Site icon Catanduanes Tribune

Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

PABIDA

Marami ang nawalan ng gana sa pamamalakad ni PBBM, lalo na mga Senior Citizen na umaasa ng mabibigyan sila ng konting biyaya noong nakaraang Pasko pero wala naman pala. Isang malaking scam ito sa kanila na hindi makakalimutan sa kanyang pamumuno bilang Pangulo ng bansa. Sana makabawi siya sa bagay na ito. Alalahanin niyang ibang magalit ang mga Filipino at talagang ipatitikim sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa natitikman umaraw man o bumagyo. Sana kung may itinatago siyang alas ay ilabas na niya. Alas ang sinasabi ko at hindi kapalpakan tulad ng mga appointees niya sa gabinete na umpisa pa lang, puro kapalpakan na ang ginagawa. Pati mga senador niya, puro palpak. Ang tanging alam magyabang na para bang alam ang lahat ng bagay sa mundong ginagalawan niya. All knowing, kumbaga parang Diyos na alam lahat, parang superhero at gusto niyang ahensiya ng gobyerno alisan ng trabaho. Tunay na pabida.

*****

Karamihan sa mga sangkot sa krimen sa ngayong wala na si PRRD ay tungkol sa drpga at bilyon bilyon ang halaga at tunay na parang nakawala sa hawla ang ma demonyo sa kulungan. At masaklap pa na ang mga sangkot mga autoridad. Nakawawalang gana ngayon ang mga pulis natin. Ang sabi ang tungkulin nila ay to serve and protect, Filipino man o dayuhan lalo na mga tourist, pero iba ang pinoprotektahanan at pinagsisilbihan. Turista pinagnanakawan, kapwa Pilipino biktima na holdup, kidnapping at marami pang ibang klase ng krimen, ang suspek o ang may gawa o sangkot mga autoridad. Ayos, di ba to serve and protect the people? Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko naman kayo nilalahat. Pero ang hawa?

*****

Gumagawa rin kasi ng sarili niyang papel si PBBM hindi niya naman kaya. Kukuha ng gabinete panay mga palpak. Hindi pumapasa sa CA kasi nga mga nasa panay din magagaling kuno pero kung titingnan mo pareho sila sa mga nakasalang na bukod sa hilaw ang pagkaluto sunog pa. Para sa akin, magaling si Duterte, matapang at pinaninindigan ang mga sinabi at ginagawa niya. Totoo talaga, iba ang original kaysa kawangis lang lalo gumagawa ito na sariling papel pero hindi naman kaya. Darating ang araw na lahat tayo nganga. Huwag na tayong umasa sa mga pangako at tiyak matutulad rin yan sa mga pangako ng pulitiko noon at mga pulitiko ngayon.  Tulad ni Robin Padilla, saksakan ng yabang na itutul]oy niya ang mga pagbago sa ating Saligang Batas pero hanggang kayabangan din lang. Baka ibig sabihin niya pagputi ng uwak mangyayari ang Charter Change. Puro kayo salita.

*****

Pulis na naman ang sangkot sa malaking patayan kung saan sangkot ang mga opisyal ng to serve and protect kuno. Isang malaking negosyante, dalawa ang ang sumabit. Have a good day in court. Mabigat ang laban lalo at mayaman ang kalaban. Ito ang sabi nila na labanang maganda dahil ang laban big-time na negosyante at big-time na opisyal ng awtoridad. To serve and protect daw. Tingnan natin kung papaano nilang silbihan ang mamamayn at kung paano nila itong patayin pagkatapos silbihan?

*****

PSG ni Duterte at dating hepe nito ang sinasabing involved sa crime of passion daw???? Paano kaya nangyari ito? Iyong mga sangkot sa krimen awtoridad at matataas ang tungkulin, mga heneral pa. Ganito na ba ang gobyerno talaga natin? Sabi nga ang tunkulin ng mga awtoridad to serve and protect the people at hindi ang patayin sila? Aba, baliktad na yata ang nangyayari. Mga tao ang pinapatay ng hindi basta army o pulis lamang, mga heneral pa ang sangkot. Ibang klase talaga sila, pumapatay ng mamamayan at hindi ang silbihan at protektahan. Anim na dating mga PSG ang sangkot. Kung paano nangyari, aywan ko sa kanila. Baka magaya pa ako kay Rene Requiestas, ipatawag ang parents ko nang wala sa oras.

*****

Bubuhayin daw muli ng ICC ang kaso kay Duterte. Parang mga baliw. Wala namang haharap sa kanila kung sakali, baka sila-sila? Baka nga naman madala sa pangungulit at tuloy gawin tayong mga uto-uto. Ayos, di ba? Pero di naman tayo mga tanga, bakit sila makikialam sa atin? Ganoon na ba tayo katanga? Anong tingin nila sa atin, basta na lang pakikialaman dahil iyon ang gusto nila? Suwerte nila ano? Sige makialam kayo at uuwi kayong makakahiwalay ang paa o baka mapunta sa ulo ang paa nyo? Para kayong mga siraulo niyan o baka may nagpapakilos sa inyong nababaliw na rin? Move on na, noy, marami pang susunod na eleksyon baka makabawi ka na?

*****

Sa mga nagdaang araw na malakas ang ulan, maraming buhay ang nawala at 38 naitala ng pamahalaan sa kabuuan. Sa Bicol walong tao ang naitala dahil sa wala tayong kahandaan sa biglaang pagbuhos ng ulan at sa.dalas nito. Ayon sa PAGASA, dala ito ng amihan at shear line at sa kabuan ay dala ng kung tawagin ay climate change. Sabi pa nga darating ang panahong mas lalakas ang mga bagyo at lalong lalakas ang sobrang init ng panahon. Siino ang dapat sisihin kundi mga mauunlad na bansa siyang may malaking kasalanan sa pagbabago ng panahon?

*****

Ang sinisisi ni Kabayan sa resulta ng nakaraang eleksyon ay ang Comelec dahil mabilis daw ang resulta nito. Funny dahl pag mabagal ang resulta, sinasabi nilang mabagal ang dating ng resulta. Wala nang mapuntahan ang mga tao sa gustong mangyari ng mga taong ito. Sala sa init, sala sa lamig. Sobrang tatalino nila pero pangkaraniwan lang ang mga utak nila at katulad din nating kumakain ng tama sa oras. Kaya ang masasbi ko sa inyo, sino ba kayo? Magtayo na lang kaya kayo ng sariling Comelec at ng sariling gobyerno. Mga punyeta kayo!!

******

Ang bansang maraming malulupit ay ang bansang Kuwait. Pag hindi pinapahirapan ang mga kasambahay, ito ay pinapatay o kaya ay ginagahasa. Ang pangalawa ay Saudi Arabia na pinamumugaran ng mga manyak. Pero mahirap na bansa lang tayo kaya kapit lang tayo sa patalim. Sa susunod, sa baril na tayo kumapit nang matuto ang mga hayop na iyan. Ang mahirap, mga magnanakaw din tayo lalo na ang nasa gobyerno.

Exit mobile version