosyo lahat makukuha mo at ang daming p******pi kang hawak, di ba?

*****

Bagsak si BBM sa mga kalye survey ng mga vloggers. Sabi nila nabudol daw sila, ang akala daw nila gaganda ang buhay sa admin ni BBM. Sabi mumura ang mga bilihin pero lalo itong nagtaasan. Beinte pesos daw isang kilo ng bigas, iyon pala beinte pesos ang 1/4 kilo. Ang mga Pilipino, hindi lang umaaray sa presyo ng bilihin, umiiyak lang sila ngayon. Nasaan iyong pangako na lahat ng bilihin magiging mura? Ang totoo isa rin ako sa nabudol pero kilos lang ako. Sisingilin din ng karma ang mambubudol na iyan sino man siya. Dadating din sa kanya ang kawalanghiyaan niya nasa pagkakataong naghihintay tayo.

*****

Sobrang yayabang at aarte ng mga kongresman at mga senador natin, talo pa ang presidente kung magsi-asta. Parang akala mo kung sinong mga haragan at wala nang respeto sa kanilang kapuwa manggagawa sa gobyerno. Sobrang yayabang at hahambog, mga mandarambong naman at mandadaya pa kung panahon ng eleksyon. Hindi naman mananalo pa ang mga iyan kung hindi nakapagnakaw ng pambili ng boto.Tapos kunwari kung sinong mga mayabang na akala mo kung sino magagaling na senador na siya o kongresman. Mga hambog kayo at mayabang, mga tagabutas lang naman ng silya sa congreso.

*****

Tandaan Ninyo, mayroong mangyayari sa goyerno natin at hindi na ninyo magugustuhan. Ang akin ay hula lang pero hindi ko sasabihin kasi hula nga at isa pa sekreto ito. Yung iba pinipilit akong sabihin ko na raw kung ano iyon. Ang sabi ko, saan kayo nakakita na inihahayag na sekreto nga. Sasabihin ko rin sa inyo pag nangyari na. 100% mangyayari ito at tandaan nyo lang hindi ko sasabihin kahit kanino dahil sekreto nga talaga ito. Sorry!!

*****

May isa pang sekreto akong sasabihin sa inyo na ang pangakong beinte pesos na bigas sa atin ay mananatili na lang sa alaala natin dahil ang nangako sa atin ay isang pulitiko. Abot ng 70 pesos ang isang kilo at aabot iyan ng isandaang piso isang kilo.Hindi na iiyak ang mga Filipino dahil wala nang idudumi, magsisitumba na lang sa isang tabi tapos wala nang iyakan dahil ubos na luha sa kaiiyak! Basta mamatay na lang dahil wala nang makain.Ang kakain na lang ang mga taga-Malacanang Palace dahil sila ang may kuwarta. Sekreto lang natin yan.

Exit mobile version