Maligayang Bagong Taon sa lahat, may kapansanan man siya o wala man, basta maligaya siya, binabati ko siya. At sana habang buhay, ang makarating sa lahat kaligayahang walang kapantay At makakamtan ng bawat isa sa atin maging tayo man ay nasa kabilang buhay na. At sana makamit natin ng lahat ng pinakaasam natin na mabuting gobyerno pati na ang pamamalakad nito.
*****
Maganda ang senyales na ipinapakita ng bagong taon ngayon at sana magtuloy-tuloy ito at sana huwag ng mabahiran ng iba pang pangit na larawan ng buhay. Bayaan na muna natin ang masamang pangitain sa buhay, focus muna tayo sa kung ano ang magdudulot ng magaganda at iwaksi muna natin ang mga pangit at masasamang mga bagay. Sa mabubuti muna tayo at ang masasama, huwag muna nating tangkilikin. Baka sa pamamagitan nito magbago ang ating buhay o magbago ang direkson o takbo ng ating pananaw sa bagong nating kabutihang tinatahak. Ang bansang Japan ay maunlad ugali, kasi nila ang lahat ng gamit ay pinapalitan pati siguro pag-uugali nila at ang tanging makikita natin sa kanila ay kaunlaran sa halos lahat ng bagay. Sana ganoon din tayo.
*****
Malungkot ang nangyayari ngayon sa bansang Japan dahil sa madalas nitong paglilindol at hindi lang basta lindol kundi matatawag natin na isa nang delubyo dahil talagang maraming tao ang namamatay tuwing mangyayari ito. Iyon ang pasalubong sa kanilang bagong taon. Minsan nangyayari din ito sa atin, bagyo nga lang at hindi lindol na kung saan medyo malaki-laki ang dalang damage sa atin. Pero sa totoo lang, ma-lindol o bagyo man o sunog pa, wala akong gusto. Lahat ayaw ko sa kanila dahil ito ay malaking peste sa buhay ng tao.
*****
Kung maaalaala natin ang ginawa ng mga Hapon sa atin noon na masyado tayong ginawang busabos ng mga punyetang Hapones noon, nakakapeste talaga at ginawa tayong mga kawawa at binalasubas ang pagkatao natin. Mga babae natin winalanghiya, mga lalaki natin ginawang mga gago. At tayong mga Filipino ginago pagkatao natin, winalanghiya pati pagkatao natin. Ginawang mga tau-tauhan sa posporo at iba pang mga kawalanghiyaan ang mga pinagagawa sa mga Filipino noong araw.
*****
Pero sa ating mga Pinoy ang nakaraan ay nakaraan bagamat masakit at napakahirap ng ginawa sa atin ng ibang lahing iyon at dahil mahirap tayo kasiya na sa atin ang bayaran tayo kahit pakonti-konti basta mayroon lang sa kabila ng ginawa nng pandudusta at pambalasubas sa atin. Pero kung naging mayamang bansa tayo, ibang kabayaran ang matatanggap natin at ibang pagtrato ang gagawin sa atin. Nagkataon lang na naging mahirap na bansa tayo at patuloy pa tayong maghihirap dahil karamihan sa mga kababayan natin ay mga kamaganak ni CROCODILE lalo na ang mga nasa Kongreso. Sabi nga ni dating pangulong Duterte, the most corrupt institution in the country is none other but Congress composed of upper and lower house. Andami talaga diyang crocodile, iba-iba pa ang kulay ng mga balat nila.
*****
Gustong palayasin si PBBM sa kanyang puwesto lalo na ng militar dahil weak leader daw ito at pag ang lider ay mahina, natural ang pamamalakad at maging gobyerno nya ay mahina din at palpak pa. At lalong mahina kapag ang tunay na nagpapalakad ng gobyerno ay babae. Babae nga ba ang nagpapalakad ng gobyerno natin? Kung ganoon isa ako sa nabudol dahil Marcos ikinampanya at ibinoto ko tapos babae ang nagpapatakbong gobyerno natin. Uso pa rin ang pambubudol.
*****
Akalain mo Presidente natin isang adik sa ipinagbabawal na gamot? Gaano ba ito katotoo at sinong mga tao ang makapagpapatotoo na gumagamit ang pangulo nito? Pero maraming nagpapatunay na ito ay totoo kaya nga kumalat ang video. Ang tanging paraan para mawakasan ang isyung ito, magpa-medical ang pangulo at pagkatapos aminin niya kung tutoo at magresign siya dahil nakakahiya. Imagine, pangulo adik? Iyon ay kung totoo ang bintang sa kanya kung hindi naman masamang pagbibintang iyan at managot ang dapat managot.
*****
May isang babaeng magaling sa larong billiards sa Davao city at marami ang dumarayo para makalaban siya at malaki ang pustahan. Kaya kung gusto nyo pang mahasa at makaharap ang magaling sa billiards na 15-years-old lang siguro dumayo na kayo at sabihin nyo agad na gusto kung makalaban si Reca Rendal at agad agad may kalaban. Si Reca Rendal mismo ang kalaban mo depende kung magkano ang pustahan ninyo at kung ilang racks.
*****
Marami nang players ng dating F2 Logistics ang humanap ng kukupkop sa kanila magmula nang ang F2 Logistics ay magdisband pero ang kampeon na CCS dati at dati pa rin bagamat nababalitang may aalis tulad ni Tots Carlos na pupunta sa Japan. Pero ito’y balita lang at walang confirmation pero ang siguradong lilipat sa kanyang kagrupo at dating Atenista ay si Denden Lazaro-Revilla. Nababalita ring aalis ang magandang si Alyssa Valdez pero hanggang balit lamang. Kamaganak siguro ni Marites ang nagbalita.
*****
Hindi nga nagnanakaw ng pera pero magnanakaw ng oras. Ito siguro ang pananatili ni Tulfo sa kanyang radio and at the same senador pa siya. Conflict of interest ang ang tawag dito. Biruin mo nagsisilbi ka ng two masters at the same time. Puede ba iyong ganoon ang tawag diyan ay kasuwapangan. Kung hindi man kasuwapangan, kawalanghiyaan at labis na kasibaan dahi gusto niya lahat kanya. May mga tao talagang gusto sa kanya lahat para sikat siya at para sabihing magaling siya at bidang-bida.

