Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

ANG KAGULUHAN SA KONGRESO PAKANA NG KANO SA PAMAGITAN NG MGA TAGAHIMUD

Napakagulo ng gobyerno natin sa kasalukuyan. Sa maniwala kayo sa hindi, nasa likuran na naman dito ang mga Amerikano dahil ang gusto nila mawala nang tuluyan ang mga Duterte na hindi marunong himurin ang puwit ng mga Amerikano at sambahin silang tunay na kanilang diyos sa lahat ng oras. Masakit tanggapin ang katotohanan pero ang tao, ang gobyerno at ang pulitika, ang pinahahalagahan talaga nila ay kuwarta at kapangyarihan. Bakit malakas ang loob ni Marcos? Dahil ang totoo  si Marcos at Romualdez ay nakasandal sa balikat ng mga Kano. Akalain mo, hinahamon ang China na kung totohanin tayo isang largahan lang ng mga Intsik ligwak na tayo bago dumating ang saklolo. Pero ang lakas ng loob ni Marcos. Bakit ipinagmamalaki niya ang Amerika? Naghahamon pa ng giyera gayong isang tuldok lang ng lapis ang laki ng Pinas kumpara sa bansang China. At mind you, pag sa pulitika at kapangyarihan ang nanaig ay kapangyarihan. Sino ang nagbigay pahintulot para mailibing ang ama niyang si Ferdinand sa libingan ng mga bayani? Tanging si Duterte lamang. Ito ba ay naaalala ng mga anak ni Marcos? Ang naaalala nila kapangyarihan sa loob ng anim na taon. Ang hirap niyan kung may ilang personalidad ang makialam tapos ang kapangyarihan mauuwi lang sa wala.

*****

Totohanan na talaga ang banggaang Duterte at Marcos at sa palagay ko nagpaplastikan na talaga ang dalawang kampo. Halata mo naman ang plastikan ng dalawa. Ang sabi ni Marocs noon, hindi ko ‘ika papayagan na manghimasok ang dayuhan sa ating bansa habang siya ay pangulo ng Pilipinas. Pinanghawakan ni Sara ang salitang iyon ni Marcos. Ngayon pag-aaralan daw ang lahat at hindi lang gusto pang bumalik ang bansa sa ICC. Ang hindi nila alam, tapos na ang usapang ICC dahil matagal na tayong hindi kasapi ng nasabing organisasyon. Katulad tayo ng bansang Russia, USA at China na hindi kasapi ng ICC. Kaya ang totoo kung susundin natin ang batas internasyunal, tapos na ang usapan. Pero sa mga gustong makaganti kay Duterte tulad ni de Lima at Trillanes, ang kaso ay hindi pa nag-uumpisa. Lalo na ang totoo ang Marcos ay walang isang salita. Sa ngayon, paibaiba na ito ng salita at wala nang sariling panindigan, halatang nakikipagplastikan na talaga. Kaya ang mabuti pakainin natin ang dalawang kampo na plastic na bigas, tutal iyon lang ang kaya ng administrasyong ito. P20 daw, kahit nga P21 hindi kaya pero ang travel ng taga-DENR at ng mga miyembro ng gabinete at ng pamilya Marcos, bilyon-bilyon ang halaga. Bilyon ang gastos pag pamilya pa-abroad, 20 pesos na bigas para sa mamamayan ubos na,

*****

Ang hula ko mga ilang araw pa, magkakagulo sa buong bansa. Hula ko lang naman ito kasi masyadong magulo at pati mamamayan magulo na rin dahil sa hindi maintindihan, maging mga opisyal ng gobyerno parang mga siraulo rin. Ito ba’y napapanahon lang o ang namumuno ay hindi kayang pamunuan ang ating bansa? Parang totoo ang sabi ni Digong na mayroon tayong lider na mahina. Tingnan ninyo, balikan yong mga kriminal, mga holdapper, lalo ang mga korap at mga adik, lahat ng krimen naglipana. Parang kabuteng naglitawan at makokak na naglabasan dahil tag-ulan na. Ano kaya kung magkagulo na naman ang bansa natin? Kasi mukhang mayroong darating na malaking unos at ito ay magmumula sa style na naman ng naghaharing uri na walang iba kundi kagagawan ng mga makapangyarihang tao sa bansa sa mundo at sa mga taong ika nga mga ipokrito at mga taong nagkukunwaring makapangyarihan pero wala naman.

*****

Hindi maka-iskor ang ICC dahil ang totoo, wala itong jurisdiction sa ating bansa dahil wala na tayong kaugnayan sa nasabing organisasyon magmula nang tayo ay humiwalay na na nasabing organisasyon tulad ng Saudi Arabia, Russia, Pilipinas, USA at China kaya ang pagsusumikap ng gustong makabawi kay Duterte, nganga ang labas.  Nganga rin ang mga nag-file ng resolution sa kongreso tulad ni Abante at Atras at ni Lagman, Hontiveros, de Lima at de Anim kasama pa si sundalong kanin at mga kamatayan bloc.

*****

Ito’y isang fake news. Totoo bang ginagawa lang na tuta ni Tambaloslos ang pinsan niyang si PBBM? Balita lang ito at totoo din bang ang nagpapatakbo ng bansa natin ay si asawa ni kuting? Hindi naman siguro. Tila malaking gawa naman yan ni Marites? Baka naman humihingi lang ng payo ang pangulo sa kanyang pinsan at sa kanyang maybahay? Pero kung totoo, sayang binoto at pinagtanggol ko pa naman siya. Pero ano ba yong balita na taga-DENR na biyahe nang biyahe, P1.1bilyon ang gastos niya sa limang biyahe lang at si Tambaloslos nasa P1.8 bilyon ang gastos ilang biyahe lang. At iyong biyahe ni PBBM at mga kasama sa USA, P1.2 bilyon din iyong mga nakaraang biyahe niya. Ang laking pera nawawala sa bansa? Kaya may mga nagsasabing masahol pa ang Tambaloslos sa Martial Law noon ni Apo Lakay.

*****

Nakita na ng lahat ang lakas ng import ng Hotshots at walang dudang magaling talaga ang import na ito. Ang mabuting gawin ng mga kalaban ay hanapan na lang ng katapat na mas higit pa kay Tyler. Sigurado yan may mas pa sa kanya dahil tao lang naman yan na mayroon ding kahinaan. Sa ngayon namamayagpag yan dahil hindi pa nakakakuhang katapat. Oras na nakakuha ng katapat yan, sasabihin nating nakuha na ang kanyang kahinaan, Kaya itigil na muna ang pamba-bash kasi dadating din ang araw na  hihina din yan pero sa Hotshots pa rin ako kahit anong mangyari ang galing, kaya nila. Akalain mo, 26 points nahabol pa nila at sa winningest coach pa at sa mahusay na import.

*****

Ang pinag-iinitan naman ngayon ni Tambloslos ay ang SMNI ni PAQ. Akala siguro ng mga taga-Kongreso hindi sila papalagan ng Pastor? Ang siste, sumagot kaagad sa Kongreso at nakahandang lumaban ito ng bardagulan kaya ubusan ng mga dapat ubusin sa oras ng laban. Ang isyu ay prangkisa yata kung hindi ako nagkakamali at mag-uumpisa na ang laban at diyan natin malalaman kung sino kay Tambaloslos ang matibay ang dibdib sa bandang huli ng laban nila. Ang masarap pakinggan diyan, ang tira ni Cong. Marcoleta ni maikokonsidera mong mahalaga ang mga sinasabi. Hindi katulad ng isang senador na all-knowing, wala namang laman ang mga sinasabi. Sabi nga isang kapuwa niya senador, tsismis lang ang mga dala sa Senado, na gusto pabida palagi para palaging nakatutok sa kanya ang camera para sikat palagi at pinag-uusapan sya ng mga tao. Buwisit talaga sa lahat ng buwisit!

*****

Tiyak daw na ang kaguluhan sa Kongreso ay may kinalaman ang American policy tulad ni Duterte na medyo hindi maganda ang pakikitungo sa USA. Papaano ka naman papanig sa mga Kano na gagawin kang tuta at tagahimud lang ng puwit nila at gagawin kang maging sunod-sunuran sa mga gusto nila kahit labag sa inyong kalooban. Malaki talaga ang galit ng Kano. Akalain mong pangulo ka ng pinakamapangyarihang bansa sa buong mundo, pagsasabihan kang “go to hell” ni Duterte? Ang masakit doon, wala namang hell at wala rin heaven. Ang heaven nasa lupa lalo kung kasama mo si Janine Gutierrez at Elizabeth Ramsey, heaven at hell pinagsama.

Exit mobile version